Kabanata 12

14 8 5
                                        

Kabanata 12 - Numero

Kagagaling ko lang sa ospital. Yeah, nasa hospital ako no'n. Pagkagising na pagkagising ko, umuwi agad kami. Sinabi na rin ng Doktor na ayos na raw ako ngunit wag raw munang masyadong magpapagod.

Nagpapanggap akong parang walang nangyari kahapon. Oo, dahil ayokong paniwalain ang sarili ko na aalis kami sa Pinas. Hindi ko kayang lumayo kina Anriah lalo na kay Deimos.

Wala, eh. Kahit ayoko, may magagawa pa ba ako? That's my Mama's decision. And I can't do anything to stop her.

'Pag sinabi niyang aalis, aalis talaga kami. Yeah, she's a type of person like that. She's not listening to our opinion. Sanayan na rin.

Nasa kwarto lang ako. Mag-isa. Nagpapahinga.

Kinuha ng magaling kong Ina yung phone ko. Bakit? Because she's avoiding me to contact my friends even Deimos! Selfish, right?

Nakakawalang-gana.

****

Naggising ako sa isang madilim na silid. Walang tao. Tanging ang ilaw lamang sa labas ng silid ang nagbibigay liwanag rito. Naglakad ako ng naglakad kahit parang—walang patutunguhan.

Sinong nag-kulong sa akin sa isang silid na wala man lang lamang gamit ni isa? Si Mama kaya? O si Kuya?

Kung oo, pwedeng pakitigil na? Epektibo, eh. Nakakatakot, grabe!

Walang humpay na lakad kahit nakakapagod. Panay ang sulyap ko sa paligid kahit na alam kong wala naman akong makikita. Nagbabaka-sakaling may magbukas ng pinto at makalabas.

Nagugutom ako. Nakaka-uhaw.

Para akong kinidnap...tipong nakatali sa isang upuan ang dalawang kamay at paa dahil kahit anong gawin ay walang makapa at makita.

Nakidnap nga ba ako? Ngunit, wala akong maalala. Nanghihingi ba sila ng ransom? Pwes, wala silang mahihita sa pamilya namin. Wala kaming isang milyon o sampung milyon na maibibigay at maipambabayad kapalit ko.

Naliligaw lang ba ako? Pwes, kung oo saang lugar to? Kailangan ko na bang baligtarin ang damit ko para makabalik sa tirahan namin? Sa pamilya ko?

Nag-second coming na ba si Jesus Christ? Pero bakit kulay itim? Hindi ba dapat maliwanag dahil mabuting tao siya? O dahil ako ang masama kaya ako nakulong sa ganitong silid?

O baka naman, patay na ako? At dahil sa sama ng ugali ko ay nakarating ako rito sa impyerno?

Pero, kung wala man sa nabanggit ko ang nangyayari sa akin. Kung wala man akong tamang hula, ay pwede bang pakitigil na? Takot na takot na ako.

Gusto kong umiyak pero bakit walang luhang tumutulo sa mga mata ko. Bakit?

Sa sobrang pagod ay huminto ako sa paglakad at pagtakbo. Lumingon ako sa aking likuran. Nabigla ako ng may makita akong...salamin. Kasing taas ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin na kulay itim ang frame. Tila ba'y gamit na gamit na ang salamin kaya't may lamat na ang ibang parte nito. Lumapit ako rito at nakita ko ang sarili ko—na nakangisi?! Pero ramdam ko ang simangot na nakabalatay sa mukha ko ngunit sa salamin ay iba ang nakikita ko!

Sa sobrang takot at pagkabigla ay nagtatakbo ako. Mas napabilis ang takbo ko ng marinig ko ang tunog ng unti-unting pagkabasag ng salamin kaya't nilingon ko iyon. Wala na. Wala na roon ang salamin. Nasaan?!

Iniquity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon