Kabanata 21 - First Time
Kasalukuyan akong nagiinat ng marinig ko si Mama na tinatawag ako. Pinapababa na ako sa kusina at kakain na daw. May sasabihin raw siya.
Nagayos lang ako ng sarili ko bago bumaba sa kusina. Nakahain na ang umagahan. Naroon na rin si Kuya na para bang badtrip na badtrip. Ang aga aga, sinisira ang araw.
"Goodmorning!" bati ko sa kanila. "Ang aga Kuya, bakit ganyan ang mood mo? Kamukha mo si Vegeta, nakakunot yang mga kilay at noo mo!"
"Wag kang ganyan, Nadia ha. Respect me. Treat me as your brother. An older brother and a handsome one," panyayabang niya.
"Handsome mo mukha mo Kuya. Paa ka lang ni Brook ng One Piece."
Tumigil na kami ni Kuya sa pag-aasaran dahil na rin sa pagsuway saamin ni Mama na nasa harapan kami ng kainan. Respeto daw.
Matapos naming kumain ay tinulungan namin ni Kuya si Mama sa pagliligpit ng kinainan. Since, hindi pa naman ako nagwowork sinusulit ko na ang mga araw na nasa bahay pa ako at matulungan si Mama sa bahay kahit papaano. Naghugas ako ng pinagkainan habang si Kuya ang nagaayos ng mesa na ginamit namin. Si Mama naman ay nasa sala at may inaayos roon na hindi ko alam kung ano.
Mabuti na lamang at badtrip itong Kuya ko, kung hindi ay nagiingay na naman ito ngayon at walang tigil sa pang-aasar saakin ngayon. Napayapa rin ang buhay ko kahit papaano.
Matapos naming magligpit at maghuhas ng pinagkainan ay dumiretso kami sa sala para puntajan si Mama. Naabutan namin siyang namimili ng movie. Iba din itong Nanay ko, bagets na bagets ang utak. Kayang makipagsabayan sa mga millenials ngayon, subalit limitado at may hangganan. Pagdating sa pagaasikaso sa amin ay talaga namang ma-effort.
"Ma, manonood tayong movie?" tanong ni Kuya. Tumango naman si Mama at busy'ng busy na naghahanap pa rin ng gusto niyang movie.
"Nadia, kuha kayong snacks sa cabinet natin sa kitchen," utos ni Mama. Nagulat naman ako dahil kakakain lang namin ay gusto na namang kumain ng Nanay ko. Sabi sa inyo, iba siyang Mama eh.
Tumungo na ako sa kusina at kumuha ng butong pakwan sa cabinet na nasa itaas. Ito nalang ang kinuha ko para hindi masyadong heavy sa tiyan, hindi gaanong nakabubusog agad. Bago bumalik patungo sa sala ay kumuha din ako sa refrigerator ng four-seasons juice at tatlong baso. Inilagay ko muna iyon sa tray para makaya kong bitbitin lahat at saka bumalik na sa sala.
Nadatnan kong nagsisimula na ang movie na napili ni Mama. Inilapag ko sa mini table sa harapan ng sofa na inuupuan ni Mama at Kuya ang dala ko. Pumagitna ako sa kanilang dalawa at naupo.
Habang nanonood ay umaabot ako ng butong pakwan saka nagkukutkot at kumakain nito. Sumimsim din ako ng juice sa baso.
Mahigit isang oras na ng matapos namin ang movie. Habang nakaupo sa sofa at nagkukutkot pa ng butong pakwan ay biglang nagsalita si Mama.
"Nadia, Lowell. I have a gift from you." Sabay abot ng tig-isang sobre sa amin.
Tinanggal ko ang pagkakadikit ng sobre upang makita ko ang nasa loob. Nagulat ako ng makakita ako ng dalawang plane tickets patungong Palawan. Pangarap ko ang magtravel. Ngunit, nagtaka ako kung bakit dalawang ticket ang laman ng sobre na ibinigay saakin.
"Ma, bakit dalawa ang ticket na laman nito?" tanong ko.
"Kay Coenn. Isasama natin siya." Sabay ngiti ni Mama.
"Talaga po,Ma? OMG! I am so excited!" Kinikilig kong sabi. "Kelan, Ma?"
