Kabanata 17

13 3 0
                                        

Kabanata 17 - Hoping you're okay

Matapos ng araw na bumisita si Coenn ay nasundan pa iyon. Halos araw-araw ay nasa bahay siya at wala naman akong reklamo doon dahil katunayan niyan ay medyo gumagaan na ang pakiramdam ko dahil sa nangyari noong mga nakaraang linggo.

Well, sino bang hindi sasaya sa tuwing makikita mo ang mukha ni Coenn. Matangkad siya na medyo kulot ang kulay brown niyang buhok, medyo kaputian na talaga namang mayroong magandang mata na lalong kapansin-pansin dahil sa haba ng kanyang mga nakabaluktot na pilik-mata. Kung paano siya ngumiti na para bang nawawalan ng mata ay talaga namang nakakadagdag puntos para mabighani ang ibang kababaihan.

Kung tutuusin ay para siyang babae dahil ang jolly niyang tao. Siya na yata ang hinahanap ng lahat ng babae dito sa mundo. Gentleman din siya, at maalagain. Kumbaga ay full package kapag nakuha mo siya.

Kagabi bago siya makauwi ay nag-aya pa siya sa mall para daw gumala since hindi naman na kami pumapasok sa school. Pumayag naman ako at ini-schedule namin iyon ngayong Sabado.

Lumabas ako sa sala para sumabay kina Mama at Kuya na kumain.

"Goodmorning Ma! Kuya!" bati ko sa kanila saka naupo sa tapat ni Kuya.

Habang kumakain ay di naiwasang inisin na naman ako ng Kuya ko. Napakagandang halimbawa diba?

Naghihintay nalang ako sa gate ng dumating na si Coenn. Wala siyang dalang sasakyan, paano kaya iyon?

"Hello, bakit wala kang dalang sasakyan?" tanong ko sa kaniya.

"Secret." Sabay kindat niya sakin. Eh, parang tanga? "Lets go?"

Wala akong nagawa kaya sumama nalang ako. Hawak niya ang braso ko habang tumatakbo kami palabas ng subdivision kung saan kami nakatira.

Nang makarating kami sa kalsada ay pumara siya ng jeep. Okay, ayaw niyang gumastos pang-gas.

Habang nasa jeep kami ay hindi kami natigil sa tawanan dahil kapag pepreno si Manong Driver ay nagkakauntugan kami kaya't di maiwasang mapahiga ako sa lap niya.

Matapos ng medyo mahaba-habang biyahe, nakarating na rin kami sa mall. Agad kaming pumunta sa isang kainan habang hawak pa rin niya ang braso ko at hitak-hitak. Nagugutom na din ako kaya sang-ayon naman ako sa kaniya na kumain muna kami.

Hindi ko maiwasang ngumiti dahil ang saya ko ngayon. Iyon bang saya na parang hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. Maswerte ako't may kaibigan akong gaya ni Coenn.

"Kumain ka na, para kang tangang nakangiti diyan. Ano bang iniisip mo?" Natauhan naman ako sa pagkakatulala.

"Wala, masaya lang ako," masayang paliwanag ko. Totoo naman kasi, ang saya saya.

"Kumain ka na," saka muling sumilay ang mga ngiti niyang gustong gusto kong nakikita.

"Opo, salamat," sabay ngiti ko.

Kumain na din ako dahil ayokong iwanan ako ng Oven na ito, kahit ang totoo'y hindi niya naman ako iiwan sa halip ay hihintayin pa ako neto kahit gaano katagal. Pero ayokong magsayang ng oras, gusto kong mag-enjoy since medyo umo-okay na ang pakiramdam ko.

Matapos naming kumain ay niyaya ko si Coenn sa isang Kiddie Playground. I mean, sa isang pambatang playground. Natawa naman ako dahil mukhang napilitan siyang pumasok roon.

"Ang kaso ay pwede ba tayo rito?" biglang lumungkot ang sistema ko dahil mukhang pambata nga lang iyon.

"Ah, Maam, Sir. Gusto ninyo po bang maglaro sa loob?" tukoy niya sa playground na may mga slide na gawa sa lobo.

"Ahh, ayos lang ho ba iyan sa edad namin?" medyo nahihiyang tanong ni Oven sa babaeng nagttrabaho dito.

"Okay na okay, Sir," saka bumalatay ang malaking ngiti sa mukha ng babae. Alam ko na kung bakit pumayag ito, dahil sa karisma ng kasama ko.

"Lets go?" yaya ni Oven matapos magbayad sa babae kanina.

Pagkapasok namin sa playground ay masayang-masaya ako. Natutuwa ako sa itsura ni Oven ngayon dahil para siyang bata na tumatawa dahil pareho kaming natutumba gawa ng madulas ang platform na gawa sa lobo.

Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko siya kinuhanan ng litrato. Puro mga stolen pictures niya iyon.

Nagulat ako ng nakita kong hawak na rin niya ang cellphone niya at nag-flash pa ang camera non. Pareho kaming kinukuhanan ang isa't-isa.

Nang minsang magpadulas ako ay nakaantabay siya sa dulo ng slide, gamit ang cellphone niya ay nakita kong kinuhanan niya muli ako ng litrato at nainis naman ako dahil para akong bata na nakataas pa ang mga kamay at nakatawa animo'y walang mga mata dahil sa tuwa.

Nakakuha din ako ng pagkakataon na makuhanan siya ng litrato ng siya naman ang mag-slide. Gaya ng ginawa niya ay hinintay ko siya sa dulo ng slide at saka siya kinuhanan ng litrato. Grabe, ang saya.

Matapos namin sa paglalaro ay naghanap kami ng DairyQueen Icecream dito. Luckily, ay agad kaming nakakita. Bumili kami noon at sabi niyang libre niya daw ang lahat ngayon. Sinabi ko sa kaniya na Cookies and Cream ang gusto ko, at sinunod niya naman iyon.

Nagshopping lang kami pagkatapos kumain sa DQ. Binili niya ako ng damit kahit na ayokong pumayag na siya ang magbayad ay nagpumilit pa rin siya. Wala akong nagawa at sinabing ako naman ang taya next time at sumang-ayon naman siya.

Matapos noon ay naghintay na ulit kami ng jeep. Habang nasa jeep ay hindi ko maiwasang hindi makatulog dahil na rin siguro sa pagod.

Naalimpungatan ako ng biglang may bumaba. Biglang sumagi sa utak ko kung nasaan kami ngayon, sa tapat ng shop ni Madame. Matagal tagal din ng huli akong bumisita dito, ngayon ay wala pa ring pinagbago. Dati ay gustong gusto kong makakuha ng potion mula kay Madame, ngunit ngayon ay nagbago ang lahat. Mula ng lokohin ako ng mga kaibigan ko ay ayoko ng subukan pang kunin ang potion na iyon.

Napagtanto kong ang pag-ibig ay kusang dumarating sa buhay ng tao. Hindi kailangang diktahan at kontrolin ang pagmamahal. Hindi mo kailangang kontrolin ang buhay ng isang tao dahil lang sa mahal mo siya. Matuto kang maghintay na mapasayo siya. Hindi lahat ng bagay ay sa atin nakalaan. May mga taong makikilala lang natin para matuto tayo, hindi para manatili sa atin at hindi tayo iwan.
Ganoon ka-komplikado ang pag-ibig.

"Love is something you can't explain."

~ Donny Pangilinan <3


















Iniquity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon