24

61 1 0
                                    

Venus' POV


I don't know what happen next. Ang alam ko lang ay nabasa ko ang sulat ni lolo para kay mama and now commotions after commotions happened and how I hate confrontations. 

The rain is pouring heavily outside as I sat in one of the couches in the house. Nasa kabilang dulo naman si Earth habang sila mama at papa ang kaharap namin. I don't know what's going on. Para akong lutang sa mga nangyayari sa aking paligid. Mahinang humahagulhol si mama at mahina rin siyang tinatapik ni papa sa likod para pakalmahin. 


I was on the floor for I don't know how long basta ang alam ko lang ay natuyo na ang luha ko pero hindi pa rin nawawala ang sakit sa aking puso. The door suddenly burst open at ang nag aalalang mukha ni papa ang bumungad sa akin. Umupo ito at tinulungan akong umupo rin kahit nanghihina ako. Nakasunod si mama sa kaniya. Maga ang mga matang nakatingin ito sa amin. 

" Alalang alala kami sa' yo. Akala namin ay kung ano ng nangyari sa'yo nang puntahan ka namin sa kwarto mo at wala ka at halos halughugin na namni ang buong bahay. Nandito ka lang pala." Sabi ni papa sa akin habang bakas pa rin ang matinding pag alala nito sa akin. Inalalayan niya akong tumayo. 

Yumuko naman si mama at may pinulot. Napahigpit ang kapit ko kay papa nang makita ko ang sulat ni lolo sa kaniyang kamay. Hindi na ako nakapalag pa nang basahin niya rin ito. Muling tumulo ang masaganang luha ni mama na tila walang katapusan. Napahwak siya sa mini cabinet na malapit sa kaniya para kumuha ng suporta. Nangunot ang noo nito at pumalahaw ang malakas na hikbi ni mama kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan. 


Her eyes full of confusion looked at me like she is just slowly digesting the information she just read. 

" Hi-hindi ko maintindihan," nanghihina nitong sabi at muling tiningnan ang nakasulat sa papel na baka nagkakamali lang siya nang nabasa. Pero muling umangat ang tingin ni mama at nagpabalik balik ng tingin sa amin ni papa pero mas tumagal ito sa akin.

" Okay ka lang ba Vina?" Tawag ni papa sa atensyon ni mama. 

Mas lumalim ang linya sa noo ni mama habang hindi niya tinatanggal ang tingin sa akin. Tila kinakabisado ako at hindi niya narinig ang tanong ni papa sa kaniya. 

" Totoo ba ang sinasabi ni lolo dito?" Hindi ako sumagot sa tanong ni mama para sa akin. Napalingon naman si papa sa akin at hinintay kung ano ang isasagot ko. Pero lumunok lang ako at mas humigpit pa ang kapit kay papa.

" Enlighten me please! Hindi 'yung pinapahula mo ako."  Medyo tumaas ang boses ni mama siguro dala lang sa emosyon niya. Nagpatuloy ang pagpatak ng kaniyang luha pero wala ng hikbi na lumalabas sa kaniyang bibig. 

" Please, kumalma ka muna Vina, masyado ka lang stressed." Puna ni papa kay mama. Hindi niya pinakinggan si papa sa halip ay lumapit siya sa akin at kinuha ang dalawa kong kamay. Nagmamakaawa itong tumingin sa akin. 

" Totoo bang anak kita Venus?" Diretsahang tanong ni mama sa akin. Narinig ko ang pagsinghap ni papa mula sa narinig. 

Hindi pa rin ako makasagot. Simpleng oo lang naman sana at hindi ang sagot sa tanong ni mama pero tila binabalutan ako ng madaming emosyon ngayon at hindi ko mahagilap ang aking sarili upang buksan ang bibig at sagutin ang kaniyang katanungan. The situation right now is on fire at alam kong kaunti na lang at sasabog na lahat ng katotohanan.

 Tinanggal ko ang nakaalalay nakamay ni papa sa akin at kinuha ang kamay ni mama. Iginiya ko siya papalabas ng kwarto ni lolo. Nang makarecover din si papa sa pagkabigla ay pinulot niya ang sulat na nahulog ni mama at sumunod sa amin. 

Her last letter to EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon