Kabanata 11 - Enraged
As I was walking alone the street I can't explain what I'm feeling right now. May kutob akong may masamang mangyayari but ayoko pa ring mag-isip ng kung ano-ano. Nakakapraning lang.
Siya nga pala, kasalukuyan akong naglalakad papasok sa room namin. Pilit kong idini-distansiya ang sarili ko kila Deimos, pero hindi ko magawa dahil hindi ko makaya-kaya. Makikita ko palang silang papalapit sakin naiisip ko ng sobrang sakit pag nilayuan ko ang mga taong iyon.
Siguro naman alam ninyo yung pakiramdam ng malayo sa bestfriend o bestfriends ninyo diba? Iyon! Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Ang hirap, grabe. At alam kong masakit rin para sa kanilang kaibigan ninyo ang layuan ninyo sila lalo na hindi nila alam ang rason ng paglayo ninyo. Sigurado akong mapa-praning sa kaiisip iyong mga yon. Kaya maski ako, ngayon ay hirap na hirap.
Mas pinipili ko nalang na ako nalang ang masaktan at mapagalitan ng magulang ko at ng kuya ko kaysa sila pa ang masaktan ko. Mahirap na din namang mandamay sa sitwasyon ko. Ni hindi rin nila alam na pinalalayo ako sa kanila nila Mama.
"Oh, Nadia! Papunta ka na sa room?" Tango ko bilang tugon. "Sabay na tayo?" At saka kami naglakad ni Anriah papasok ng room.
Pagkapasok namin sinalubong agad kami nina Deimos. Nagku-kwentuhan kami pero hindi ko pa rin maiwasang maisip na kung sakali mang layuan ko ang mga kaibigan ko ay sobrang laki ng epekto ng maidudulot niyon.
"Three," tawag sakin ni Deimos at saka ako inakay sa kabilang pintuan ng room dahil nasa kabilang pintuan kami kanina habang nagku-kwentuhan.
"May problema?" malumanay na tanong sa akin ng lalaking kaharap ko ngayon.
"Ah..wala." sagot ko at saka ngumiti na may bahid na pait.
"Alam mo Three, naglilihim ka sakin. Pwede mo naman akong sabihan eh." Ramdam ko ang lungkot at sinseridad sa boses niya. Pero paano? Hindi ko alam kung sasabihin ko nga ba talaga sa kanya ang pinagdaraanan ko.
"Deimos, mahirap kasing sabihin ko pa sa iyo lalo na kabilang—"
Biglang nagtakbuhan ang mga kaklase namin palabas ng classroom. Hindi namin alam kung ano ang rason pero bakas sa mga mukha nila ang takot.
"Anong nangyayari?!" pasigaw na tanong ni Deimos kina Cayden. Ngunit, tanging pag-iling lamang ang naging tugon nito.
Tumakbo na rin kami palabas ng classroom dahil nadala na rin kami sa reaksiyon ng mga estudyanteng nagsisipagtakbuhan ngayon.
Hawak-kamay kaming tumakbo ni Deimos dahil nakakatakot. Wala kaming ideya sa nangyayari. Ni isa sa amin walang may alam. Ni hindi nga namin alam na baka may mamamatay-tao na ang nakapasok sa school, o kung may multo ba silang nakita dahil sa reaksiyon ng mga mukha nila.
Nang makarating kami sa quadrangle ng school ay nakita namin ang dami ng estudyanteng nagpa-panic na rin. Ngunit bakas rin sa kanilang mga mukha na wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Fvck! What the hell is goin' on?!" galit na tanong ni Deimos sa kawalan.
Hinigit ni Deimos ang kanang kamay ko at saka ako niyakap dahil nagsisiksikan na ang mga estudyanteng takot na takot. Nagkaka-tamaan na sa sobrang daming tao. Maski ang mga guro ay naririto.
Nakaramdam ako ng kaunting saya sa ginagawa sa akin ni Deimos ngayon. Wala na akong mahihiling pa sa taong ito. He can give me everything I need. He's the man of my life.
"Huwag mo kong bibitawan, Deimos. Please."
Nakaagaw-pansin ang dalawang babaeng nasa ikalawang palapag ng isang gusali. Kapwa pareho silang may balak tumalon ngayon mula roon. Nakaapak na ang kanilang mga paa sa kabilang-parte ng railings na tila ba'y babagsak na sila at bubulagtang walang buhay anumang oras.
BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Mysterie / ThrillerAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...
