Venus
"Dito ka na lang kumain, Venus" anyaya ni Tita Cornel, mama ni Earth. Nais niyang tawagin ko na lang daw siyang Tita.
"Hindi na po, hinihintay din po kasi ako ni ma- ay ni Ate Vina po." Magalang kong pagtanggi sa kaniya. Muntikan ko pang masabi na 'mama'.
"Dito ka na lang maghapunan, sakto naman kasing pang apat na tao ang naluto ko, nakalimutan kong tatlo na lang pala kami ngayon", malumanay subalit may halong lungkot ang banayad na boses na pagkakasabi nito.
I look at Earth
"Tawagan mo na lang si Vina, sabihin mo dito ka na maghapunan at hindi ka na lang nila hintayin",
"Kaso wala naman akong cellphone", nakayuko kong saad.
"Here", sabay abot ni Earth ng cellphone niya para matawagan ko si mama.I study the cellphone. Ibang iba ang unit nito kompara sa mga cellphone na nasa panahon na pinanggalingan ko. But I think ito yata ang isa sa mga sikat na brand sa panahon ngayon.
Nakangiting mukha ni mama ang bumungad sa akin ng buksan ko ang cellphone ni Earth. I swipe the lockscreen at ang wallpaper naman sa homescreen nito ang mukha nilang tatlong magkakaibigan. I bet this was taken during a christmas party, if I'm not mistaken. Maliban kasi sa mga christmas lights na nasa background ay may christmas tree rin sa gilid ni Earth na nakangiting nakaakbay kay mama. Sa kabilang side naman ni mama ay si papa na naka pamulsa at nakahawak sa balikat ni mama. Base rin sa picture ay mukhang sa snackhouse ito kinunan.
Kinalimutan ko muna ang masayang litrato at agad hinanap ang pangalan ni mama sa contact list at dinial ito. Ilang ring lang ay may sumagot na agad.
"Hello Earth?" Inilayo ko muna ang cellphone at binasa kung tama ba ang number na nadial ko. Boses lalaki kase at medyo matanda na.
'Vina' ang nakalagay na pangalan at may puso pa sa dulo nito, kaya alam kong kay mama nga itong numero. Ibinalik ko naman sa tenga ang cellphone.
"Hello Earth, nandiyan pa ba si Venus?" Agad ko namang natealize na si lolo pala ang sumagot ng tawag.
"Hindi pa kasi siya nakakauwi eh, kasama mo ba siya?" Halata sa boses nito ang pag aalala."'Lo, ako po 'to, si Venus po", narinig ko naman ang paghinga nito sa kabilang linya.
"Jusmeyo ka apo, pinag alala mo ako. Akala ko ay kung napano ka na sa daan", pangangaral nito sa akin. Napangiti naman ako. A warmth feeling crept ubto my heart. Kahit nalilito siya kung saan ang aking pinanggalingan ay tinuring niya pa rin ako bilang apo. He consider me as a part of a family, siya lang ang nakakaalam kung sino ako sa mundong 'to, which reminded me of the letter that he read.
Hindi ko pa pala nababasa iyon. I think I need to read it as soon as possible. Posibleng iyon ang naglalaman sa mga sagot ng aking mga katanungan kung bakit ako nandito, kung kailan ako hanggang dito and so much more. Nawala na sa sarili ko na sinabi rin sa akin ni lolo na nalaman niya kung sino ako pagkatapos noyang mabasa ang sulat.
"Apo, nandiyan ka pa?" Napabalik naman ako nang marinig ko ang boses ni lolo.
"Opo", magalang kong sagot.
"Nasaan nga po pala si mama?" Mahina kong tanong sa kaniya at baka marinig pa ako ni Earth at magtaka. Pinagmasdan ko naman ang ginagawa nito at nakita kong inaayos niya ang hapagkainan at sinasalukan na ng pagkain ang plato na para sa kapatid. Nakahinga ako ng malalim."Ah, pumanhik muna ito sa taas, magbibihis daw muna. Naiwan naman niya ang telepono niya dito sa kusina kaya ako na ang sumagot."
Napatango naman ako.
"Nakahanda na ang hapunan, susunduin na lang kita sa daan dahil gabi na, kahit malapit lang ay delikado pa rin", napailing naman ako kahit alam kong hindi ako nakikita ni lolo.
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
Teen FictionShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him