Kabanata 6

40 9 3
                                        

Kabanata 6 - Please wait

Matapos makauwi nila Deimos kaninang madaling araw ay natulog muli ako dahil alas siyete imedya pa naman ang pasok. Tinanong ko sina Anriah kagabi kung anong nangyari matapos akong mawalan ng malay ngunit hindi naman nila sinabi. Sabi pa nila ay natulog na daw agad sila matapos nilang ligpitin ang pinaggamitan namin. May kutob akong hindi lamang iyon ang nangyari dahil alam kong niyakap ko si Deimos at umiiyak siya. Matapos non ay hindi ko na alam ang nangyari pa.

Nakaupo ako ngayon sa higaan ko, nakatulala. Maaga pa naman dahil alas sais pa lamang, nakatulog naman ako ng mahigit kalahating minuto dahil alas singko trenta umuwi sila Deimos. Kinailangan na nilang umuwi dahil may pasok pa mamaya.

Kinuha ko ang phone ko at saka nagbrowse sa facebook ng kung ano mang lumabas sa newsfeed ko. Walang bago. Nag-play na lang ako ng music para naman kahit papaano ay marelax-relax ako. Rest muna ulit pagkatapos mag-rest, hehe. Kagigising ko lang pero pahinga na naman. Eh bakit ba?! Trip ko yun eh.

Natapos ang dalawang music ng tingnan ko ang oras. Alas sais bente na at kinailangan ko ng kumilos ng maaga-aga akong makapasok.

Matapos maligo ay kumain na ako kasabay nila Kuya Lowell at ni Mama. Nagka-karoon lamang ng maikling kwentuhan dahil papasok na rin ako.

Nakarating ako sa school at naglalakad na ako sa pathway ngayon. Sobrang haba ng pathway! Nakakahingal yon, alam niyo? Hindi niyo alam kasi wala kayo sa wattpad world na tanging mga gaya lang namin ang maaring mabuhay. You are all living creature and we're just only a fiction characters.

Daming satsat!

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa classroom. Kanina habang naglalakad ako sa kahabaan ng pathway ay narinig ko ang usapan ng dalawang estudyanteng babae tungkol sa akin at kay Deimos. Pero hindi ko mai-klaro kung tama ba ang rinig ko na 'Deimos confessed her feelings to Nadia'. What the hell is going on? Totoo ba? Bakit hindi ko alam? Sorry, Dei.

Nakaupo lamang ako sa puwesto ko at nakasalpak sa aking tainga ang earphones. Dahil sa nahihiya ako kay Deimos ay nakuha ko pang magdala ng cap kanina habang nasa bahay pa lamang ako. At buti naman ay naisipan kong magdala dahil grabe kung makatingin sa akin ang mga kaklase ko. Suot ko ang cap at nakayuko dahil nakakahiya. Katabi ko pa naman si Deimos hays. Buti na lamang ay wala pa sila. Napuyat siguro?

Nakalipas ang ilang minuto natanaw ko na ang apat, naghintayan siguro. Sumusunod naman ang Professor namin na papasok na rin ng room.

Dali-daling nagsipasok ang apat at tinanggal ko na rin ang earphone ko ng magsalita si prof.

"Goodmorning!" pormal na bati niya.

"Goodmorning."

Di ko naparinggan ang mga sumunod na sinabi ng prof namin dahil napapansin kong tahimik si Deimos. Ano ba kasing nangyari?

"So, since wala nga tayong lesson ngayon gaya ng sabi ko. Let's talk about the things we dont have that we really want to have."

"Sa buhay ko, hindi inaakala ng mga nakararami na may mga bagay na wala pa sa kamay ko. Waiting pa kumbaga. Yeah right, mayaman ako, at kayang bilhin ang lahat ng bagay sabi ng iba, at higit sa lahat matalino. Pero, they're wrong."

"Money can't buy happiness. At ang kaisa-isang happiness ko...nawala. My life was incomplete eversince naka-graduate ang anak ko. Hindi iyon alam ng iba..." bakas ang pait ng mga ngiti ni prof.

"Ang tanging hiling ko lang sa mga bituwin at sa taong may likha nito ay ang makasama kong muli... ang asawa ko at ina ng anak ko." nagulat ang buong klase dahil may luhang bumagsak sa mga mata ng professor namin. Eversince maging professor namin siya, akala namin ay wala siyang iniindang problema, palagi kasi siyang nakatawa. Bilib ako sa kung sino ka Sir!

Tahimik lang ang klase ng tumayo ang kaklase naming babae na nasa unahang upuan at saka humarap samin.

"Hi classmates. Isa akong gaya ni Sir. My mom was diagnosed by having a cancer. Actually, colon cancer. Stage 4 na. I don't think so kung kakayanin ko bang mawala siya kung sakali. Kagaya ni Sir isa lamang ang hiling ko, iyon ay ang gumaling ang mom ko."

"Walang oras na di ako binabagabag ng mga what if questions. Walang oras na hindi ko inisip... kung magiging ayos lang ba kami ng dalawang kapatid ko. Wala na kaming tatay, at iyon ang hindi alam ng nakararami. Everynight, I was bother thinking kung paano kami mabubuhay ng ate ko at ng bunsong kapatid ko. Kung saan kami pupulot ng pera at makakain kapag... nawala na yung mom ko. But, I believe in God. He gives us strength when we can't go on."

"Time will pass and I know malalampasan rin namin ito. My mom will be healed. Makakaraos kami..." pagbabahagi nung kaklase namin na si Abigael pala.

Nagugulat kami ng sunod-sunod na nagsi-pagbahagi ang mga kaklase namin. At mas na-shookt ako nung turn ko na pala. Tumayo na lamang ako at nagsalita.

"Alam kong ang iba sa inyo ay hindi gaano kalapit sa akin. Pero malalaman niyo na kung sino talaga ako." saad ko.

"Wayback nung mga 3 years old palang ako, and my Kuya Lowell was 7 years old, nawalan na kami ng tatay." mapait na ngiti ang bumalatay sa aking mukha.

"I didn't know what's the reason. And until now, hindi ko pa rin alam. Whenever Im asking my mom kung ano, she gave us a sweet smile na alam kong sa kabila noong mga ngiti na iyon ay may...pait. Ayokong mag-isip ng masama sa tatay ko but still hindi ko maiwasan dahik hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakut wala siya... Ang hirap mabuhay ng wala kang tatay... lalo na kung wala kang alam kung nasaan na siya. Sa panahon ngayon mahirap mawalan ng tatay dahil sila yung magsisilbing haligi ng tahanan. Sila ang magtatrabaho para masustentuhan ang pamilya. Pero kahit ganon, kinaya ng pamilya ko na wala siya. Wala akong hinanakit, but mayroong kaunting tampo dahil...hindi ko man lang siya nakilala. At alam ko na balang araw, darating din yung oras na makikilala ko siya at malalaman ko rin kung ano ang dahilan kung bakit wala siya nung mga oras na kailangan namin siya." kuwento ko.

Naglakad na ako pabalik sa upuan ko ng makasalubong ko si Deimos na papunta na sa harapan upang magsalita. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti na para bang may ibig sabihin. Nakinig na lamang ako sa kanya.

"Isang bagay lang ang gusto kong makuha." panimula niya. Ni wala man lang pa-intro? Kwento agad?

"Ohh, sorry I'm wrong... Isang tao lang ang gusto kong mapasakin." napansin kong nakatingin siya sa gawi ko. Tiningnan ko ang likuran ko at wala naman siyang pwedeng ngitian roon. Pader? Pwede ba yun? Osige Nadia baka ngitian rin siya nung pader. Ikaw ang tinitingnan oh!

"I don't know if I am the right person for her. But, I will do everything. Hindi ko man alam kung narinig niya ang mga sinabi ko, at ang mga sasabihin ko. But, handa akong paulit-uliting sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko." sabi niya sa akin. Sa akin? Oo sa akin nga... Sh*t bakit sa akin?

"Nadia Faith Santillan, I am willing to wait hanggang sa maging ready ka ng  pakinggan kung ano ang nararamdaman ko. Hihintayin kong maging handa ka sa mga salitang bibigkasin ko sa harapan mo... Hihintayin kong pumayag kang angkinin kita at ilagay ang sariling apelyido ko sa pangalan mo. I am willing to wait my three."  naramdaman kong naglakad na siya pabalik sa upuan niya pero hindi pa rin mawala sa utak at sa ekspresyon ng aking mukha ang pagkagulat. Para akong ewan na nakanganga.

Napansin kong nagsipag-'ayie' ang mga classmates ko. Like hello?! Nasa 'state of being shookt' pa ako. Kumbaga sa computer, processing pa.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari matapos ng sabihin ni Deimos ang lahat ng iyon sa buong klase. Ano nalang ang reaksyon ng mga kaklase ko bukas niyan at ni Sir. Paniguradong aasarin na naman nila ako.

Siya nga pala, nasa bahay na ako. Alas tres ng makauwi ako dito. Nakakain na rin ako. Matapos non ay dumiretso na ako dito sa kwarto ko. Nakatingin lang ako sa kalangitan habang nakadapa sa kama ko. Naalala kong muli ang mga sinabi ni Deimos kanina habang nakatingin siya sa akin.

"Hihintayin kong pumayag kang angkinin kita at ilagay ang sariling apelyido ko sa pangalan mo..."

Damn Deimos! Kung pwede lang diktahan ng isip ko ang puso ko. Sana nga mahintay mo... Please wait my heart to say that she loves you.

Iniquity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon