Kabanata 9

25 8 0
                                        

Kabanata 9 - I can't

Magkakasama na kaming apat dito sa mall malapit sa bahay namin. Dito lang naman ang mas malapit na mall kaya dito na lang kami. Saturday kaya madaming tao dito ngayon.

Sabi ng apat ay manonood raw kami ng sine at magandang ideya naman iyon kaya hindi na ako kumontra. Nakapila kami ngayon habang kasunod ko si Deimos. Actually, ako ang nasa unahan nila. Gaya nga ng sinabi ko ay Sabado ngayon kaya medyo marami-raming tao ang narito.

Ilang minuto kaming naghintay at pumila hanggang sa makapasok na rin kami sa loob ng sinehan. Sa wakas!

Bitbit ni Dei at Cayd ang popcorns at drinks na binili namin kanina. Sa bandang dulo kami naupo nang sa ganon ay makita namin ang buo ang screen. As usual, katabi kong muli si Takure na nasa loob ang kulo, hays!

Actually, hindi ko alam kung anong title nung pinanood namin...hehehe. Basta maganda yung istorya. Love story siya. Pero...basta! Ayokong maging spoiler!

Nang matapos naming manood ng isang pelikula sa sinehan ay saka kami nagpunta sa isang restaurant at doon kumain. Nagkwentuhan lamang kami habang kumakain at si Takure, ayun lume-level up ang pagiging sweet. Nakakaumay rin minsan yun diba? Baka magkaroon ako ng Diabetes nito.

Kasalukuyan kaming naggo-grocery ngayon. Kukuha ng mga pagkain, kahit ano basta masarap. Kumuha rin ako ng favorite kong siomai at saka inilagay iyon sa tray na tulak tulak ni Takure.

Iluluto ko na lamang iyong siomai na iyon paguwi ko sa bahay.

Ibinili ko rin ng pasalubong sina Mama at Kuya Low. Masarap pa mo ang kinainan namin kanina,buti na lamang at pinag-take out ako ni Takure. Ibibigay ko na lamang iyon kina Kuya, pasalubong na rin kumbaga para naman matikman rin nila kung gaano kasarap kumain sa resto na iyon.

Naglaro pa kami sa Arcade nina Anriah. Tinuruan kami ni Cayden at Takure kung paano mag-basketball sa Arcade. Naglaro rin kami sa Claw Machine at pinalad akong nakuha ang teddy bear na Mini Panpan ng We Bare Bears.

"Waaaaaaaaaaah! My baby..." sambit ko habang akap akap ang Mini Panpan na nakuha ko.

"Gusto mo si Ice Bear?" tanong ni Takure na tinutukoy yung kasama ni Panpan na si Ice Bear sa We Bare Bears.

"Ikukuha mo ako?" tuwang tuwa na tinanong ko sa kanya. Tumango naman siya kaya di ko napigilan ang sarili ko at inakap siya.

"Thankyou Takure!" gigil na gigil na sabi ko sa kanya. Nakakatuwa kasi hihi. Kaya lang gusto ko si Grizzly din. Huhuhuhu.

Naghulog si Takure ng token sa Claw Machine at kamalas malasang hindi pa nakuha dahil sa puwetan ito nadakot ng Claw Machine. Muli siyang naghulog ng token at pinagana ang controller sa Machine. Sayang! Di na naman nakuha, pero kaunti nalang dahil malapit na sa butas. Kaunti nalaaaaaang! Sa pangatlong pagkakataon at huling tyansa dahil iisa na lamang ang token sa kamay niya, inihulog niya iyon at saka muling ginalaw ang controller ng Machine...

Waaaaaaaaaaah!

Ako na ang kumuha sa ilalim nung Ice Bear na nakuha ni Takure. Niyakap ko siyang muli dahil tuwang tuwa ako.

"Pero...kulang." naka-pout na sabi ko.

"Hayaan mo bukas na bukas babalik tayo rito para makuha mo si Grizzly." pagtutukoy niya sa teddy bear na si Grizzly ng We Bare Bears na kasama nina Panpan.

"Talagaaaaa?" tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko.

"Waaaaaaaaaaah! Thankyouuuuu!" pasasalamat ko sa kanya at muli siyang niyakap sa huling pagkakataon.

Inakay ako ni Takure papunta sa direksyon ng tatlo. Nasa harapan na pala sila ng Arcade at hinihintay na lamang kami.

"Saan kayo galing?" tanong ko sa kanila.

"Saan galing yang mga teddy bear mo?" pag-iiba ni Cayden.

"Sa Claw Machine." sagot ko. "Saan kayo galing bakit bigla kayong nawala?"

