Kabanata 8

31 8 0
                                        

Kabanata 8 - Investigation

Kasama ko sina Deimos, Cayden, Anriah at Wheni ngayon papunta sa kumpulan ng mga estudyante. Napansin kasi namin kanina ang dami ng estudyante sa lugar na iyon kaya't napagdesisyunan naming silipin kung ano ang dahilan niyon.

Nakipagsiksikan kami sa maraming estudyante. Kilala naman kami sa school kaya ganon nalang ang pag-iwas nila habang palapit kami.

Nagulat kaming lahat ng makita ang estudyanteng nakabulagta sa sahig. Ito ba ang sinasabi ng announcer kahapon? Bakit hindi pa inaalis ang katawan ng babae dito? Bakit hindi iniimbistigahan? Ay mali... Iniimbistigahan nga subalit bakit inabot ng mahigit isang araw? Anong dahilan? Ganoon ba kahirap alamin ang bawat detalye ng pagpapakamatay ng babaeng ito?

"Go back to your rooms! Now!" sigaw ni Louigi na President sa school.

Agad namang tumalima ang lahat at nagdire-diretso sa kani-kaniyang room. Ngunit, naiwan kaming lima rito. Nasa tabi ko si Deimos habang tahimik na nagmamasid sa babaeng nakahiga at wala ng buhay. Marahil, marami ring tanong ang sumasagi sa isip niya...

Napansin kong nagkatingin sina Anriah at Cayden na para bang may planong binubuo sa bawat pagtitinginan nila. What the?! Nakakatawa lang.

Biglang kumilos ang dalawa na para bang nakikitingin rin sa bangkay ng babae. Wala na rin namang nagawa ang mga taong nagiimbestiga dahil halata naman sa kanilang ekspresyon na hirap na hirap na silang alamin kung ano ang dahilan. Sumunod na rin kami sa ginagawa ng dalawa, sinusuri ang bawat bagay na makikita. Tinitingnan ng maigi ang bawat bagay na naroroon na maaring may fingerprint na makita at nang sa gano'y malaman ang dahilan ng aksidente. Masusing pag-iimbestiga ang ginagawa ng bawat isa. Hindi hinahayaang dumapo ang sariling mga kamay sa bangkay, dahil baka kami'y madamay pa.

Mababakas sa kani-kaniyang mukha ng mga narito ang paghihirap. Pati ang mga guro at ang principal ng eskwelahan ay hindi maipinta ang mukha. Siguro dahil ay kahapon pa roon ang bangkay at medyo umaamoy na rin ito. Pero kahit na ganoo'y hindi pa rin tumitigil ang mga taong naatasang magimbestiga.

May ibang mga taga-medya rin ang naroon. Nakikiusyoso marahil may bago silang maipalalabas sa telebisyon. Iba ang tao ngayon...Bihira na lamang ang mabuti. Ang mga taga-medya ay isang halimbawa ng hindi pagiging mabuti. Nag-iba ang kanilang layunin. Natutuwa sila kapag may mga bago silang maipi-feature sa kanilang programa dahil sa pamamagitan noon ay madaragdagan ang kanilang sahod. Hindi ba't nakakadismaya ang mga tao ngayon? Dahil hindi lahat ng makakasalubong mo ay mabuti.

'Don't judge a book by its cover' ika nga.

In-excuse kami ng aming Professor dahil kami nga ay tumutulong sa pag-imbestiga rito at alas onse na rin ng tanghali.

Maraming posibleng dahilan kung bakit walang buhay ang babaeng estudyante na ito. Maaring, dahil sa potion ni Madame Angelica iyon. Maari rin namang, bumili siya ng potion subalit hindi naging epektibo iyon para sa kanya at mas lalong lumala ang naging resulta kaya nagpakamatay siya. Pero isa lamang ang may kasalanan niyon. Iyon ay si... Madame Angelica.

Napansin kong may nakatagong kulay itim sa loob ng coat ng babae. Iyon kasi ang suot suot nya ngayon, coat na may dobleng blouse at palda. Uniform ng school namin iyon.

Yumuko ako at maingat na inabot ang bagay na nasa loob ng coat ng babae.

Rosas.

Kulay itim na rosas...

"Anong ibig sabihin niyan?" curious na tanong ni Anriah.

"Base sa ikinuwento ng mama ko noong bata pa lang kami ni Kuya. Ang rosas ay sumisimbolo sa edad ng isang tao. Marami raw iyong nakatagong kahulugan...Pero...Isa lamang ang ibig sabihin ng kulay itim na rosas... sabi ni mama, ang itim na rosas ay sumisimbolo sa pagpanaw o pagkamatay ng isang tao. Ang paglalagay ng itim na rosas sa isang bangkay ay hindi karespe-respeto." pag-iiksplana ko sa kanila.

