Kabanata 24 - Strange
Nasa biyahe na kami pauwi sa bayan namin. Katabi ko si Coenn sa back seat. Kaunti na lamang ang tatahakin namin pabalik sa bahay.
Kanina'y nagpaalam kami ni Coenn na pag uwi sa bahay ay babalik kami tungo sa parke dito malapit sa bahay namin. Maaga pa naman kaya't pinayagan naman kami ni Mama at ni Kuya.
Makalipas ang ilang oras na byahe ay nakarating din kami sa bahay. Bago umalis ay nagbihis muna kami at kumain ng kaunti.
"Ma, alis na po kami ni Coenn," paalam ko.
"Osige, umuwi kayo agad!" pahabol na sigaw ni Mama habang palabas na kami sa gate ng bahay.
Nang makalabas kami ng gate ay binaybay namin ang kahabaan ng subdivision namin. Mabilis naman kaming nakarating sa parke.
Madilim dilim na rin, pero tanaw pa rin ang paglubog ng araw. Mabuti na lamang ay nagsuot ako ng panjama ngunit ang masama ay nakasando lang ako. Hinubad ko lang kasi kanina ang suot kong damit. Ang lamig!
Naupo kami sa swing. Nasa dulo ako at katabi ko siya. Hindi ko inuugoy ang swing dahil malamig ang hangin na dinudulot ng pagduyan nito.
"Nadia, malapit na ang kaarawan mo," halata mo ang pagkakasabik sa mukha niya.
Ibinaling ko sa kaniya ang tingin ko bilang sagot. Ngumiti lang ako at saka bumalik ang tingin sa taas ng langit. Ang ganda.
Narinig ko ang kanyang malamig na boses na nakikisabay sa paghampas ng hangin.
"Di baleng maghapon mang umulan
Basta't ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan~"Itinuon ko ang pansin ko sa mukha niyang nakatingala sa langit habang umaawit. Ang ganda na nga ng view sa itaas, dumagdag pa itong Coenn Izec na'to.
"Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko ng magsawa
Hinding-hindi magsasawa sa'yo~"Napagitla ako ng biglang bumaling ang mukha niya saakin. Halos matunaw ako sa kinauupuan ko ng titigan niya ang mga mata ko. Parang magnet, hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya na parang may pumipigil.
"Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang maawala~"Animo'y kinakausap ako ng mga mata niya na tila nagmamakaawa at nangungusap. Tumingala ako para hindi maging awkward ang sitwasyon at sinabayan na lamang ang kanta.
"Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw~"Halos matawa pa kami sa kahihiyan na nagawa. Nagaalinlangan akong ngumiti sa kaniya. At nang marinig ko ang pagimpit na tawa niya ay napabulalas na rin ako sa kakatawa.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa lugar na iyon bago napagdesisyunan na dumaan sa isang store malapit dito. Iyon nga lang ay madaraanan ang shop ni Madame, pero dedma na may kailangan kaming bilhin ni Coenn.
Nagsimula naming tahakin ang daan tungo sa store. Bibili kami ng snacks at saka ng ice cream para kainin sa bahay mamaya.
Balak ko sanang sa bahay nalang patulugin si Coenn since hatinggabi naman na. Pero siyempre si Mama pa rin ang magdedecide.
Nang makarating kami sa store ay kumuha na kami ng mga kailangan namin. Hindi kami masyadong nagtagal doon dahil kailangan na din naming umuwi. Alas onse y media na pala!
Nagmamadali kaming maglakad pabalik sa bahay. Nauuna ng bahagya si Coenn at nakahawak ako sa kaniyang braso para hindi ako maiwan. Napapitlag kami ng biglang may pumaswit na batang lalaki sa amin galing sa shop ni Madame.
"Pst!" paswit nito habang may dalang napakaraming rosas sa magkabilang kamay nito. Nagulat ako ng bigla niyang iabot iyon sa kamay ko. Narinig ko pang bumulong ang bata bago tumakbo ngunit hindi ko naintindihan.
Natauhan lamang ako ng biglang hawakan ni Coenn ang kamay ko. "Tara na."
Pinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. At dagliang naglakad pabalik sa bahay dahil naramdaman kong pumapatak na ang mga tubig sa langit. Tumingin ako sa relo ni Coenn. 11:11 pm!
"Sana po'y magkaboyfriend na ako bago matapos ang birthday ko." hiling ko sa isip ko.
Nang makarating kami sa bahay ay inaabangan na kami ni Mama sa pintuan. May dalang dalawang tuwalya sa magkabilang kamay at mukhang kanina pa naghihintay sa amin.
Nagpunas kami ng tuwalya dahil naambunan kami habang tinatahak namin pabalik ang bahay.
"Ijo, dito ka muna tumuloy ngayon. Umaambon at baka mahirapan ka pauwi. Sa kwarto ka ni Nadia," utos ni Mama.
"Sige po, Tita."
Nagbihis muna ako at saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Coenn na nakapang-bahay na rin. Siguro'y pinahiram ni Kuya. Inilabas ko naman ang mga binili namin ni Coenn kanina.
"Mama! Kuya! Midnight Snacks!" paanyaya ko.
Lumitaw naman silang dalawa at naupo sa sofa dito sa sala. Binuksan ni Kuya ang TV at inilipat sa kinaaadikan niyang cartoon. We Bare Bears ba yun? Parang ewan siya lagi. Mahuhuli mo nalang na tawa ng tawa na parang bata at cute na cute doon sa Panda.
Binuksan ni Mama iyong galon ng ice cream at tumayo para kumuha ng baso at kutsara. Nagsandok kami isaisa at saka nagsimulang kumain. Binuksan ko pa ang chocolate cookies na nabili namin at saka kinain namin iyon.
Matapos naming kumain ay dumiretso na kami ni Coenn sa kwarto ko. Inilatag niya ang higaan niya roon.
"Sheks! Saan ko nailapag iyong rosas na inabot kanina nung bata?" hindi naman ako sinagot ni Coenn. Malamang ay hindi rin niya alam.
Hinalughog ko ang bahay ngunit wala akong makitang rosas! Bumalik ako sa kwarto at naabutan kong nakahilig siya sa pinto.
"Hay," halos suko na ako sa paghahanap.
Pinabayaan ko na lamang at bukas ko nalang muli hahanapin. "Tara na, tulog na tayo Coenn."
Saka kami pumosisyon sa paghiga. Hinagisan ko ng isang unan si Coenn para naman hindi kulang iyong kaniya.
"Goodnight Nadia ko. I love you," rinig ko habang unti unti na akong nakatulog.
—
Hey guys! Sorry for the late update. Medyo nawalan ako ng idea at nablanko ang utak ko. Masyadong masakit ang nadulot ng pagkakahiwalay namin ng mga kaklase ko kaya nawalan ng buhay yung utak ko. Jinja mianhaeyo Lawrens! Lovelots~Ate Lawrencium

BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Mystery / ThrillerAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...