"Tomorrow!?" Bakas din ang pagka-excite sa mukha ni Mama. Halatang tuwang-tuwa sa nakitang reaksyon namin ni Kuya. Dumako ang mga mata ko kay Kuya, bakas ang mga ngiting kanina lang ay hindi mo makita.
"OMG!! Ma, tawagan ko lang si Coenn ha? Sasabihin ko lang sa kaniya para makapagready—"
"Nadia anak, on the way na si Coenn dito. Tumawag siya kanina saakin at pupunta daw siya dito, sakto naman na may sasabihin ako sainyo. Mamaya pagdating niya, doon mo sabihin. At, Always Welcome mga anak."
"Pupunta po siya? Om—wait. Ma, mag-ayos lang po ako." Dali-dali akong nagpunta sa kwarto para magbihis at mag-ayos ng sarili. Kinuha ko rin ang phone ko at inilagay sa bulsa ng suot kong shorts nang biglang nag-vibrate ito. Naka-receive ako ng message galing kay Coenn.
From Oven
Im on my way to your house. See you, Naith!
Received •
Matapos kong mabasa ang text na iyon, lumabas na ako ng kwarto. Saktong sakto na biglaang may nagdoorbell kaya't nagtungo ako sa labas para buksan ang gate ng bahay.
"Goodmorning, Naith," bati ni Coenn. Ang angelic naman ng face ng lalaking kaharap ko ngayon. Ang tangos ng ilong. Ang perfect ng mata at pilik-mata. Maputi at build pa ang katawan. I wish i will find a guy like him.
"Goodmorning po, Coenn." Pinapasok ko siya sa bahay, at nagtungo kami sa sala. Hindi ko ba alam at masyado akong excited na makita siya ngayon. Siguro dala na ng ganap kanina ng malaman kong aalis kami bukas tungong Palawan.
Umupo ako sa tabi niya. Dumating si Mama na may dala-dala muli na juice at cookies. Naupo rin sa kabilang sofa si Mama habang nakatingin sa TV.
"Coenn, i have news for you," panimula ko.
"Is it bad or good?" tanong niya.
"A good one." Sabay pakita ng sobreng ibinigay saakin ni Mama kanina. Binuksan niya ang laman niyon at natulala dahil sa nakita.
Unti-unting bumalatay ang ngiti sa kanyang mukha. Fck! Dont smile please. Unti-unti tuloy akong mas naghahangad na sana may lalaki akong mahalin na gaya mo! Don't do these to me, Coenn.
"Kelan?" tanong niya.
"Coenn, bukas na anak," nakangiting paliwanag ni Mama kay Coenn.
"Really? Geez, i'm so excited." Di mabura ang ngiti sa labi ni Coenn.
Sobrang saya ko dahil makakapag-travel kaming muli buong pamilya at kasama pa ang kaibigan kong si Coenn. This is my first time na magtravel na may kasamang kaibigan ko. And im so fckin excited. Mabuti na lamang ay bukas na agad dahil hindi na rin ako makapaghintay pa. Gusto ko ng umalis.
Matapos ng anunsiyong iyon ay lumipas ang matagal na oras ay kinailangan ng umuwi ni Coenn. Para na din magpahinga at makapag-ayos para bukas. Hinatid ko siya palabas at hinintay na makaalis ang sasakyan niya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Kailangan ko ng mag-impake at mag-ayos ng mga dadalhin para sa bakasyon namin.
Gumugol ako ng mahigit isang oras bago matapos ang pagaayos ng mga dadalhin. Tinulungan pa ako ni Mama dahil tapos na daw siyang magayos ng gamit niya. Excited na talaga ako.
Bago ako matulog ay nagkatext pa kami ni Coenn.
To Oven
Excited na ako bukas. This is my first travel with you kasama ang fam. Are you excited too?
Sent!
Agad naman siyang nagreply.
From Oven
Yup, im kinda excited coz its my first time, too. Lets sleep na, maaga pa akong pupunta sainyo bukas.
Received!
Napangiti naman ako ng malaman na pati siya ay naeexcite para bukas.
To Oven
Okay, goodnight! Bye.
Sent!
Matapos non ay nakareceive ako ng huling message kay Coenn.
From Oven
Goodnight.
Received!
Natulog na ako. Masyado akong excited para bukas. Goodnight.
“In Life, It’s Not Where You Go, It’s Who You Travel With.”
– Charles Schulz

BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Mystery / ThrillerAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...