Halata namang nagulat ang dalawang babaeng kasama ko pati ang mga guro na narito gayundin ang principal. Alam ko na ang dahilan!

"Sa madaling salita, planado ni Madame Angelica ang lahat ng ito..."

"What do you mean na planado?" si Wheni.

"Nung una palang ay alam na ni Madame ang mga mangyayari. Planado na ito. Pinlano niya ng mangyari ang lahat na pagmumukain niyang suicide ang lahat. Pero ang totoo... siya ang pumatay sa babaeng yan."

"May ininom na potion ang babaeng iyan, subalit hindi natin sigurado kung ang potion ay siguradong tama. Ang pinainom sa kanya ay isang poisonous drink na alam ng lahat na nakakamatay base pa lamang sa tawag rito. Ipinagbabawal ang ganitong gamot na ibenta at ipamigay sa lahat ng pampubliko at pampribadong ospital at pagamutan ganundin sa mga drugstore. Pero hindi alam ng lahat, na mayroon nito si Madame Angelica. Isa itong ilegal na gawain base sa batas. Maari siyang kasuhan."

Tulala ang naging reaksyon ng lahat matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Anong oras na nga pala...

Tumingin ako sa relo ko at nakitang ala una na ng hapon. Hindi kami nakapasok ng klase, buong araw ay inasikaso namin ito. Ayos lang naman dahil naroon naman si Lougi at Kersel.

Sumenyas ako sa kanila na 'tara na'. Hahayaan na lamang namin iyon sa awtoridad dahil nakapagbigay impormasyon na rin naman kami kahit papaano.

"Tara sa Comf Room?" yaya ni Wheni.

Naglakad kami patungo sa comfort room ng school namin at saka naghugas ng kanya-kanyang kamay. Nagtungo rin sina Deimos sa comfort room ng lalaki at naghugas rin siguro.

Matapos niyon ay lumabas na kami at saka dumiretso sa canteen ng makalabas na rin ang dalawang lalaki. Katabi kong muli si Deimos, nakaakbay sakin. Juskes! Issue to!

Lagi naming tambayan ang canteen, nahalata niyo naman na siguro. Sa tuwing vacant time ay narito kaming lima lagi. Kumakain at nagku-kwentuhan dahil ito lang naman ang oras ng pahinga ng Buong katawan namin.

Um-order na sila habang kami ni Deimos ay magkaharap. Nakasandal kasi ako sa pader kaya't nakaharap ang mukha ko sa direksiyon niya. Habang siya naman ay nakatingin lang sa akin. Nakakailang oo pero may magagawa ba ako? Oo, engeng ka Nadia may magagawa ka! Ade, tumalikod hays. Pero ayoko nga, hehe.

Nang makarating sila ay kumain na kami. Halos maubos ang dalawang oras namin a canteen dahil puro kami kwentuhan sa nangyari roon sa babae at matapos non ay nagkulitan rin at ang pasimuno ay si Deimos. Sino pa ba? Siya lang.. The one and only. Akala mo tahimik pero nasa loob ng kulo. Takure lang?

Napapansin kong hindi na kami masyadong naglilibot at dumadayo sa shop ni Madame Angelica para mag-imbestiga. Marahil siguro ay masyado kaming busy sa mga araw na ito. At naalala kong sinabi nga pala ni Deimos na wag na daw kaming pupunta muli ron. Okay, fine Takure.

Nakauwi na ako sa bahay ng saktong alas kwatro ng hapon. Hinatid ako ni Takure dito at pinatuloy ko muna siya sa bahay ng saglit. Nag-mano siya kay mama, kaya lang ay wala si Kuya Low dahil may lakad raw sabi ni mama.

Nasa kwarto na ako ngayon at nakahiga habang nakatingin sa kisame. Nag-iisip isip kung anong pwedeng gawin bukas tutal wala namang pasok...

Naisipan kong itext ang apat.

To: Deimosing, Cayd, Anriah, Wheni

Tara, gala tayo bukas. 9am. G?

Message Sent!

Gamit ang aking phone ay nagpunta ako sa contacts at hinanap ang pangalan ni Deimos. Pinalitan ko ang pangalan niya roon at ginawang Takure.

Done!

Hindi ko na nahintay pa ang reply ng apat dahil inaantok na ako.

Ano kaya ang mangyayari bukas? Magiging masaya kaya ang paggala namin?

Iniquity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon