Kabanata 14 - Japan
Mahigit apat na oras rin ang lumipas hanggang sa makalapag ang eroplano sa Kansai Airport sa Osaka, Japan. Isa-isang nagbabaan ang mga pasahero at bakas ang saya dahil sa lamig na nadaramang dulot ng panahon. Subalit, kung gaano kalamig ang Japan, ganunrin kalamig ang aking nadarama. Cold. Walang buhay.
Matapos naming makalabas ng Kansai Airport sa Osaka ay agad kaming sumakay sa Shinkansen o bullet train sa Japan. Agad kaming nagtungo sa isang hotel na kilala rito sa Japan. Ang boring.
Ordinaryong araw. Walang ganap. May jetlag pa ako kaya natulog nalang kaysa kausapin pa ako ni Mama.
Saan naman kaya ako pag-aaralin? Sa kilalang university? Boring.
Makalipas ang isang araw, pinag-ayos ako ni Mama. Pupuntahan raw namin ang eskwelahang papasukan ko at pagkatapos raw noon ay ililibot niya ako rito sa Japan.
Aaminin kong dream place ko ito. I mean, ito ang pinakagusto kong puntahan na bansa. Bakit? Dahil siguro sa kultura at sa kaayusan ng paligid at mga tao. Disiplinado. Hindi gaya ng mga tao sa Pinas, walang pagkakaisa, korupsiyon, gulo ang tanging makikita. Pero hindi ko naman sinabing LAHAT ng parte ng lugar sa Pinas ay ganoon. Siguro, kadalasan ay sa Maynila.
At ang pagkakaalam ko ay kapag nakaiwan ka ng gamit sa isang lugar, pagbalik mo ay naroon pa rin. Kumbaga sa pag-ibig, kung iiwan mo ang isang tao at kung nais mo siyang balikan, may babalikan ka pa rin. Wala ritong mang-aagaw.
Pasakay kami ng Shinkansen patungo sa kilala ring International School dito sa Japan. Nakakatamad. Narinig kong sinabi ni Mama na sa Shinagawa,Tokyo, Japan raw ang lokasyon ng school.
Mahigit tatlong oras rin ang naging biyahe patungo sa Tokyo. Ang ganda ng school. Kais International School. Pangmalakasan.
Kinausap lang ni Mama yung namumuno sa school, Principal kung tawagin sa Pinas. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari at pinag-usapan nila dahil nawala ako sa wisyo ng biglang maalala muli ang napanaginipan kagabi.
Matapos sa Kais International School, nagpunta kami sa isang Mall sa Japan. Pinayagan ako ng Principal na hindi na muna pumasok tutal holiday sa kanila ngayon. Kasalukuyan na kaming nasa mall, nagshopping sa isang kilalang shop. Bumili kami ni Mama ng paborito kong sapatos roon. At saka bumili na rin ng gamit sa school na nakalista sa kasamang form na ibinigay kanina sa Kais.
Matapos mamili ay kumain kami sa isang restaurant dito sa Tokyo. Um-order kami ng Ramen at mga seafoods. Ang sarap ng pagkain nila, but mas hinahanap pa rin ng panlasa ko ang mga pagkain sa Pinas.
***
Lumipas ang mga araw. Pumapasok ako sa Kais pero naging madali at mabilis na lamang ang pagpasok ko roon ng magpasya si Mama na sa Tokyo na lang humanap ng Condo. Kaya roon na kami nagstay. Pagkatapos pumasok ay dumidiretso ako sa Condo. At saka magpapahinga, mag-aaral at magce-cellphone. Nakabili kami ng cellphone ni Mama nung kasalukuyan kaming naglilibot sa mall.
May mga nagiging kaibigan na rin ako pero ang mga Inglesero lamang ang tanging nakakausap ko. Nag-self study ako ng language nila, so medyo nakakaintindi na rin ako ng Japanese.
***
Lumipas ang taon na inilagi namin sa Japan. Malapit na akong mag-graduation, dahil first time kong hindi sa Pinas grumaduate.
Marami akong naging kaibigan. Mayroon pa ngang Pilipino rin gaya ko. Sobrang close na kami kahit medyo opposite ang ugali namin. Lagi kasi kaming nagha-hang out, kaming magkakaibigan. May naging kaibigan na rin akong Japanese, dahil medyo nakakaintindi at nakakapagsalita na rin ako ng lengwahe nila. Ang sarap pag-aralan kahit mahirap at komplikado.
Nakaget-over na rin ako sa nangyari last year. Medyo nakakalimutan ko na rin yung main reason ng paghihiwalay namin ng mga kaibigan kong naiwanan ko sa Pinas. Ano kayang tingin nila sa akin ngayon? Galit kaya sila sa akin? O naintindihan nila ako?
Ang usapan namin ni Mama, pag-graduate ko ay babalik kami sa Pinas. Hindi sigurado kung temporaryo ba o permanente na. Hiling ko'y maging permanente na, nakakamiss rin ang environment sa Pinas kahit ma-polusyon. Nakakamiss na sila Deimos.
Nasasabik akong bumalik sa Pilipinas dahil handa na ako. Aamin na ako...
***
Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang graduation day at ang pagbabalik namin sa Pinas.
Kasama ko si Mama ngayon sa entrance ng school. Hinihintay namin ang mga kaibigan ko, dahil nagusap-usap kami na magkakasama kami ngayon. Huling araw ko na kasi rito sa Japan at hindi pa sigurado kung permanente na akong aalis at hindi na muling babalik pa.
"Come on? We're complete!" ani kaibigan kong Inglisero.
"Let's go!" sabik na sabi naming lahat.
Naglakad kaming sabay-sabay kasama ang aming mga magulang patungo sa pinaka-venue ng event. Sa isang saradong gym naroon ang mga estudyanteng nagsikap at nagpursiging makatapos. Iba-ibang lahi, iba-ibang lengwahe, pero iisa ang layunin...ang makapagtapos.
Naupo na kami sa kani-kaniyang upuan, kahiwalay ang aming mga magulang. Sumisilay ang mga ngiting dulot ng saya bunga ng aming pinaghirapan.
Nararamdaman ko sa sarili kong...parang may kulang?
Nagpalinga-linga ako sa paligid.
Ah, alam ko na...si Coenn ang kulang. Nasaan na kaya yung Oven na yun? Bakit hanggang ngayon wala pa, magsstart na yung program.
Napaigtad ako ng biglang may kamay na dumapo sa mga baywang ko.
"F*ck! Coenn Izec!" inis na sabi ko sa kaniya. Alam kong siya na yon, dahil siya lang ang may kakayahang gumawa noon sakin. Pilipino kami parehas, kaya ganon nalang ang ugali niya sa akin. Kami lang ang nagkakaintindihan. Kaya kapag magkaaway kami ay nawe-weirduhan sila sa amin dahil Filipino Language ang ginagamit namin.
"Hi, HoFaith!" nakangiting bati niya at saka bumaling sa mga kaibigan namin na nagulat rin sa biglaang pagdating niya.
"Kon'nichiwa!" bati ng isang Hapon naming kaklase sa kaniya.
Ilang minuto lang ay nagsimula na rin ang program. Isa-isang nagsalita ang mga guest mula sa iba't-ibang bansa.
At matapos ng mahabang pananalita ay nagsimula na rin ang pinakatunguhin ng programang ito. Isa-isang tinawag ang mga pangalan ng mga estudyanteng gaya ko na ga-graduate na. Malapit na kami!
"Margaux Mori."
Ilang pangalan pa ang nabanggit bago matawag ang pangalan ko.
"Nadia Faith Santillan." Iginaya ko si Mama patungo sa stage.
"Coenn Izec Anson." Nakita ko ang ngiting bumalatay sa kaibigan ko.
Ang sarap sa feeling!
Paano pa kung kasabay ko rin sana sina Deimos na ga-graduate ngayon. Kung nasa Pinas lang ako, paniguradong sobrang saya naming lahat.
Nakaupo na ako sa upuan ko kanina. Habang si Oven ay nasa stage pa rin dahil nagpipicture-picture. Pinagmasdan ko siya.
He seems so very familiar to me.
Parang na-meet ko na si Coenn dati. Pero hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.
***
Matapos ng graduation day ay dumiretso kami sa bahay nila Margaux, kaibigan ko. Nagluto raw ang Grandma niya ng foods at doon raw kami pinakakain.
Nauna ng umuwi si Mama, dahil aayusin pa niya ang mga gamit namin dahil aalis na kami mamaya pabalik ng Pilipinas. Nauna na rin umuwi ang ibang magulang nila, kaya kami kami nalang.
Susulitin ko na ang mga araw na kasama ko kayo. We never know what will happen next to our lives.
BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Mystery / ThrillerAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...
