Kabanata 20

24 3 1
                                    

Kabanata 20 - A Date

"Naith, nandito na ko," rinig kong sigaw ni Oven mula sa nakasaradong pintuan ng kwarto ko.

"Pasok," tugon ko.

Nabigla ako, hindi dahil sa pagpasok niya kung hindi dahil sa mga dala niya. Ang dami. Samu't-saring paperbags ng mga brands na talaga namang kilala sa Pinas. Fck?! "Ano yan," tanong ko na may pagkabigla.

"Presents," giit niya.

"For what? Whom?"

"For my girl."

Holy crap! What? Did he just say my girl? Damn it, gurl?! I can't believe. Gosh!

Tumawa ako ng may halong pagka-sarkastiko. "What? Are you goin' to reject my gift for you?" may halong pagkalungkot sa tanong.

"Nope, not like that. P—ero, k—asi...para saan? Like, wala namang okasyon, eh. Bakit may ganyan? Para saan?—

Di niya pinatapos ang pagsasalita ko. Singitero. "Para sayo nga," seryoso niyang sagot.

Parang tanga lang? Ulitin ko ulit? "Bakit nga? Wala kasing okasyon."

"Okay. If you don't like it, just say it. I won't force myself to you."

Nabigla ako sa sinabi niya, ang bilis niyang sumuko. "Ops! No! Akin na yan. Tinatanggap ko yan, di ako tumatanggi sa biyaya. Sadyang na-curious lang ako sa dala mo na ito, wala naman kasing okasyon para dalhan mo ako ng ganito karaming regalo. Thank you so much." Saka ko pinagtatabi ang mga dalhang paperbags ni Coenn sa ibabaw ng kama ko.

"Go, dress yourself Nadia," utas niya.

San punta? "Why?" tanong ko.

"Go, take a bath and just dress yourself."

"Wow, ina ho kita?" Tumayo na ako dahil no choice ka kapag isang Coenn Izec ang maguutos sayo. Wala kang kawala!

Pumasok ako sa banyo at iniwanan siya sa kama na nakahiga pa. Naligo na ako at matapos noon ay dalian akong nagbihis dahil naririnig ko na ang pagsinghap-singhap ng lalaki na iyon.

Matapos magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Suot ko ngayon ay isang mini skirt leather na binabagayan ng isang loose white shirt na may nakasulat na girls wanna have some fun sa medyo upper right side ng shirt.

"Change your outfit."

"What? Are you serious?" Napanga-nga nalang ako sa gulat dahil nageffort din naman ako sa pagbibihis at pamimili ng damit ko. Time consuming din iyon pero pagpapalitin din niya pala ako.

For Heaven's sake, what's  with this guy?

"Try mo yung mga nasa paperbags na dala ko, may mga dress diyan," utos niya.

Wala na akong nagawa dahil sa mga boring na tingin palang niya talo ka na. Masyadong mapang-asar, kahit na sabihin mong maganda at mahahaba ang kanyang pilik-mata.

Pinagsusukat ko ang mga dress na nasa paperbag na dala niya. Inisa isa ko ito at saka kumonsulta sa mga maya niyang masyadong boring.

Sa huli ay natapos na rin ang ganap sa outfit ko. Suot ko na ngayon ang isang pastel pink dress na binabagayan ng isang blazer jacket at isang black half boots. Actually, hindi naman lumilipad ang laylayan ng dress kapag humahangin, medyo thick yung tela kaya hindi kayang dalhin ng hangin. Less ilang na din iyon.

Matapos namin mapanis sa kwarto ay lumabas na kaming kusina. Inaya kami ni Mama na maglunch pero tumanggi na si Coenn at sa pupuntahan nalang daw namin kami kakain. Pakulo nitong lalaking 'to?

Lumabas na kami ni Coenn at sumakay sa dala niyang kotse. Habang nasa biyahe ay tahimik lang kaming naglalakbay sa kalagitnaan ng isang mahabang kalsada na pinalilibutan ng maraming puno sa gilid. That's the beauty of nature! Relaxing masyado. Love it.

Nang makarating na kami sa bayan, ay tinanong ko si Coenn kung saan nga ba talaga kami pupunta. Hindi naman siya umimik kaya di na muli ako nagtanong.

Umiglip muna ako saglit sa sasakyan. Sumandal ako sa headrest ng sasakyan at saka nagsuot ng eye mask at tinakpan ang mga mata. Nagpatugtog ng music si Coenn. Kinda' like we're travelling. Chill lang yung vibes. Like it.

Makalipas ang ilang minuto ay ginising ako ni Coenn. Nakarating na raw kami sa destinasyon namin. Bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan ang kabuuan ng lugar. Isang dreampark! Na may katabing mall! All-in-one.

Hindi naman niya sinabi na sa ganitong lugar kami magpupunta. Ang exciting! Mageenjoy akong muli na parang bata ngayong araw na ito. Childhood days, hindi maiiwasang magpabili kila nanay o tatay ng ticket sa perya o dreampark para lang makasaya ng kahit isang rides, at kapag nakasakay na ay gusto pa muling umulit. Ganyan tayo, eh.

Pumasok muna kami sa dreampark. Naglaro kami ng Pop the Balloons and luckily, nakuha namin yung Teddy Bear prize! Iniabot sa akin iyon ni Coenn at hinagkan ko naman iyon. "Thank you Coenn," at hindi ko napigilang yakapin siya sa sobrang saya ng araw na ito.

Sobrang nag-eenjoy ako. Iba sa saya na naramdaman ko sa past ang sayang nafefeel ko ngayon. Kahit youth na ako ay hindi ko pa din makuhang hindi mag-enjoy sa mga rides at laro.

Nakailang beses pa kaming sumakay sa mga rides bago kami pumasok sa mall. Nagyaya si Coenn na kumain na muna daw kami. Gutom na din naman ako pero pinipigilan ko pa kanina since hindi ko naman gaanong ramdam dahil sa magkahalong takot at saya na naidudulot ng mga rides.

Kumain kami sa Mang Inasal. Hindi ako maarteng babae, kaya kong magkamay sa harapan ng madaming tao. Basta ako tsibug lang, just kidding.

Matapos kumain ay dumiretso kami sa shop ng mga sapatos. Gusto ko sanang bumili ng sapatos, subalit wala ng mga design na gusto ko.

Nagshopping lang kami ni Coenn matapos non ay umuwi na rin kami.

Sa bahay, saglit lamang nanatili si Coenn dahil na rin sa oras. Anong oras na din ng makauwi kami sa bahay. Nagpaalam lang siya saglit kina Mama at Kuya matapos akong ihatid pagkatapos ay umuwi na rin.

Pagkapasok sa kwarto ay inisa isa ko ang mga nabili namin ni Coenn. Ang iba ay isinukat ko pa para malaman kung bagay ba saakin o hindi.

Bago matulog ay naisipan ko pang itext si Coenn.

To Coenn

Thank you for this day! Lovelots!

Sent!

Do I need to consider it as our date? A friendly date?

Hindi ko na hinintay ang reply niya. Agad na akong natulog dahil hindi ko na kaya pa ang antok dulot ng pagod.









Dating is a place to practice how to relate to other people.

HENRY CLOUD

Iniquity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon