Kabanata 13

25 12 0
                                    

Kabanata 13 - Immediately

Pakawalan niyo na kami. Parang awa niyo na!

Anong nangyayari?! B—akit? Unti-unting lumalabo ang mga bagay sa paligid namin. Anong nangyayari? Ang gulo. Ang gulo gulo!

Nakaramdam ako ng hapdi kaya't napatingin ako sa mga braso ko. Imposible! Tiningnan ko yung lalaking akap ko, pati siya! Hindi ito maaari. Hindi!

Nanginginig ako sa sobrang takot. Walang tigil na pag-iyak. Dulot ng takot at kaba na bumabalot sa akin ngayon. Unti-unti na kaming naglalaho. Malabo. Ang aking paningin, l—umalabo rin. Bakit?

Tuluyan ng naglaho ang sarili ko at ang lalaking kasama ko. Hindi ako kinidnap. Hindi kami...kinidnap.

Ang tanging nakikita ko na lamang ay puti. Nakakasilaw. Ang sakit sa mata. Anumang oras ay pwedeng sumabog ang mata ko dahil ang init sa paningin. Nagmimistulang araw na sobrang hirap tingnan at tanawin. Masakit.

"Agh." Ang lamig! Bakit ang lamig?!

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Nasa kwarto na ako. Sa kwarto ko! Si Kuya.

Sa sobrang saya ay niyakap ko si Kuya. Akala ko'y katapusan ko na.

Hinawakan at pinakiramdaman ko ang mga mata ko. Hindi ako nabulag!

Sa sobrang tuwa ay napayakap akong muli kay Kuya Lowell. Naramdaman kong biglang lumamig ng umihip ang hangin na nagmumula sa labas ng bahay padaan sa bintana ng aking kwarto. T—eka? Bakit ako basa?!

"Kuyaaaaaaaa?!" inis na baling ko sa kaniya na nagpipigil pa ng tawa. "Bakit mo ako binuhusan ng tubig?! Pinagtitripan mo na naman ako?" Ngunit, umiling lamang siya. Naghintay ako ng sagot niya pero wala kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Nadia naman kasi! Nananaginip ka! Kaya kita binuhusan ng malamig na tubig. Ilang beses kitang sinapingil at kinurot pero walang epekto. Kaya ayan, binuhusan nalang kita ng tubig," pahina ng pahina ang boses niya na halata mo namang gusto ng umalis sa kwarto ko.

"Oh? Sige Kuya. Thank you for waking me up. Thank you for saving me," pasasalamat ko pa sa kaniya saka siya tuluyang lumabas sa kwarto ko.

Nag-tungo ako sa banyo upang maligo. Nilalamig na ako, ang lakas pa ng simoy ng hangin. BER months na kasi.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang Christmas at New Year.

So, sa Japan namin ice-celebrate ang Christmas at New Year? Oh, how bad.

Teka, panaginip nga lang kaya talaga yung nangyari kanina? Ang samang panaginip naman niyon.

Kahit na hindi ko kilala yung tao, siyempre concern pa rin ako. Natural, tao rin yun. May buhay rin yun gaya ko. Nakakalungkot lang. I hope he's okay now.

Pero hindi ko pa rin maiwasan ang matakot. Kung ikaw man ang mapunta sa sapatos ko, paniguradong-panigurado akong madadala ka rin nito. Matatakot ka rin gaya ng nararamdaman ko ngayon.

Sandali! Naririnig niyo yun? May kumakaluskos!

Tiningnan ko ang paligid ng banyo ngunit wala namang tao. Wala namang bagay na maaring makagawa ng ingay. Ano iyon?

Napa-praning lang siguro ako no? Tama. Na-trauma lang ako sa mga sunod-sunod na pangyayari sa buhay ko. I'm so stressed. I need to rest.

Pagkatapos maligo at magbihis ay kumain ako ng umagahan. Sandali lamang akong namalagi sa kusina at agad na ring pumasok sa kwarto ko. Nahiga akong muli at saka pinilit matulog. Pero, hindi ako makatulog.

May kumakatok.

"Pasok!" sigaw ko.

Si Mama. Iniluwa ng pinto papasok ng aking kwarto. Ano na namang sasabihin nito? Hays.

"Get packed all your things, Nadia. We're immediately going to Japan. Our flight was scheduled today, 6pm."

"What?" tanging nasabi ko. Nakakabigla. Aalis na agad kami? Wth? Seryoso?!

Wala na akong nagawa. Sinunod ko na lamang si Batas. Mahirap na kapag sinuway ko at baka may gawin pang masama.

Para akong isang bansa na pinamumunuan ng Reyna, you need to obey her. Dahil kapag sinuway mo, maaring may mangyari sa angkan mo.

Ilang oras rin akong nag-impake at nag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko. Kaunti lang ang dinala kong damit, bahala na.

Pagtapos kong mag-impake ay dumiretso ako sa kama ko. Muling nahiga at saka natulog. Mahaba pa naman ang oras bago umalis. Alas dyis-bente kwatro pa lamang. Baka mamayang ala una pa ang alis namin dito patungong airport.

Nakakainis lang no? Buhay ko 'to, pero ibang tao ang kumokontrol. Deserve ko ba ang ganituhin dahil sobrang sama ng ugali ko noon pa? Karma ko ba ito dahil sa panlalaro ko sa lalaki noon? Wala na ba akong chance para magbago?

Aalis kami agad? Wala man lang bang ibibigay na oras para makapagpaalam ako? sa mga kaibigan ko? Kay Deimos? Kailangan bang umalis agad agad? Masakit ang maiwan ng walang binibigay na dahilan. Alam ko iyon, dahil iyon ang nafeel ko kay Papa.Wala akong alam, dahil ayaw rin sabihin sa amin ni Mama. Kailangan laging walang nakakaalam ng pag-lisan ng isang tao? Bakit?

Kahit na masama ang loob ko ngayon sa Mama ko, hindi ko maiwasang maawa. Kaya siguro ganon na lamang ang pagaalala niya sa amin ni Kuya Lowell, dahil siya na mismo ang tumatayong Nanay at Tatay sa amin. Mahirap ba yung multi-tasking? Pero sabagay, kapag nag-uutos siya na magtupi ng mga damit ay pinagpaplantsa na rin niya ako. Sa tingin ko ay mahirap nga. Dobleng obligasyon ang naghihintay.

"Nadia, pinagigising ka na ni Mama. Aalis na raw kayo," gising sa akin ni Kuya. Kaya bumangon na din ako, wala man lang time para muling maligo. W,TML. (Well, That's My Life.)

Lumabas na ako ng kwarto dahil anong oras na rin. Alas dose y media na at medyo nagmamadali na din si Mama. Kaya mabilis na rin akong nag-ayos ng aking sarili.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa sasakyan na kami patungong NAIA. Ilang oras din ang byahe lalo na at traffic, saktong 4pm nang makarating kami roon.

Ninoy Aquino International Airport

Nasa harapan ko na. Wala ng atrasan, isang oras nalang ay aalis na kami sa Pinas...ng walang paalam. Nakakalungkot, sobra. Pero gaya nga ng sabi ko, wala akong magagaaa sa desisyon ni Mama.

Sorry Anriah. Sorry Wheni. Sorry Cayden and Sorry Deimos, 'Takure' for leaving without any permision. I mean, ang umalis ng walang pasabi sa inyo, walang pagpapaalam. Selfish man kung tingnan ako ngayon, hindi ko ito ginusto. I'm just obeying my Mother. Sorry. Sorry for leaving you...immediately.




















Iniquity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon