Kabanata 19 - The Hint
Kasama ko si Kuya ngayon. Nandito kami sa isang flower shop dahil inutusan kami ni Mama na bumili ng bulaklak para sa kaniyang flower vase. Matapos naming bilhin ang bulaklak na pinabili ni Mama ay dumiretso kami sa isang Korean Restaurant.
"Order lang ako," aniya.
Tumango naman ako at saka hinintay siya hanggang sa makabalik na siya sa table na napili ko.
"I like this resto," ani Kuya.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Kinda like the motif and the designs," aniya.
Tumango nalang akong muli bilang sagot.
Nang dumating ang order namin ay nagsimula na akong lutuin ang mga karne. Actually, gutom na gutom na ako. So, kung hindi mahaba ang patience mo like me, kinda go and find another Restaurant. But, masarap naman kasi.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaiwan muna ako kay Kuya. Bigla ko kasing naisip na may kailangan akong dalawin ngayon.
Pumara ako ng taxi at sinabi kung saang address ang pupuntahan ko. Nang makababa ako ay inabot ko ang bayad sa driver.
Agad nahagip ng mata ko ang walang pinagbagong gusali sa harapan ko. Bakit kaya walang sumubok na magsumbong sa police? O nagsumbong sila ngunit walang nais kumilos dahil si Satanas ang kalaban nila? Oh well, siguro nga.
Pinagmasdan ko muna ang paligid bago mag-isip na pumasok sa loob. Amoy piste, bulok na kahoy, mga nakasabit na sapot ng gagamba, mga bangkay ng mga patay na insekto at hayop, tunog ng mga humuhuning daga na animo'y naghahabulan, mga pusang-ligaw, asong kaawa-awa dahil buto't balat. Kawawang kalye, kaawa-awang lugar.
Kung ano ang itinahimik ng lugar ay iyon naman ang ikinaingay ng mga kaluluwang umiiyak dahil sa daming krimen at pagpatay ang nangyari dito sa kalyeng ito.
Kung iisipin mo ang itsura ng lugar na ito animo'y naroon ka sa isang lugar na walang tao, walang pagkain, walang hayop, walang pagmamahal, walang pagkakaisa, kundi puro kadiliman, kasuklaman, galit at poot, hiyaw at sigaw ng mga kaluluwang gustong kumawala at animo'y nagsisisi na pumasok sila sa lugar na gaya nito.
Mabuti na lamang ay hindi na muli akong nagnais na makuha ang Aphrodite's Potion. Mabuti na lamang ay hindi na ako muling bumisita sa website ni Madame.
Maswerte ako at nagabayan ako ng maayos ng pamilya ko. May mabuting naidulot rin pala ang away na namagitan sa amin ni Mama. Mabuti rin palang nasaktan ako ni Deimos at Anriah. Mabuti rin pala ang minsang masaktan para matuto ang isang tao.
Naalala ko nung itinuro sa akin ni Mama na mabuti ng matalo ng may natutunan kaysa ang manalo ng walang maiuuwing aral sa buhay.
"Nadia baby, it's okay to lose with a lesson you learned from the game, not to win the game without any lesson learned," aniya habang umiiyak ako sa pagkatalo ko sa Math Quizbee noong Grade 2 ako.
At nai-apply ko naman siguro sa sarili ko iyon ngayon. I hope so.
Napagdesisyunan kong pumasok na sa shop. I don't know pero may naguudyok sa akin na pumasok at tingnan kung ano ang nasa loob.
Habang papasok ako ay hindi ko naiwasang magulat dahil pag-apak ng paa ko sa tapat ng pinto ay may dagang dumaan roon.
"Shit, rat," bulong ko.
Iniiwasan kong makalikha ng anumang ingay upang walang makarinig sa akin. Saka baka mamaya ay biglang bumulaga sa akin ang isang matandang babae at mamatay agad ako sa takot.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob na medyo nangangalawang na. Nahirapan pa ako sa pagbukas dahil nagiingat ako at baka makalikha iyon ng tunog, lagot ako.
Nakaka-amaze ang loob. Halos kulay pula ang paligid dahil sa mga kandilang kulay pula ang apoy. Malayo ito sa itsura kung ano ang makikita mo sa labas ng shop. Medyo madilim ang loob n'on, ngunit sapat na para makagawa ng kahit anong gawain. May ilang litrato sa dingding na hindi ko naman kilala. Animo'y isang bahay na inayos lang dahil sa magkakaroon ng Halloween Celebration. Ang ganda.
Napahinto ako sa isang ideya na biglang pumasok sa isip ko. Siguro ay sinadyang maging ganito ang disenyo ng shop upang maakit ang sinumang papasok rito.
"Nadia, wag kang mabilis maattract sa isang bagay. Maari mo 'tong ikamatay," bulong ko sa sarili ko na animo'y inuutusan ang sarili.
Naglakad pa ako ng dahan-dahan hanggang sa makarating sa parang sala ng shop. Makikita mo ang isang sofa na mahaba at mayroong pader pagkatapos non.
Pumunta ako sa pinaglalagyan ng sofa at dumungaw sa pader na katabi non.
Nakita ko si Madame na may kausap na isang ka-edaran kong lalaki. Dahan-dahan at maingat pa akong sumilip sa kanila. Mabuti na lamang ay parehong nakatagilid ang dalawa kaya't hindi ako makikita ng kahit sino sa kanila. Inayos ko ang sarili ko at nakinig sa kung anuman ang maririnig kong pag-usapan nila.
Pero kaduda-duda lang dahil hindi malamok sa lugar ni Madame. Gumagamit din kaya siya ng Baygon gaya namin? O katol para iwas kagat-lamok? Nakaka-amaze lang ulit.
"Anong naging desisyon mo?" ani Madame.
"Itutuloy ko, kinontak kita nung nasa Japan pa ako at desidido akong makuha ang potion na iyon," rinig kong sabi ng lalaking kausap ni Madame.
"Japan? May fan sa Japan si Madame. Eh?" sabi ko sa isip ko.
"Binalaan na kita tungkol dito, 18 years lang ang bisa ng potion na ito. Once na gamitin mo ito, maari kang mamat..." putol na sabi ni Madame.
"Concern ka rin pala kahit na alam mong nakasasama sa tao ang ginagawa mo," anito at narinig ko ang mahinang pagtawa nito.
"Ikamamatay mo," babala ni Madame.
Sa gulat ko ay hindi ko na hinayaang matapos pa ang usapan nila. Lumabas ako sa maingat at tahimik na paraan mula sa shop.
Fuck this! After 18 years, maaring mamatay kung sinuman iyong lalaking kausap ni Madame?! Fuck, I can't! I need to help the guy, pero hindi ko alam kung paano!
Tumakbo ako paalis sa kalyeng iyon. Pumara akong muli ng taxi pauwi sa bahay.
Habang nasa taxi ay inayos ko muna ang sarili ko at pinilit na hindi ipahalata ang nasaksihan at narinig ko. Hindi pwedeng malaman nila Mama at Kuya na nanggaling ako sa shop ni Madame.
Nang makababa ako sa taxi ay pumasok na ako sa bahay. Sumabay akong kumain sa kanila at hindi nagsalita hanggang hindi ako tinatanong. Magsasalita lang ako kung may itatanong si Mama at Kuya.
Matapos non ay dumiretso ako sa banyo sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos non ay nahiga ako sa kama at saka bumuntong-hininga.
Hindi mawala sa isip ko ang mga narinig ko.
"Talagang isasakripisyo niya ang buhay niya dahil lang sa ibang tao? Siraulo siya kung ganon!" sabi ko sa isip ko.
"O baka naman dahil na naman sa pag-ibig ito kaya nabulag ang lalaking iyon at hindi inisip ang sariling kapakanan? Fuck all Fake Loves."
Mga tao nga naman nagiging tanga dahil sa Love.
Hindi mali ang magmahal, magiging mali lamang ito kung may ginagawa kang mali para lang magmahal ng tao.
- viowence <3

BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Mystère / ThrillerAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...