Kabanata 7

30 10 0
                                    

Kabanata 7 - Suicide

Kasama ko sina Deimos ngayon. Nasa bench kami, nakaupo dahil wala na naman daw klase. As always!

Napag-isip isip ko kagabi na bakit hindi ko hayaan kung ano ang magiging dikta ng isip ko? Susundin ko ang nabasa ko. 'Isip muna, bago puso'. Diba? Baka sakaling mag-work.

At gaya nga ng sinabi ko, susundin ko ang dikta ng isip ko. Nakaupo ngayon si Deimos sa tabi ko, napapansin kong nakatitig siya sakin. Duh?! Assuming mo Nadia!

"Hoy!" sinigawan ko si Deimos kaya natawa ako nang magulat siya.

"Bakit?.." kunot-noo niyang tanong.

"Bakit ka kasi nakatitig?" iritado kong sagot.

"Masama bang harapin ang pangarap ko?" may bahid ng pangaasar na sabi niya.

"Pangarap ka dyan! 'Dun! Dun ka mangarap sa harap ng simbahan! Hindi sa harapan ko! Alis!" panunulak ko sa kanya pero di man lang umalis.

"Sabi sa akin ni Mama, wag daw agad-agad isusuko ang pangarap. Ang pangarap inaabot yan hindi sinusukuan. Ano ka ba Three?" Words of Wisdom ni Madame Deimosing.

"Alam mo... ang dami mong alam!" di ko nalang siya pinansin.

Nanahimik kaming dalawa dahil nagku-kwentuhan rin ang tatlo. Sina Anriah, Cayden at Wheni. Pero mahina lang naman at hindi namin masyadong naririnig. Ano kayang pinaguusapan ng tatlong yon?

Napahinto ako ng sumagi sa isip ko ang huling tinawag sa akin ni Deimos.

"Hoy, Deimosing!" pang-iinis ko.

"What the hell? Anong... Deimosing?!" natatawa ako ng makita ang reaksiyon niya matapos ko siyang tawagin.

"Wala ho..." sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Ahm, Deimosing... Can I ask you?" nakita kong muli ang reaksyon niya kaya nagseryoso na ako.

"Ahh sorry ayan na po Dei...Ano nga palang ibig sabihin nung Three?" paalala ko sa kanya.

"Nothing.." umirap pa ang loko.

"Huy! Deimos naman eh.. ano nga kasi?" pamimilit ko.

"Wala nga po three." saad niya habang nakangiti. Pero ako, eto nakasimangot na dahil ayaw niyang sabihin.

"Deimos naman.. bahala ka nga." kunwaring galit na sabi ko at saka siya tinalikuran.

Hinarap niya ako sa kanya at nakita ko ang ngiting bumalatay sa kanyang maamong mukha.

"Mamayang 12 midnight pupuntahan kita sa inyo. Papasukin mo ako sa kwarto mo, promise sasabihin ko sa iyo." matapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ang noo ko.

"Pa--para saan yung kiss Dei?" tanong ko.

"Para sayo Three." pamimilosopo niya.

"Ayst! wag na nga.."

"Pero anong gagawin mo sa amin mamayang 12?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wala lang... gusto ko lang makasama si Three." nakangiting sabi niya.

Kahit papaano ay nangingiti rin ako sa nakikita kong ngiti sa mukha niya. Gwapo kasi si Deimos. He is perfect, unlike sa mga boys na gwapo nga pero bad boy naman. But Deimos is definitely a good boy. That's why madaming babae ang nagkakagusto sa kanya.

"Baka pagalitan tayo ni Mama at Kuya." nahihiyang giit ko sa kanya.

"Actually, nagpaalam na ako. Then they allow me to stay with you."

Iniquity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon