Kabanata 22

24 3 1
                                        

Kabanata 22 - With You

Maaga akong ginising ni Kuya dahil maaga ang biyahe namin via eroplano tungo sa Palawan. Magaala-singko pa lang. Nakahanda na ang mga gamit na dadalhin namin.

Maliligo na ako pero nagkaroon ako ng kaunting minuto para tawagan si Coenn at alamin kung nasaan na siya. At On the way naman na daw.

Nang matawagan ko si Coenn ay dumiretsyo na ako sa banyo at naligo. Nagbihis na ako ng susuutin ko. Kumuha ako ng hoodie jacket sa cabinet ko at isinuot iyon.

Matapos kong mag-ayos sa sarili ay pumunta na ako sa sala. Habang hinihintay ko siya ay tinext ko siya at tinanong kung nasaan na siya.

From Oven

Nasa gate na ng bahay ninyo.

Received!

Nang mabasa ko ang text niya ay agad akong nagpunta sa gate. Nakita ko siyang naghihintay habang dala ang mga gamit niya. Nakita ko din ang isang bouquet ng rosas. Binilang ko ito at muling nagbabaka sakali na labing walong piraso muli ang bilang nito. Hindi naman ako nagkamali. Inabot ko na lamang iyon at iginaya siya sa loob ng bahay.

"Goodmorning Tita!" bati niya ng makita si Mama sa kusina na naghahanda ng mga pagkain.

"Goodmorning Bro," bati naman nito sa kapatid ko. Sumagot naman ito.

"Breakfast," banggit ni Mama at niyaya na kaming maupo sa upuang nasa harap ng mesa.

"Sige po, Tita. Thank you po."

Nang matapos kumain ay gumayak na kami para makaalis. Inilipat na namin ang mga gamit sa van. Matapos no'n ay saka kami sumakay.

Ilang oras ang lumipas ng makarating kami sa Aiport. Hindi naman kami nalate sa flight, mabuti nalang.

Nakatulog ako buong biyahe. Narito na kami sa hotel kung saan kami tutuloy.

Nasa iisang room lang kami. Magkasama sa kwarto sina Kuya at Coenn. Kami naman ni Mama ang magkasama. Nakapag-ayos na kami ng mga dala naming gamit.

"Nadia, halika na at maglunch na tayo," paanyaya ni Mama. Sumunod naman ako at naabutang palabas na rin sina Kuya at Coenn.

Nagtungo kami sa labas ng hotel. Gusto ni Mama ay sa Seafood Resto kami kumain. Hindi naman kami nahirapan dahil sa labas pa lamang ng hotel ay makikita na ang iba't ibang restaurant.

Pumasok kami sa isang kilalang Seafood Resto. Kumuha na kami ng table ni Coenn. Sila Mama at Kuya na ang pumila para um-order ng pagkain.

"Are you happy?" biglang-tanong ni Coenn.

"Yes, I am happy," tugon ko at saka ngumiti.

"Bonfire, later?" tumango naman ako bilang sagot.

Natanaw ko sina Mama at Kuya na sinusundan ng isang waitress. Inilapag ng waitress ang mga pagkain sa table. Nang matapos ay umupo na sina Mama at nagsimula na din kaming kumain.

Ang katabi ko ay si Coenn, katapat niya si Kuya at ako naman ay si Mama.

Habang kumakain ay napag-usapan namin ang ganap mamaya.

"Tita, pwede po bang mag-bonfire tayo mamayang gabi?" paalam ni Coenn.

"Yes,ijo. Iyon nga ang balak ng Kuya ninyo," sang-ayon ni Mama.

Bumalatay ang ngiti sa labi ni Coenn dahil pumayag si Mama sa gusto niyang mangyari.

"Salamat po, Tita."

Ibinaba ni Kuya ang King Crab na hawak ng magkabilang kamay niya. At saka nagsalita,"Magtayo tayo ng tent mamaya."

Biglang sumagi sa isip ko yung crush ni Kuya. Wala siyang ibang gusto kundi siya lang. Hanap mo ba ang Loyal na lalaki? Heto, yung Kuya ko prize ko sa taong ihahanap ako ng matinong jowa.

"Kuya, si Ate Yesha?" banggit ko sa pangalan ng crush niyang di man siya kilala.

"Bakit, Nadia?" mataman niya akong binalingan ng tingin.

"Wala lang, bakit hindi mo siya niyaya na sumama sa atin?"

"Stupid, Nadia. Naturingan kang honor student ni hindi mo alam kung tama iyong tanong mo." Alam kong di ka kilala ng crush mo Kuya!

"Bakit kasi hindi ka mag-girlfriend ng may kasama naman ako kapag binubully kita," kunwari'y malungkot ako.

"Ayaw mo ba na wala kang kahati sa oras ko para sayo, Nadia?" sabi niya habang naka-sad face pa. Bading talaga, kaya walang girlfriend eh.

"Seryosong usapan. Ayokong magkaroon kayo ng kahati sa oras ko. We only live once. Mas gugustuhin kong kayo ang makasama ko kaysa sa taong hindi ko lubos na kilala." Wow. Just wow.

A guy like my brother, please? Tamis.

Nanahimik nalang ako habang kumakain. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa saya na dulot ng mga sinabi ni Kuya kanina.

"Naith," tawag sakin ni Coenn. Lumingon naman ako sa kaniya.

Naramdaman kong dumampi ang kamay niya sa gilid ng labi ko. Tamis!

"May dumi," sabay balik niya sa pagkain niya.

Bakit ang gentleman ng dalawang lalaking kasama ko ngayon? Bakit sila gentleman? Bakit hindi ako makakilala ng ganitong lalaki na pwedeng pwede kong mahalin? Bakit hindi nila ipakalat ang ganitong ugali? Hindi ko naman pwedeng syotain ang Kuya ko. Hindi ko naman pwedeng syotain din itong si Coenn dahil kaibigan ko siya. Jusko po, patawarin niyo po ako sa nasa isipan ko.

Matapos naming kumain ay dumiretso na kami sa kwarto namin sa hotel. Nagbihis kami para sa paglabas namin muli sa hotel upang magbonfire.

"Alam mo ba ijo, iyang si Nadia noong bata siya habang naglalaro sila ng pinsan niyang si Ron ay hinabol iyan ng aso. Paano ba naman ay tumakbo kaya iyon, umuwi saakin ng puro galos at iyak ng iyak," pagkkwento ni Mama habang tawang tawa naman sina Coenn at Kuya.

"Mama, masyado ninyo akong ginigisa ha," kunwari'y nagtatampo ako, pero ang totoo'y tawang tawa na rin ako sa sarili ko.

Nagkasiyahan kami. Naroon ang tawa, saya pero minsan ay ginisa rin namin si Kuya. Pinagtulungan namin ni Mama sa crush niyang si Ate Yesha. Famous kasi iyon, at malabong makilala siya nito. Hindi ko ba alam kung saan nakilala ni Kuya iyong babaeng iyon.

"Ijo, may tanong ako," tanong ni Mama kay Coenn.

"What is that, Tita?"

"Napansin ko lang ito, ha. Bakit napadadalas ang pagdadala mo ng rosas kay Nadia? Ayos lang naman iyon saakin. Pero, bakit laging labing-walong rosas?" pang-uusisa ni Mama.

Dala na rin siguro ng kuryosidad kaya iyon natanong ni Mama. Sabagay, ako din ay nagtataka dahil labing walong rosas lagi ang dala ni Coenn. Porke ba malapit lapit na ang 18th birthday ko? Ehh? Hindi naman siguro.

"Ah-To express my sincerity and trueness. Ang Lolo ko po kasi ay ganoon ang laging ibinibigay kay Lola noong mga bata pa sila. Ibinilin niya sa akin na sa bawat pagpunta ko sa taong mahal ko bigyan ko daw siya ng labing walong rosas para maiparamdam ang sinseridad at pagkatotoo."

















Please do share my story to your friends and love ones who wants to read a story like this. And keep voting to each chapters. Don't worry coz i kinda appreciate it all. Thank you!

- viowence

Iniquity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon