Kabanata 18 - Dinner Talk
Nasa harapan kami ng hapag ngayon, magkakasamang kumakain kasama si Coenn. Inimbitahan siya nina Mama na dito na maghapunan at pumayag naman siya.
"Nadia, anak iabot mo kay Coenn iyang Beef Steak sa tabi mo." At agad ko namang sinunod si Mama.
"Thanks, tita," at saka ngumiti.
Kumain kami ng kumain. Kanina noong dumating si Oven ay may dala na naman siyang labing-walong piraso ng rosas na nakaayos na parang bouquet. Hindi nalang ako muling nagtanong tungkol sa napapadalas niyang pagbibigay sa akin noon. Gaya nga nung sinabi niya nung muli ko ulit siyang tanungin tungkol doon ay dahil daw sa pagiging sincere at totoo niya iyon. Sumang-ayon nalang din ako para di na humaba yung usapan dahil alam ko namang di niya ieexplain ng maayos.
Iyon lang ang hirap diyan sa lalaking iyan. Magtatanong ka ng maayos, hindi pa kinukompleto ang detalye. Kailangan ay ikaw pa ang didiscover at aalam ng totoo dahil para daw matuto kang mag-isip. Ang lagi kong katwiran sa kaniya ay sana di nalang ako nagtanong kung pagiisipin niya lang din ako.
Minsan ay nakakabuwang din kasama si Oven, pero mas madalas namang nakakatuwa siyang kasama. Although minsan kapag wala sa mood ay ganoon talaga ang asal niya, iniintindi ko nalang. Sabi ko nga sa kaniya ay kawawa ang magiging asawa niya kapag nagkataon.
"Siguro nga magmumukhang kawawa siya, kasi kita ko na sa kaniya ngayon kung anong magiging itsura niya sa future eh," makahulugang sabi niya sa akin noon.
Noong una ay hindi ko pa nakuha iyon, pero makalipas ang dalawang gabi na pagiisip ay nagets ko rin kung sino ang tinutukoy niya sa sinabi niyang iyon.
"Parang gago," sabi ko sa isip ko nang marealize ko na ako pala ang tinukoy niya roon.
Hindi ko rin alam kung bakit natuwa ako nang maisip ko na ako pala iyong tinutukoy niya sa sinabi niya na yon. Ewan ko ba pero it gives a sudden 'dugdug' in my heart.
Matapos naming kumain ay nag-stay pa kami sa hapag. "Ma, nabalitaan niyo bang napaparami na ang naaapektuhan nung shop na nagtrend sa school ni Nadia noon?"
Natulala lang ako sa sinabi ng kapatid ko.
"Almost all the parents were mad sa mga namumuno sa school. Sinasabi ng ibang parents ay hindi raw marunong mag-manage ang school dahil hindi nila kayang bantayan ang mga bata sa ganoong bagay. That they're not securing their students inside the school. Sabi pa ng iba ay mukhang hinahayaan lang daw ng school na magkaganoon ang mga bata at hindi man lang daw sila gumagawa ng aksiyon."
Wala ni isang nakapagsalita sa amin. Pero makalipas ang ilang saglit ay nagsalita na si Mama. "Nakakatakot naman iyan. Pero hindi naman siguro totoo ang mga paratang ng mga parents sa school? Dahil sila lang ang may kakayahang gumawa ng way para ma-solusyunan iyon."
Nakita kong parang walang kaalam-alam si Oven sa tabi ko. At nakita kong napansin din naman nila Mama iyon.
"Ijo, anak. Ang tinutukoy namin ay ang dating school ni Nadia noon. May issue lang na kumakalat at kailangang solusyunan," paliwanag ni Mama kay Oven.
"Okay po, Tita," kuntentong sagot ni Oven.
"Do they need help kaya?" tanong ni Mama kay Kuya.
"I don't know, Ma."
"I hope matapos na ito. Hindi kaya nila sinabi sa may awtoridad ang tungkol sa shop na iyon? May karapatan silang ireklamo ang shop na iyon since marami na ang nawalan ng buhay dahil lamang sa mga gamot na binebenta roon," medyo galit na sabi ni Mama.
"Ma, not a medicine to heal, but a medicine to hurt and kill humans life," giit ni Kuya.
Nanahimik kami ni Oven since wala naman kaming masasabi dahil masiyadong mabigat ang pinaguusapan nila. May alam ako, but ayokong bumalik ulit yung nararamdaman ko sa issue na iyon. Issue about me and my Old friends.
"Kaya kayong dalawa, Lowell, Nadia and also you Coenn. Don't even try to buy any products coming from Madame' shop, alright?" utos ni Mama.
"Yes, Ma."
"Opo, tita," sabay alanganing-ngiti ni Oven.
"Be contented for what you have today. God has a biggest plan for us. We need to wait for it to come and we just need to endure to the end," dagdag pa ni Mama.
"We don't need to ruin our lives. Bago kayo magdesisyon sa isang bagay, you need to think of it thrice. Wag ninyong sirain ang buong buhay ninyo sa isang rush decision lang. Wag ninyong hahayaan na mag-regrets kayo sa buhay ninyo dahil lang sa bagay na nagawa ninyo sa past. Enjoy lang, God has a plan for you. Always bring it on your mind," aniya.
"Sige na at magligpit na tayo," tukoy ni Mama sa pinagkainan namin.
"Ikaw Coenn, dito ka na muna matulog. Walang guestroom dito, pero pwede ka naman sa kwarto ni Nadia."
Niligpit lang namin ang kinainan namin at napagdesisyunang pumasok na sa kwarto kasunod si Coenn.
"Remember what I have said," pahabol ni Mama at saka pumasok na kami ng tuluyan sa kwarto ko.
Inabutan ko lang si Coenn ng damit na pamalit at saka dumiretso na siya sa CR para magpalit.
Nang makalabas siya ay nasa higaan na ako. Hinihintay ko nalang talaga na lumabas siya since inaantok na din naman ako. Feeling ko ay anytime babagsak na yung mga mata ko sa antok.
Naramdaman kong nahiga na siya sa tabi ko. Wala namang malisya iyon, we're friends.
"Hofaith, you're lucky to have a Mom like Tita," aniya.
"How?" sagot ko na bigla nalang lumabas sa bibig ko sa sobrang antok.
"Basta. By the way, you like the roses...na lagi kong dala for you?" tanong niya.
"Absolutely, yes. Why wouldn't I?" tanong ko muli.
"Thanks, God. You liked it."
"Okay, Let's sleep. We need to recharge and rest. Goodnight," paalam ko sa kaniya.
"Goodnight, Love..."
Author's Note :)
Sorry for the interruption, readers. I'm so happy dahil napagdesisyunan kong gumawa ng story gaya nito. Atleast nalabas ko kung ano ang nilalaman ng imagination at kung ano yung idea ko. Malalaman ko nalang kung magaling akong magisip ng idea at magaling akong mag-imagine pag sumikat itong story na ito.
I just remember what I red na kapag nagbabasa/nagsusulat ka it means that your imagination really works good. What I mean is magaling kang mag-imagine. Like you can imagine the characters faces, yung ibang scenes you can imagine din.
So, don't ya' worry mas magaling ka kaysa sa akin. Bilang reader, mas MAGALING kayo dahil nakakalikha kayo ng isang mundo na puro IMAGINATION ninyo ang gumagana. Nagagawan ninyo ng mundo ang mga kwento na sinusulat lang ng mga author na kagaya ko.
Wala lang, share ko lang. Just to give you some trivia :))
Friend, don't forget to VOTE AND COMMENT NAMAN DIYAN! Maaappreciate ko iyon sobra.
Thank you guys for the Love! Byeeee :)
—viowence <3
BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Mystère / ThrillerAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...
