Kabanata 23 - Necklace
"Ang ganda ni Haring Araw," puri ko sa papalitaw na araw na pinagmamasdan naming dalawa ni Coenn mula sa veranda nitong hotel.
"Because its God creature. Even you. You are beautiful coz God made you," sagot niya.
Ayan ka na naman Coenn! Kay aga-aga kung pumuri eh.
Napagusapan kasi namin kagabi habang nagbobonfire na panoorin namin ang paglitaw ng araw. Sumang ayon naman sina Mama at pinayagan kami.
"Halika, kuha muna tayong breakfast," yaya niya at saka kami bumaba. Nagsswimming sina Mama at Kuya sa baba.
Nang makakuha kami ng pagkain ay dumiretso kami sa isang benches na may umbrella roof at doon kumain. Kita pa din ang unti-unting paglitaw ng araw sa puwesto namin ni Coenn.
Ang sarap sa feeling na marinig mo ang bawat paghampas ng alon ng tubig kasabay ng katamtamang lakas ng pagihip ng hangin at ang magandang view na nasa harapan mo. Relaxing!
Wala talagang ginawang hindi maganda ang Diyos. It was all perfect.
Kung mayroon mang perfect dito sa mundo, iyon ay ang mga bagay na ginawa ng Diyos pero ng dahil sa tao unti-unti itong nasisira at nawawala.Ang romantic siguro ng place na ito kung kasama ko yung lalaking destined para sakin. Nakakalungkot bakit wala ka pa? Limot ko na yung feelings ko sa past. All I wanna do is to meet you. Bakit ang tagal-tagal mo? Sa edsa ka dumaan?
Minsan nawawalan ako ng pag asa na darating ka pa. Why would take it so long? Bakit hanggang ngayon wala ka pa? Malapit na yung 18th birthday ko. Lord, can you send him as a gift for me? I want to know him. I'm waiting. I will.
How I wish na sana si Coenn na lang. Pero, we're friends and will never be lovers. He's the man who every girls dreamed of.
Ano ba yan! Ang bad ng iniisip ko. Kaibigan ko siya at hanggang doon lang iyon. Kahit papaano ay natatakot pa din akong itake risk ulit ang puso ko dahil sa love. Siguro'y di ko dapat munang isipin iyon.
"Naith," tawag sakin ni Coenn.
"Why?"
"Eat your food," utas niya.
Tumango naman ako at saka muling inumpisahan ang pagkain. Ang sarap ng seafoods. Mabuti nalang ay wala akong allergies sa mga ito. Hindi ko maeenjoy ang beach life kung hindi ako makakakain ng ganito.
"Coenn. Tubig!" utos ko sa kaniya dahil nabubulunan ako. Agad naman niya iyong inabot at tumayo siya para haplusin ang likuran ko.
Uminom ako ng tubig at tinanong niya kung ayos na ako.
"Okay na," sambit ko habang nakangiti. Stupid, Nadia.
Muli akong bumalik sa pagkain ko. Si Coenn ay kanina pa tapos at deserts na ang pinapapak. Naaakit tuloy ako.
Binilisan ko ang pagkain para makapagsimula na din ako sa deserts. Inuna kong kainin ang Chocolate Cake.
Paborito ko kasi ang tsokolate. Kahit anong pagkaing may tsokolate ay gusto ko. I'm a lover.
Sumimsim ako ng juice sa harapan ko. Nagiingat na at baka mabulunan muli ako. Nakakahiya kay Coenn kahit pa kaibigan ko ito.
Nakita kong nagpipigil ng tawa si Coenn. Parang tanga, napapano kaya to.
"Hoy, bakit na naman ba?" inis kong tanong sa kaniya.
"Wala," matipid niyang sagot.
"May sira ba yang ulo mo? Bakit ka tatawa ng walang dahilan?" saka ako umirap sa kaniya.
"Masama?"
"Oo, masama!" giit ko.
"Ang masama ay kapag gumagawa ka ng bagay na may natatapakan kang iba."
"Natatapakan ako.Tss."
Hindi ko nalang siya pinansin dahil ayokong masira ang mood ko. Kumain nalang muli ako ng Chocolate Cake ko. Ang sarap kasi, letse.
Habang kumakain ay nakatitig ako sa mga buhangin na nasa harapan ko. Bigla kong naalala si Deimos. Nasaan na kaya sila ngayon?
Sa tuwing sumasagi sa isip ko yung lalaking iyon, natatawa nalang ako. Hindi ko alam kung bakit. Kung dahil ba sa naka-move on na ako? Ewan.
Siguro nga. Pero sinayang nila yung friendship namin. But, its fine.
Habang sumusubo ako ng Chocolate Cake ay may dumaan na couple sa harapan namin ni Coenn. Feeling ko ang bitter ko tuloy dahil nandidiri ako sa kanila. Yuck! Nadia bakit ka ganyan? Stop thinking.
Ibinaling ko nalang ang atensiyon ko sa kinakain ko. Kinuha ko ang phone ko at nagpicture. Kinuhanan ko ng litrato ang magandang view na nasa harapan namin.
Nakita kong maganda ang pwesto ni Coenn kaya pati siya ay kinuhanan ko na din ng litrato. Sa litrato ay nakaupo siya habang seryosong nakatingin sa view na nasa harapan niya. Cute!
Nang maitago ko na ang phone ko ay nagpatuloy ako sa pagkain. Sinimulan kong kainin iyong vegetable salad, pampawala ng suya.
"Nadia," tawag ni Coenn habang nakatingin sakin.
Bumaling ang tingin ko sa kaniya. Nakita kong tumayo siya at pumunta sa harapan ko.
"Tayo ka," at tumayo ako ng nay halong pagtataka.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil kinuha niya ang kamay ko at iginaya akong maglakad.
Hindi naman siya umimik. Patuloy kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa gitna ng mga nakahilerang coconut trees sa dalawang gilid. Binitawan niya ang kamay kong hawak niya.
Nagulat ako ng maglakad siya palayo. Natuwa naman ako dahil huminto siya mga ilang hakbang mula sakin. Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya, hindi ko maaninag kung ano iyon.
Humakbang siya pabalik sa akin hawak ang isang kahon na hindi ko alam kung para saan. Hindi ko alam kung anong pakana ang ginagawa ni Coenn. Alam kong madalas siyang seryoso pero malay ko na nanttrip siya ngayon.
Nang makalapit siya sa akin ay ibinukas niya ang kahong maliit na nasa kamay niya ngayon. Tinitigan ko siya na may halong pagtataka. Naeestatwa ako sa posisyon ko ngayon. Para bang may kung anong pumipigil sa mga paa ko.
Inilabas niya ang isang napakagandang kwintas mula sa kahon. Letse, ang ganda!
Nagulat ako ng unti-unti niya akong niyayakap-para maikabit ang kwintas na iyon. Nang naikabit niya ay tinitigan ko siya ng may halong pagtataka pa rin. .
"Coenn, p-ara saan 'to?" usisa ko. Tinitigan ko ang kwintas. Nagulat ako dahil sa numerong 18 na naka-pendant sa silver necklace na suot ko. Another weird things. Sounds creepy.
"To express my sincere love and true feelings for you."
Enjoy reading babies! Please keep on voting 💛 Spread love.
-viowence 💜

BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Mystery / ThrillerAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...