Kabanata 2 - Give it a Try or Nah?
I'm a college student and I'm 17 years old. Dito ako nag-aaral sa isang kilalang campus sa Manila.
Paano kaya kung sa ibang school ako nag-aral? Or sa ibang lugar kami nag-stay? Magiging ganito kaya ako?
Okay. Non-sense question!
I'm here infront of our room, nakasandal ako sa railings ng building namin. Accountancy ang course ko so that's why I am here sa building na ito. Nagpahinga lang ako saglit rito bago pumasok ng classroom namin.
I am so excited to see my friends here. I really really miss them a lot!
Pagkapasok ko sa classroom agad nahagip ng mata ko ang dalawang babae sa likod.
*BLAG!*
Nalaglag ko ang bag ko sa tapat ng table ng dalawang babae.
Narinig ko yung usapan nila, anong sinabi nila?
Totoo ba yun?
"OMG! NADIAAAA! Ikaw na ba yan? Long time no see Friend!" sabi ng isa sa mga babae. Err, akala mo eh di kami nagkita ng mahigit isang taon.
Niyakap nila akong dalawa. "Gaga! Para kang ewan, tigil-tigilan mo ko at wala ako sa mood!" sigaw ko sa kanya at saka naman tumawa ng malakas yung isa.
Parang mga tanga, eww.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" Anak ka ng nanay mo! Nabuwang na.
Sumagi muli sa isip ko ang pinag-uusapan nila kanina. "By the way, totoo ba yung narinig ko?" pag-uusisa ko sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan pa yung dalawa na para bang nag-uusap ang mga mata nila kung sasabihin ba nila o mananatili na lamang tikom ang mga bibig nila.
"Ah, okay fine! Grabe pala no? Ang sakit sakit naman ng sinabi niyo! Grabe! Ang galing! Nakaka-amaze, totoo ba yun?" sarkastikong sabi ko at saka pairap na bumaling sa katabing table at doon naupo.
"A-h, kasi Nadia, Ahm. Teka!" Utal utal na sabi ng isang babae.
Sumingit yung isang babae. "Nadia! Kasi may nababalita dito sa school natin ngayon. Mukhang di mo alam. Ahm kasi.."
"Ano? Tutulo na laway ko wala pa rin kahit isang detail ang nanggagaling diyan sa bibig niyo!" sigaw ko sa kanila.
"Kasi nga! May babaeng student na naisipang i-try yung nakita natin noon sa isang website!" hingal na sabi ng babaeng kanina pa nagsasalita.
"What do you mean? I dont get it. Anong nakitang website?" nagtatakang tanong ko.
Hinahabol niya yung hininga niya. Bakit kasi kailangang madaliin yung pagsasalita eh. Ayan!
Sumenyas yung babaeng kanina pa nagsasalita na yung isang babae nalang ang magtuloy ng susunod pang sasabihin.
"Okay." buntong hininga ng isa.
"Yung website na tinatawag na FREE POTION, at may slogan na Wanna give it a try? Visit me, you dont deserve to cry."
"Ah. Totoo? Bakit daw? What happened to the girl?" usisa ko pa sa kanila.
"The girl is in the hospital right now. Her life is critical. Aksidente siyang nakainom ng isang free potion na galing sa website ni MADAM ANGELICA. I think yung potion is like a poisonous drink na hiningi nung girl for her enemy. But she didn't get Madam's instruction." kwento ng babae.
"I think the instruction given by Madam is ilagay sa kahit anong gamit ng kaaway niya then everything will worked. But, the student didn't get it. She thought that she must drink it. So that's why she's in hospital rn."
Wth? The girl is so idiot!
"Why she didn't get it? Eh ang linaw linaw ng instruction ni Madam Angelica ha?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"We don't know?" kibit-balikat na sagot ng dalawa sa akin.
"Fine. Let's find out later!"
*BLAG!*
Biglang bumukas ng malakas yung door ng classroom. What's happening?
OH MY GOD?!
Biglang tumahimik ang mga classmates ko. May demonyong dumating!
Kita sa mga mata ng mga classmates ko ang pagkatakot at kaba. Hindi ko maitatanggi na ganunrin ako.
"OKAY!" sigaw ng pinaka- TERROR TEACHER dito sa campus.
What the heck is happening? Why he's here?
"I will be you professor for the whole year! Goodmorning!" bati niya ng may pagka-husky ang boses.
Wala ni isang bumati sa kanya pabalik. Why is he like that? Bakit kasi ganyan ang ugali niya? Deserve niyang i-treat siya ng maayos ng mga students but mukhang ayaw naman niya. I don't know him!
"For sure, nabalitaan niyo na yung student na ti-nry yung website na FREE POTION diba? Sino sa inyo ang nagbabalak na subukan iyon?" tanong ng Prof namin.
Wala ni isang sumagot. Pero I got curious about that. Minsan ko na rin kasing naisipang i-browse ang website na iyon but I'm afraid to try it.
"Aminin natin, nacu-curious tayo minsan diba? But, think of it whenever we've got curious there's something bad happen diba? So, bakit natin kailangang subukan kung alam naman na nating ikapapahamak natin. Kasi nga Curiosity! Maraming napapahamak dahil sa Kuryosidad!" panenermon pa niya.
"Yeah, tamang libre lamang sa una ang potion na nakikita natin sa website ni Madam Angelica but inisip ba natin na ligtas ang mga potion na ibinibigay or ibinebenta roon? Yup, her website is legal but hindi natin alam kung sa iba ay makakasama iyon o makakabuti." dugtong pa niya.
"Sabi nga nila, bago tayo pumasok sa isang sitwasyon siguraduhin muna nating ayos ba ang magiging resulta." pagdidiin ni Prof.
Puro pagsesermon lang ang nangyari, hindi muna siya nagklase sa amin. He told us kung anong nangyari sa student na iyon. But hindi pa rin nanahimik ang diwa ko, gusto kong itry iyon kahit na alam kong may napahamak na.
I don't know why?
Umuwi na ako sa bahay malapit dito sa school.
Hindi mawala sa isip ko ang mga nalaman ko ngayong araw. Masyadong punong puno ang isip ko.
Pagkadating ko sa bahay, walang tao. Wala sila Mom and Kuya, siguro nagshopping na naman yung dalawa na yun. I hate them na! Huhuhuhu. Nang-iiwan!
Pumasok ako sa kwarto ko. My room is all dark and white. Yung wall ay black, at yung ceiling is white. My favorite color is black. Ang ganda ganda kaya ng black!
Nahiga muna ako sa kama ko at saka naisipang kuhanin ang cellphone sa bag ko.
Nag-iisip ako ng maaring gawin, ang boring naman kasi!
I opened my facebook account. Nakita ko sa page ng school namin ang tungkol sa issue nung sa student na ti-nry yung FREE POTION.
I-browse ko nga, wait.
Bumangon ako at saka kinuha ang laptop ko. Inopen ko iyon at saka nagmadaling i-browse ang website ni Madam Angelica.
'madamangelica'sfreepotion.com'
Nakita ko agad iyon at saka pinindot. Hmm?
Nakita ko ang isang potion na gustong gusto ko.
'Aphrodite's Potion'
Wanna give it a try or nah?
------------
Hello readers! Thankyou for supporting my story. Sana magustuhan niyo. Dont forget to VOTE and leave a COMMENT sa mga chapter or verses na nakakapukaw ng attention niyo. Lovelots!
-viowence <3
BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Mystery / ThrillerAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...
