Kabanata 16

14 3 2
                                        

Kabanata 16 - New beginning

Ilang days din ako nagkulong sa kwarto matapos ang nasaksihan kong iyon sa EK. Hinayaan lang ako nila Mama at ni Kuya na hindi lumabas sa kwarto since naiintindihan naman nila kung anong pinagdaraanan ko ngayon. Oo, tama kayo naintindihan nila kahit na galit na galit sila sa mga kaibigan ko noon. Pero ramdam kong hindi na muna nila inintindi ang sarili nilang nararamdaman dahil ang mas importante ay kung anong nararamdaman ko sa mga oras na nakita ko iyon.

Kinakatok lang ako ni Mama kapag oras na upang kumain. Bilin ni Mama na okay lang na magluksa ako, huwag na huwag ko lang daw hahayaang manghina din ang katawan ko. Kinakain ko ang mga dinadala niyang pagkain sa akin dahil ayoko na muling magkaalitan kami ng Mama ko. Sila nalang ang mayroon ako at ayoko ding balewalain ang effort na binibigay nila sa akin.

Buong araw lang akong nakahiga sa kwarto. Minsa'y lalabas sa kusina para maghanap ng pagkain. Ayokong pabayaan ang sarili ko dahil lang sa dalawang taong niloko ako. Ayokong bigyan sila ng dahilan para kaawaan ako. Gusto kong makita nilang hindi ako apektado sa ginawa nila kahit na ang totoo ay oo. Minsa'y nagsusulat nalang ako ng story ko at tinatapos na iyon, minsa'y gumagawa ng may kinalaman sa arts para lang maiwasan ang masyadong pago-overthink sa nangyari. Ayokong sayangin yung buhay ko ng dahil lang sa kanila.

"Nadia!" Katok ni Kuya saka bumukas ang pinto.

"Eto na yung SimCard na pinabili mo, oh!" sabay abot niya non.

"Thanks, Kuya," pasalamat ko.

"Halika dito, may binili akong pagkain para sainyo. Labas ka muna diyan, mabuburo ka na sa kakakulong mo sa kwarto mo!" sigaw ni Kuya habang palabas ng kwarto ko.

"Kuya naman!" medyo pikon na sabi ko.

Lumabas ako patungo sa sala kung nasaan si Kuya Lowell at saka tumabi sa kaniyang manood ng KDrama.

"Kuya nasaan yung pagkain?" tanong ko sa kaniya dahil wala naman sa table ang kahit anong pagkain.

"Maghintay ka, inaayos pa ni Mama sa kusina," giit niya.

Tumango naman ako.

"Ano yang pinapanood mo?" tukoy ko sa KDramang nagpplay sa TV.

"KDrama."

"Ayy? Nice talked." Sabay irap sa kaniya.

"Ano ba?" tatawang sabi niya kaya't hinampas ko siya sa hita niya.

"Oo nalang! Alam kong KDrama yan, ang tinutukoy ko ay iyong title!" iritado kong sabi.

"Jinja mianhaeyo," pang-aasar pa niya. "My ID is a Gangnam Beauty."

Hindi nalang ako sumagot pa dahil alam kong mang-iinis pa iyon kapag may sinabi na naman ako. Sa halip ay sinalubong ko si Mama na bitbit ang pagkaing bili ni Kuya.

Pagkaupo namin sa sofa ay kumuha ako ng doughnut sa table. Kinain ko iyon habang pinanonood ang KDramang sinasabi ni Kuya.

"Ah, so retokada yung babae? Bakit ang gwapo nung lalaki?" tanong ko sa isip ko.

Nang matapos ang pinapanood namin ay may inabot sa akin si Kuyang tatlong paperbags.

"I. Love. You." pagtukoy niya sa bilang ng paperbags na hawak ko ngayon.

"Sino ka?" patay-malisya na tanong ko kung sino siya. Once in a lifetime kasi kung magbigay itong Kuya ko. Hindi siya sweet kagaya ng ibang Kuya, kung tutuusin ay mapang-asar pa siya. Pero mahal ko pa rin siya kahit papaano.

"Sige, akin na yan!" biglang hablot niyang muli ng paperbags na nasa akin na.

"Biro lang, Thanks Kuya." Sabay akap sa kaniya.

Iniquity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon