Photo of Nadia's Brother 🔝
'Lowell Jade Santillan'(Search him: Johnny Orlando)
-
Kabanata 15 - Can we just go back?
Finally, we're already here in the Philippines. Pero, nasa loob pa kami ng Airport. Madaming tao ang pauwi ngayon at hindi ko alam ang rason kung bakit. Nahirapan tuloy kaming makalabas.
Siya nga pala, kanina ay tinatawagan at tinetext ko si Deimos, pero walang sumasagot. Kamusta na kaya siya? Nakakapagtampo lang dahil hindi man lang siya nag-abala na sunduin ako sa Airport.
***
Nandito na kami ngayon sa bahay. Nadatnan namin ni Mama si Kuya Lowell na nagaayos ng pagkain sa kusina.
"I miss you, Kuya." Saka ko siya niyakap at ganun rin naman siya.
"Kamusta dito anak? Hindi ka ba nahirapan na mag-isa dito sa bahay?" tanong ni Mama kay Kuya.
"Hindi naman po, Ma. Sa una, oo, pero kaya naman saka kailangan ko din maging dependent para masanay ako kapag dumating na yung right woman para sakin," nakangising sabi ni Kuya sa huli.
"Abay, bugok kang bata ka ah! Wala ka pa ngang napapatunayan, eh mag-aasawa ka agad!" biro ni Mama.
"Ma, di ko naman sinabing ngayon na agad-agad. Sabi ko, Kapag dumating na po," tatawa-tawang paliwanag niya.
"Kuya! Ma! Pasok lang ako sa kwarto ha? Pahinga muna po ako," paalam ko sa kanila.
Kahit papaano ay nawala na ang kinikimkim na inis at galit ko kina Mama at Kuya. Masama kasing magtanim ng galit sa iba, lalo na family mo sila.
Nahiga lang ako sa kama ko na mahigit one year ko ding di nahigaan. Niyakap ko ang Teddy Bear kong nasa dulo ng kama ko. "I missed you, Cosmo!"
Matapos kong lasapin at yakapin ang mga bagay na naiwan ko sa kwarto ko ng almost one year ay kinuha ko ang phone ko at saka di-nial ang number ni Takure.
Pero nakakailang ring na ay wala pa ring sumasagot. Naging busy pa ang linya ng muli kong tawagan ito. Nakakatampo lang dahil hindi ko na siya nakita sa airport kanina, hindi pa niya sinasagot ang mga tawag ko. Ano kayang ginagawa niya? Busy masiyado?
Ibinalik ko nalang sa side table ang phone ko at saka nagpasiyang matulog.
***
Nagising ako ng bigla akong may naramdamang pumasok sa kwarto ko. Inaya ako ni Mama na mag-hapunan na dahil kailangan ko din agad matulog para makabawi ng lakas.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako muli sa kwarto at saka itinext si Takure. Tinipa ko ang mensahe para sa kaniya na,"Hello Takure! Nasa Pinas na ako. Hindi mo ba ako pupuntahan? Miss na miss na kita. Goodnight!"
Pero lumipas ang ilang minuto, walang mensaheng lumilitaw sa phone ko na reply niya. Matagal kong tinitigan ang phone ko, sinusubukang isipin kung bakit hindi nagrereply sa mga text ko si Takure. At kung bakit hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Pero...wala eh. Wala akong maisip na dahilan kung bakit siya biglang naging ganoon sa akin. Nakakapanibago lang para sakin na kaibigan niya.
Hinanap ko sa contacts ko ang number ni Cayden. Sinubukan kong tawagan pero mukhang hindi na gumagana ang SIM Card na iyon. Sinubukan ko ring tawagan si Anriah pero wala ding response. Wala ni isa ang sumagot. As in, wala.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa nararamdaman ko ngayon. Bakit hindi nila alam na ngayon ang uwi namin dito sa Pinas? Kaibigan ko din sila, natural lang na dapat tatawag agad sila sakin dahil tatanungin nila kung kamusta ba ako. Pero, wala talaga eh. Ni isa walang nag-abala na tawagan o itext man lang ako kung ayos lang ba ako. Nakakatampo.
Sa huling pagkakataon ay hinanap ko ang number ni Wheni sa phone ko. Sinubukan kong tawagan, pero gaya ng mga nauna ay hindi din sinagot. Hindi na ginagamit yung SIM Card dahil unattended na. Bakit?
Pero hindi ako sumuko, nagtipa ako ng mensahe saka ito sinend sa kanilang lahat.
"Kamusta? Nandito na ako sa Pinas. Kailan tayo pwedeng magkita-kita?" sabi ko sa text.
***
Nasa kusina kami ngayon nila Kuya at Mama. Sabado ngayon at walang pasok kaya bonding time namin to. Kumakain kami ng tanghalian habang nagkukwentuhan.
"Nadia, Lowell?" tawag sa amin ni Mama kaya lumingon kami agad ni Kuya.
"Po, Ma?"
"Gusto niyong magshopping sa mall? Punta sa dreampark? Ano?" pag-aalok ni Mama sa amin ni Kuya at bigla namang nagliwanag ang mata ng Kuya ko na animo batang ngayon lang makakapunta sa mall o sa dreampark.
"Sa mall," suhestiyon ko.
"Sa dreampark!" sigaw pa ni Kuya.
"Sige, Lowell. Dreampark!" sigaw din Mama na parang bata. Hindi ko alam kung anong nakain ng mag-ina na ito. Oh goodness!
Mabilis na gumayak sina Mama at Kuya. Nakabihis na sila, samantalang ako ay paligo palang. Di ko alam bakit parang bigla akong kinabahan.
Matapos kong maligo ay dumiretso ako sa kwarto upang mag-ayos ng sarili.
"Nadia? Asaan ka na? Aalis na tayo!" tawag sa akin ni Mama.
"Ayan na po!" Saka ako lumabas ng bahay.
***
Sumakay kami sa sasakyan papuntang Enchanted Kingdom. Pero natulog lang ako sa biyahe since di naman ito ang hilig kong puntahan. Im not a kid anymore.
Nang makarating kami sa EK ay dumiretso agad kami sa Flying Fiesta dahil hinigit ni Kuya ang kamay ko. Kawawa ang magiging girlfriend nito kung magkataon. Malalamog sa kakahitak, akala mo bata na may kasamang Nanay, saan saan dinadala.
Matapos naming sumakay doon ni Kuya ay pumunta naman kami sa isang rides na may slide at mababasa ka doon. Hindi ko alam ang pangalan nung rides na iyon dahil hindi naman ako madalas sa isang dreampark. Mas nasisiyahan akong nakikita yung reaksiyon ni Kuya habang lula na lula sa rides, akala mo bading kung makasigaw. Naturingang kamukha ni Johnny Orlando, bading naman ang puso. Biro lang, straight yang Kuya ko. Binebenta ko na nga lang ng 1K para may pangkain ako.
Inaaya ako ni Kuya sa isang Foodcourt roon. Samahan ko raw siya na bumili ng pagkain, si Mama naman ay nakasunod lang sa amin. Ni hindi sumasakay sa rides.
Nailang naman ako kay Kuya Low ng bigla niya akong inakap at ipinihit patalikod. Nagtaka ako kung bakit, kaya lumingon ako sa kaninang dapat daraanan namin. At doon, nakita ko. Nakita ng dalawang mata ko, ang dalawang taong mahal ko.
Dalawang taong mahal kong....
Pinagtaksilan ako!
Deimos? Wheni? Anong nagawa ko sa inyo para gawin niyo saakin to? Mga walanghiya kayo! Mga gago! Kaya pala ganon nalang ang kaba ko na pumunta dito! Mga walang puso!
Author's Note!
Hi guys, its been a while. Sorry hindi ako nakakapagupdate agad. Jinja mianhaeyo. Sorry for the words na ginagamit ko dahil mas naeexpress ng characters yung emosyon nila kapag may bad words na nasabi. Para ramdam niyo din yung nafefeel nila guys! Kamsahamnida for still reading my story. Sana di kayo magsawa. Naaappreaciate ko lahat ng yon! Feel free to message me dahil hindi snob si Author, Promise :)
- viowence
![](https://img.wattpad.com/cover/154450295-288-k757799.jpg)
BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Mistério / SuspenseAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...