Kabanata 10 - The Unexpected
Maaliwalas ang panahon at nasa rooftop ako ng school namin. I want to be alone. Ayaw ko munang makasama ang mga kaibigan ko. But, never ko silang lalayuan. Gusto ko lang magpahinga. 'Yun lang.
Tumatangis akong pumasok kanina habang nilagpasan at hindi pinansin sina Kuya at Mama.
'Nadia, maaayos rin iyan. Maiintindihan ka rin ng Mama at ng Kuya mo'
Tila ba may sariling bibig ang utak ko dahil kayang diktahan nito ang puso ko. Nalilito ako at hindi ko alam kung anong dapat gawin at sundin, kung paiiralin ki ba ang idinidikta ng isip o ng puso ko. Ayaw ko munang makita sina Mama at Kuya. Ayaw ko muna...
Walang tigil ang pagluha ng mga mata ko. Gusto kong takasan ang mundo kahit na isang araw man lang. Gusto kong mamahinga. Gusto kong mamatay pansamantala hanggang hindi pa nagiging ayos ang sitwasyon. Alam kong sobrang liit lamang ng nagawa ko, pero pakiramdam ko pasan-pasan ko ang buong mundo. Gusto kong mawala...
Hindi ko naman masisi yung nagsumbong kina Mama dahil kasalanan ko naman talaga pero hindi ba nila maintindihan yung side ko?! Kailangan ba lagi nilang alam kung saan ako pupunta? At kung ano ang mga gagawin ko?! Gusto kong maging malaya!
Natigil ako sa paghagulgol ng makarinig ako ng yabag papunta sa kinaroroonan ko.
"Okay ka lang?" Pinunasan ko ang mga luha ko bago humarap sa kanya. Tinitigan ko siya at nahinto ang aking mga mata sa kanyang mga kamay. Naging senyales iyon para sa kanya upang hagkan niya ako.
"Deimos...I need yo—you..." Sa mga oras na ito hinayaan kong bumagsak ang mga luha sa mata ko.
"Nadia, you can't be strong all the time," pag-aalo niya sa akin. "Sometimes we just need to be alone and let our tears out."
Hinayaan kong ilabas lahat ng sakit. Wala ng dahilan para itago pa ang mga iyon. Ang akala ninyo laging masaya ang pamilya ko? Pwes, mali kayo. Mayroon ngang pagmamahal ngunit walang kalayaan.
"Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao wag mong ikulong, hayaan mo siyang gawin kung anong makakapagpasaya sa kaniya," giit ko. "Pero bakit sina Mama at Kuya ay hindi alam iyon? Bakit hindi nila maibigay sa akin kung ano ang nararapat? Bakit ang unfair..."
"Nadia, may mga bagay na nakatakdang mangyari...We never know kung bakit nangyari ito, pero sa naranasan mo there will be a lesson that will teach you...us... Na hindi lahat ng bagay sa mundo ay perpekto. Even our parents has imperfections," giit niya.
Hindi na lamang ako sumagot. Sarado ang puso at isipan ko sa mga bagay-bagay ngayon. Nahihirapan ako, pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng mga tao sa paligid ko. Nakakapagod, nakakapanghina.
Matagal-tagal rin bago ako kumalas sa pagkakayakap sa akin ni Deimos."Salamat Takure...Atleast napagaan mo ang nararamdaman ko kahit papaano."
Ngumiti siya at saka tumugon."Wala iyon...Tungkulin ko iyon bilang...manlijsiwjshh."
Kunot-noong baling ko sa kanya. "Huh?" Ngunit ngiti lamang ang naging sagot niya."Ano ang huling sinabi mo?"
"Wala. Tara?" Iginaya niya ang kanyang kamay at hinawakan ko naman iyon dahil iyon naman ang nais niyang gawin ko.
"Saan?"
"Basta." Ngiti pa niya. Naglakad kami pababa sa rooftop. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ng Takure na ito.
****
Nasa isang park kami ngayon malapit sa school. Hindi kami maaring lumayo dahil may klase pa kami at ilang minuti lamang ang pwede naming itagal rito.
BINABASA MO ANG
Iniquity (Completed)
Misterio / SuspensoAko si Nadia Faith Santillan. Nais maiselebra ang aking ika-labing-walong kaarawan. Naghahangad ng perpektong relasyon. Iyong relasyon na kaya akong ipaglaban. Subalit, lingid sa aking kaalaman ay gumamit pala ng pinagbabawal na gamot ang importante...