"Dyan lang. Nagshopping lang tong dalawa, nagpasama pa. Pinagdala lang naman ako ng mga gamit nila, tsk." inis na sabi niya at suminghal pa.

Napatawa na lamang ako dahil bakas ang inis sa mukha ni Cayden at ang dalawang babae naman ay tawa pa ng tawa.

Hay nako, ang mundo talaga!

Bahala sila, basta ako masaya. Sobrang sayaaaaa!

"Uwi na tayo." yaya nila Anriah at Wheni.

Kahit kelan ay kontrabida talaga ang dalawang ito. Nagsasaya pa ako rito eh. Hay nako bahala kayo!

Nagmamaneho si Deimos at ako naman ang nasa tabi ng driver's seat. Ang tatlo ay nasa likod at pinagigitnaan ng dalawa si Cayd. Nakakatuwang makita tong tatlo, para silang mga bata. Pero wapakels, mas magandang pag aksayahan ng oras ang pag-akap sa dalawang teddy bear na nasa lap ko. I really really love We Bare Bears! Ang cute cute kasi nilang tatlo.

Ilang minuto ang naging byahe at sa wakas ay nakauwi na rin kami. Bago umalis si Takure ay nagpaalam muna siya kay mama. Pero ang weird ni mama, ni hindi man lang inakap si Takure unlike dati siya pa ang nagkukusang yumakap sa kanilang dalawa. Weird.

Pumasok na ako ng kwarto para makapagbihis at saka bumaba na rin dahil tinatawag ako ni mama. Something happened na hindi ko alam. Si Kuya Lowell din kasi ang tahimik hindi naman sila ganito sa tuwing umuuwi ako.

Naupo ako sa sofa sa sala kaharap ang tv namin. Nakabukas iyon at nanonood roon si Kuya. Nagulat ako ng pinatay iyon ni mama.

"Ma, ano pong problema?" naiilang na tanong ko kasi naman natatakot na ko bakit ganito sila kung umasta. Hindi ako pinansin ni mama. Sinubukan kong tanungin si Kuya pero hindi rin ito sumagot.

"Ma..Ma.. bakit po kayo ganyan ni Kuya? Ang weird niyo po, hehe." pagpipilit kong ngumiti sa kabila ng pagkatakot na nararamdaman ko. May mali eh.

"Nadia Faith..." tawag sakin ni mama at nakita kong bumuntong-hininga siya bago magpatuloy sa pagsasalita. "Anong nangyayari sayo anak? Bakit ganyan ka? Tinuruan ka ba namin ng Kuya Lowell mo ng pagsisinungaling? Tinuruan ka ba namin na kahit saan ka pumunta ay hindi ka magpapaalam?! Hindi ba't kailangan nagsasabi tayo sa isa't isa? Pamilya tayo Nadia Faith... Hindi ba?!" natameme ako sa sinabi ni mama.

"Sinong may sabi sayong pinayagan kitang pumunta sa shop nung Madame Angelica na yon?!" galit na tanong saakin ni mama.

"So-sorry ma.." lumuluhang sabi ko at lumuhod sa kanya.

"Nadia Faith, may pagkukulang ba si mama sa inyo ni Kuya mo?" tanong ni mama habang umiiyak. Umiling naman ako bilang sagot. Please ma, wag kang umiyak. Niyakap ko si mama habang nakatayo kami.

"Anak, kung talagang mahal mo si mama..." humahagulgol si mama bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Kung talagang mahal mo ako... layuan mo ang mga kaibigan mo... They are the reason kung bakit nagagawa mo lahat ng ito.."

Inalis ko ang pagkakayakap ko kay mama. No! Hindi pwede!

"Hindi pwede ma! Mahal ko kayo ni Kuya pero mahal ko din ang mga kaibigan ko. Kung talagang mahal niyo ko...maiintindihan niyo kung bakit may kaibigan ako. They are not the reason kung bakit ako nagkakaganito! I have my own reason that's why I am doing this ma! I want to prove myself sa inyo ni Kuya. That I can do everything kahit wala si Papa!" buong buhay ko inalay ko sa pamilya ko. All I know nandito lang sila palagi para i-support ako. But, I'm wrong.

Natahimik kaming tatlo subalit hindi mawala ang paghagulgol namin ni mama. Naaninag ko si Kuya kanina na nagpipigil na rin ng luha. Tama nga sila, 'Ang bawat kasiyahan ay laging may kapalit na matinding kalungkutan.'

"Sorry, but I can't do it."

--------------

Everything happens for a reason. That reason causes change. Sometimes it hurts. Sometimes it's hard. But in the end, it's all for the best.

Viowence <3

Iniquity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon