Venus' POV
Hinatid ako ni Earth sa labas ng bahay. Tinanggihan nito ang alok na pumasok. Kumaway lang ito sa akin habang naglalakad palayo but before that he said goodnight first and kissed the top of my head. Hinatid ko siya ng tingin hangga't kinain na siya ng dilim. I sighed as I remember what I said to him while we are riding the bus.
" Can you forgive your father now Earth?" I asked him hindi siya sumagot pero nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao kaya agad ko iyong hinawakan at nakita ko naman ang pagkalma ng kaniyang mukha nang lingunin niya ako.
" I don't know Venus. May tamang panahon para diyan. Pag humingi na siya ng tawad siguro papatawarin namin siya pero hindi na maibabalik pa ang dating pagsasama."
" Umm so kailan mo sasabihin sa akin ang bago niyong address?" Pag iiba ko sa usapan.
" Soon dadalhin kita. Miss ka na rin naman ni Choco." I smiled while imagining Choco's squeshy cheeks.
Bumalik ako sa reyalidad nang buksan ko ang pintuan at mga nagkalat na rosas sa sahig ang sumalubong sa akin. Namangha ako dahil sa rami nito. Itinaas ko ang aking paningin ang in the middle of the stairs stood my beautiful parents. Magkayakap sila at narinig ko naman ang mahinang tugtog mula sa radyo kung saan nakatayo si lolo habang nakangiti ring nakatingin sa kanila. Sumaya ang puso ko nang makita sila. They look so perfect. How I wished I could experience the same love they shared.
Bumitaw sila sa yakapan at nakita ko ang pasimpleng pagpahid ni mama sa kaniyang mata. Ngumiti naman si papa habang kinuha ang kamay ni mama at sinalikop sa kaniya. Nakita ko ang mga masasaya nilang mukha. Their smiles reaches their eyes too. Their love is too pure and so innocent that it's so beautiful to look at.
Tumikhim si lolo at nakuha niya ang atensyon ng magkasintahan.
" Hali na kayo at bumaba. Kanina pa ako nagugutom mamaya na niyang lambingan niyo." Pabirong puna ni lolo na ikinatawa lang nila mama at papa. Binalingan naman ako ni lolo. Hali ka na rin apo. Tumango ako at isinara ang pintuan sa aking likuran na nakalimutan ko palang isara kanina dahil sa pagkamangha sa aking nakita.
Nauna ng pumasok sa kusina sila mama at papa at sinabayan naman ako ni lolo.
" Ako nagplano nito. Humingi kasi ng tulong 'tong ama mo sa'kin dahil may hindi sila napagkasunduan ni Vina. Akalain mong kaya ko pa palang gumawa ng mga ganitong bagay." Pagbibida ni lolong ibinulong niya sa akin. Tumawa naman ako dahil sa inasta niya.
" Parang nag aala-teenager ngayon si lolo ah. " Biro ko sa kaniya at kindat lang ang kaniyang isinagot bago naunang maupo. Napatawa na naman tuloy ako pati sila mama at papa. Nakahain ang mga masasarap na putahe sa hapagkainan kaya napasarap ang aming kainan habang nagbibiruan. How I wish nothing would change. I've never felt so contented like this for my whole life. Pero alam kong matatapos din ito. And the only thing I can do is to treasure this minute forever.
The days passed by like a whirlwind. Hindi ko nga namalayan na palagi na pala kaming magkasama ni Earth at sa susunod na week ay pasukan na naman nila. I asked him kung bakit hindi siya naging busy sa kaniyang mga requirements pero nginitian niya lang ako sabay sabi na hihinto na muna siya dahil tutulungan na muna niya si Tita Cornel na mag ipon lalo na't marami rami raw ang gastusin basta college.
Nandito kami ngayon ni Earth sa snackhouse nila papa. Nilalantakan ko ang ice cream samantalang burger at fries naman ang kinakain niya. Masaya kaming nag uusap. He looks so happy while telling stories about his childhoods and his plans for the future. Natuwa akong nakikinig sa kaniya hindi dahil masarap pakinggan ang kaniyang boses pero dahil iyon sa mga naririnig kong kwento niya. He wants to be a business man someday. Papatayuan niya raw ng restaurant ang kapatid lalo na at kahit bata pa si Choco ay marunong na itong sumagot kung anong gustong maging paglaki.
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
TeenfikceShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him