Venus' POV
Mag iisang linggo na simula noong huli naming pag uusap ni Earth sa gabi ng birthday ni papa pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita.
Tinanong naman ako ni mama kung saan ako nagpunta dahil bigla lang daw akong nawala na hindi tinatapos ang party na sinagot ko lamang na nauna na akong umuwi dahil inaantok na ako.
para namang nakumbinsi ko si mama pero hindi si lolo. Alam ni lolo na may mali subalit hindi na siya nagtanong pa nang marinig ang aking sinagot at talagang ipinagpapasalamat ko iyon.
Hapon naman nang dumating si papa. Palagi na itong dumadalaw at inaayang lumabas si mama simula noong aminin niya sa harap ng maraming tao na sila na ni mama. Napapangiti na lamang si lolo na pinagmamasdan sila habang akay ni papa si mama palabas. Naalala raw niya ang kaniyang kabataan kapag pinagmamasdan niya ang mga kilos ni papa.
"In the future, where I came from, boys never acted like that." At totoo naman talaga ang sinasabi ko, kaya siguro hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkakaboyfriend.
Ngumiti naman si lolo sa aking tinuran at tinapik ang ibabaw ng aking ulo. "Mas maganda talaga ang panliligaw noong unang panahon, apo." Tumango ako bilang pagsang ayon.
"Siya nga pala, hindi ko na ata napapansin na pumupunta rito si Earth. Kumusta na kaya ang batang iyon?" Hindi ako nakaimik sa tanong ni lolo. Kinagat ko na lamang ang aking labi habang pinapakiramdaman ang aking sarili.
Mas lalo akong hindi nakasagot sa sunod na tanong ni lolo. " Alam na ba niyang may relasyon na si Vina at Peter?"
Napatungo ako at umiling. Hindi ko alam kung alam na niya. Pero base sa reaksyon niya noong maabutan ko siya sa tulay ay mukhang alam na nito.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni lolo sa aking tabi. Tumayo ito sa pagkakaupo sa salas at tinapik ang aking balikat.
" Aakyat na muna ako sa kwarto, apo," paalam ni lolo. Pero bago pa siya tuluyang umakyat ay may sinabi ito sa akin.
"Bakit hindi mo siya kumustahin, apo?"
Napatuod ako sa aking kinauupuan. Noon pang isang araw, napag isipan ko ng gawin iyon subalit may pumipigil sa akin pero ngayon ay naging buo ang aking desisyon dahil sa sinabi ni lolo. Kukumustahin ko lang naman siya.
Mabilis ang hakbang na ginawa ko pabalik sa kwarto. Habang nagbibihis ay nahagip ng paningin ko ang study table. Lumapit ako dito at binuksan ang drawer nito. Doon ay muli kong nakita ang pamilyar na sulat na dahilan ng lahat ng ito. Kinuha ko iyon at pinasok sa loob ng aking sling bag.
I'll let Earth read the letter so that he'll know what's going to happen. In this way it will be easier to save him. Bahala na kung ano man ang susunod na mangyayari.
Tinahak kong muli ang pamilyar na daan papunta kina Earth. The sky was painted to its beautiful orange color and I know the sun is ready to set. Hinigpitan ko ang paghawak sa aking sling bag, nang matanaw ko na ang bahay nila.
I stop a few meters from the house. Pinagmasdan ko lang ito sa malayo at pinakiramdaman. The house was silent and all the windows are close. i wonder kung umalis ba sila. Naghintay pa ako ng ilang minuto na may lalabas sa bahay na iyon subalit wala. Naduwag akong lumapit ng tuluyan dahil alam kong sa sarili kong hindi pa ako handang harapin si Earth. Dinadamdam ko pa kasi hanggang ngayon ang sinabi niyang huwag ko na siyang lapitan at Huwag na akong makialam sa buhay niya.
Tumalikod na lang ako muli. Sa susunod na lang, I said to myself. Subalit hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay agad akong napalingon sa bahay nila Earth nang makarinig ng mga sigawan at kalabog. Mukhang may nag aaway sa loob.
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
Novela JuvenilShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him