Kabanata 25 - Espesyal
Nagising ako sa nakakasilaw na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Tagaktak ang pawis ko kahit na nakasindi naman ang electric fan.
Ilang sandali pa ay napagtanto ko na kasama ko nga pala si Coenn sa kwarto. Bumaling ako sa aking kanan subalit wala ng Coenn ang naroon. Nasaan kaya siya?
Bumangon na ako para hanapin siya. Nagpunta ako sa sala ngunit walang kahit anino ni Coenn roon. Tumungo rin ako sa kusina, wala din. Hanggang sa makarating ako sa labas ng bahay, wala talaga. Teka-, WALA DIN SILA KUYA?!
Bumalik akong muli sa loob ng bahay para hanapin sila muli. Ngunit kahit anong hanap ko sa kanila ay wala talaga. Nagsasayang lamang ako ng oras. Bakit sila wala? "Ang sama naman ng bungad sakin ngayong araw. 18th birthday ko, wala sila sa bahay," bigla akong sumimangot.
Wala na ngang magarbong selebrasyon ay wala pa yung mga espesyal na tao sa buhay ko. Ako nalang ba mag-isa ang magseselebra ng kaarawan ko? Hindi ba dapat ay kasama ko sila dahil espesyal ang araw na ito para saakin? Pero nasaan sila? Wala, iniwan ako. Kung kelan kailangan ko sila, saka sila mawawala. Paano pa ako magiging masaya nito kung pati sila wala?
Bumalik ako sa kusina at saka naghanap ng makakain. Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata ko. Ang hirap kasing kalimutan ka nung mga taong inaasahan mong nandyaan sa espesyal na araw ng buhay mo.
Kumuha na lamang ako ng doughnut sa ref at tubig. Iyon na lamang muna ang kakainin ko, wala rin naman akong gana.
Matapos kong kumuha ng pagkain at inumin ay pumasok akong muli sa kwarto. Umupo ako sa study table ko na di ko na nagagamit ngayon since graduated naman na ako. Inilapag ko ron ang pagkaing dala ko at saka kumain. Habang kumakain ay di ko maiwasang isipin na ako lang mag-isa ngayon.
Itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa mga aklat na nasa shelf. Sa mga di nakakaalam, i got accelarated noong high school ako kaya kahit na 18 years old palang ako ay graduated na ako.
Kinuha ko ang journal ko noong High School pa lamang ako. Binuklat ko isa-isa ang bawat pahina. Ang daming litratong nakapakat. May iilang memorableng araw pa ako na namarkahan. Nadako ang mga mata ko sa buwan ng Abril. Naroon ang araw ng birthday ko. Ika-labing walo ng Abril. Binasa ko ang mga notes na nakasulat roon.
Nakakatuwa. Ang saya ko pala dati. Kung kailan 18 na ako ay saka pa ganito. Malas nga talaga siguro ang 18. April 18, 2018? Anong meron ngayon at ganito ang araw ko? Napabuntong-hininga na lamang ako dulot ng pagkadismaya.
Inilipat ko pa ang mga pahina. Parang bawat araw ay masaya ako. Hindi nawalan ng "Yehey, I'm happy today!" at kung ano ano pa. Such a happy and contented girl. But why now? Am I growing up? Bakit kahit simpleng bagay ay mabilis akong masaktan? Parte ba to ng pagiging isang dalaga?
Matapos kong tingnan ang journal ko, isinauli ko na iyon. Naubos ko na rin yung doughnut na kinuha ko. Matutulog nalang ako muli.
In-alarm ko ang phone ko ng saktong 1PM. Gigising ako ng saktong alauna at saka ako mag-mamall. I am going to relax and treat myself.
-
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko ng marinig ko ang nakakabinging alarm. Ang init!
Ginayak ko na ang sarili ko para maaga-aga din akong makakauwi mamaya. Matapos magbihis ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng cookies, kakainin ko iyon mamaya. Pagkatapos ay saka na ako nagpasyang umalis.
Pagkarating sa mall ay dumiretso ako sa isang Nail Salon. Nagpa-nail polish ako ng aking mga daliri sa kamay at paa. Matapos ko roon ay dumiretso ako sa isang Hair Salon at nagpa-short haircut ako. Hanggang balikat at saka ako nagpa-perm. Pinakulayan ko rin ang buhok ko ng kulay abo. I find it cool.
Matapos ko sa Salon ay dumiretso ako sa isang restaurant. Kumain lang ako bago dumiretso sa pagshoshopping. Lahat ng magustuhan ay kinukuha ko. Dibale ng mataas ang presyo, basta mapasaya ko lang ang sarili ko ngayong araw. Damit, any kinds of Shoes, Makeups. Women Stuffs!
Ilang oras pa akong nagpalibot libot sa mall. Ang dami kong dalhang paper bags. May bitbit pa akong doughnuts at DairyQueen IceCream sa kanang kamay ko. Matapos ng lahat ay nagpasya na akong umuwi. Saktong alas singko na ng gabi at kasalukuyang palubog na ang araw.
Pagdating sa gate ng bahay ay may iba na akong nasesense na mangyayari. Binuksan ko ang pintuan ng bahay, nakapatay ang lahat ng ilaw. Walang tao gaya ng iwan ko kanina ay ganon pa rin. Biglang bumalik saakin ang katotohanang ako lang talaga ang magseselebra ng birthday ko. Pero-?! ANO TO!
"SURPRISE! HAPPY 18TH BIRTHDAY NADIA!" sigaw ng lahat. Sobrang takot ko. Nakakatuwa na makita silang nageeffort sa araw ko. Nakita ko silang mga nakangiti, animo'y walang pait sa mga labi. Ang sarap isipin.
Nagawi ang mga mata ko sa gitna. Naroon si Mama, Kuya at higit sa lahat ay si Coenn. Kasama nila si Wheni, Anriah, Cayden at Deimos! Nakangiti silang apat saakin. This means, bati na kami? Kaibigan na ba ulit ang turing nila saakin? This is my happiest birthday! Wala na akong nararamdamang galit o kung ano sa kanila. Mga kaibigan ko sila, i shouldn't be mad at them.
"I'm so happy!" sabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko.
"Wait there's more!" giit ng karamihan.
Mula roon ay nakita ko sa gitna si Coenn na animo'y may kinukuhang kung ano sa kanyang dibdib. Mula sa loob ng kanyang damit ay inilabas niya ang isang napakalaking kulay pulang puso. Lumuhod siya sa harapan ko, at binuksan ang papel na puso sa harapan ko. Can I be your boyfriend? ang nakasulat roon.
"I know, its too early for you. But, Love, ayoko ng magkaroon ka pa ng ibang lalaki sa buhay mo. I want it all for me," buong-atensiyon akong nakatitig sa mga mata niya.
"I badly want it all for me. I wanna be your bestfriend, your man, and also, I can be your Husband, too."
Bago pa siya makahirit ng mga litanya niya ay tumango na ako bilang oo. Itinayo ko siya at niyakap ng mahigpit. Imagine, hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganito. Sobrang saya ng puso ko. Its like full of love and happiness. Hindi ko akalaing ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay mahal ko na pala.
Nakatingin ako sa mga taong nasa harapan ko. Sobrang saya nila. Nakita ko sila Mama at Kuya na nakangiti sa akin. Ang mga kaibigan ko na nagpapalakpakan. Kahit sina Cayden at Deimos ay bakas ang tuwa sa mga mata.
Napatingin ako sa itaas. "Thank you, God!"
Author's Noteee!
Hey there :) Malapit ng matapos ang istorya ng buhay ni Nadia. Kung nais mo pang malaman ang mga nakasasabik na pangyayari sa buhay ni Nadia ay patuloy kang magbasa hanggang sa matapos mo ang istorya.
Ikinagagalak kong gumawa ng istorya para malaman ninyo ang nilalaman ng aking utak. Mga ideyang pumapasok sa isip ko na kapag hindi ko isinulat ay masasayang lamang ang mga ito. Maraming Salamat readers! Lovelots.
-viowence // Ate Lawrencium

BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Misteri / ThrillerAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...