Chapter 2: New class president
Sasha's Point of View
Inaantok pa akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at tiningnang mabuti ang oras sa wall clock ng kwarto ko.
6:40am
Ipipikit ko sang muli ang aking mata dahil sa antok pa ako ngunit ng mapagtanto ko kung ano ng oras ay walang ano ano ay bumangon na ako.
7:30 nag uumpisa ang klase namin. at base kahapon sa nangyari,kailangan panaming makahanap ng President ng section namin para hindi tuluyang madissolved ang section Matterix.
Dumeretso na ako sa banyo at binuksan na ang shower. Malayo ng konti ang school namin mula dito sa boarding house na toh,at alam kong mas lalo akong magtatagal dahil sa traffic na araw araw nalang nagaganap.
Minabilis ko ang panliligo ko dahil baka wala na akong mga kaklaseng abutan sa room namin. Isa pa,nakalimutan kong kunin ang card kahapon sa teachers table ni Sir Tod.
Hindi narin ako kumain ng breakfast dahil malelate na talaga ako. Hinagip ko na ang aking bag at mga libro na dala dala ko para makapasok na. Wala na akong suklay-suklay dahil sanay naman na ang buhok ko,at kahit anong suklay ko,magulo parin ito. That's why wala akong bestfriend sa school.
7am exactly ngunit wala pa akong nasasakyan. Gusto ko ng umiyak,kasi inaalala ko yung card ko. May posibilidad na mawala yon at kunin ng kung sino.
"So stupid Sasha! Naturingan kapang matalino pero dimo manlang kinuha kahapon ang card mo!" Im talking to my self.
Lumipas pa ang ilang minuto at wala parin akong masakyan. Sobrang napufrustrate nako sa lagay ko. Urghhhhh
Napayuko nalamang ako. Pakiramdam ko mapapatalsik na talaga kami ng St. Cathaline Academy. Pakiramdam ko masasayang ko lang ang paghihirap ni mama sa canada para lang mapaaral ako.
Sa pagyuko ko ay nakaramdam ako ng pagtigil ng sasakyan. Kaya naman minabuti kong iangat ang aking ulo.
Lamborgini'ng sasakyan ang tumambad saaking mga paningin. Sa pagkakaalam ko ay ganiyan ang sasakyan ni Neiel. Teka? Kung kaniya yan,anong ginagawa niya dito?
"Hoy! Late kana! Kapresi-president mo tapos ikaw pa ang late!!!" Bulyaw saakin ni Neiel.
Tumingin ako sa kaliwat kanan,ako ba talaga ang kinakausap nila? President?ako? Kelan?
"Tss. ano pabang ginagawa mo diyan Presi! Halikana! Sumakay kana!" Sigaw naman saakin ni Gracei Humellen.
"S-sandali nga! Paanong naririto kayo at president, ako?Tek- arayyyy!" Hindi nako nakapalag ng isakay ako ng dalawang lalaki sa loob ng sasakyan.
"Iwwwww...." Salita no Gracei na tila ba ayaw na ayaw dumikit saakin.
Nagdadrive ng sasakyan niya si Neiel habang ang dumampot na dalawang lalaki saakin ay si Joel at Rendel.
"Ano bang kelangan niyo sakin!" Sigaw ko sa kanila.
"Shut up Ms. president!" saway no Rendel saakin.
Ni wala akong kaide-ideya kung bakit nila ako sinundo sa apartment ko at isinakay sa mamahaling kotse nila. Sa pagkakaalala ko ay umiiwas sila saakin dahil hindi nila ako kagayang popular sa buong school at hindi lang basta sa room namin.
"Baka gusto mong paharurutin yan" Salita ni Gracei kay Neiel na siyang Driver ng sasakyan niya.
"Hindi ako tumatanggap ng utos ng iba. Baka kung President ka sinunod na kita" diretsong sabi ni neiel habang nagdadrive.
Tiningnan naman ako ng masama ni Gracei na para bang inuutusan akong sabihan si Neiel na bilisan na ang pagmamaneho.
"Bilis!" Sigaw ni Gracei saakin.
Dahil hindi ko alam ang gagawin ko ay hindi ako nagsalita. Tapos tiningnan ko ang wrist watch na bigay pa sakin ni papa,3minutes nalang at time na.
"Bilisan mo!!!!!!!" Wala sa sarili kong sigaw at halos matumba na sa kinauupuan ko ng maramdamang parang lumilipad na halos kami.
Tulala lang ako,hindi ko na namalayang nandito na pala kami sa St. Cathaline Academy.
"Baka gusto mo ng bumaba President" Nang dahil sa salitang yon ay saka lang ako nabalik sa wisyu.
Dahan dahab akong bumaba ng sasakyan ni Neiel at pinakikiramdaman ang paligid. Nakapamewang na sumalubong saakin ang iba pang section matterix habang hawak hawak ang kanilang card.
Dinaig ko pa ang zombie king maglakad. Para bang pinandidirian nila akong tinitignan,at wala ako dong magagawa dahil magulo nanga kanina ang buhok ko ay mas lalo pang gumulo nung magpatakbo si Neiel ng napaka bilis.
Inaayos ko ang uniporme ko ng Inabutan ako ni Akeisha ng suklay. Inilayo ko rin naman yon dahil hindi naman talaga ako nagsusuklay.
"How can you handle our section king hindi mo kayang ayusin miski buhok mo" simpleng salita ni akeisha ngunit malaman.
Irita kong hinablot sa kamay niya yon at kahit ayoko man gawin ay nagsuklay ako.
"Nasaan na si sir Tod?" Dinig kong tanong ni Neiel sa mga kaklase namin.
"Na sa may principal's office daw. Kinukuha na ang mga papers na pipirmahan para sa pagka dissolve ng section natin." Geenie Saavedra said in a sad tone.
"Baka wala nanga talaga tayong magagawa para maisave ang section natin." Salita ni Alexine
"No! May pag asa pa! Aalis na muna kami. Linisin niyo ang room!" Sigaw ni Neiel,at huli na ng mapagtanto kong hawak niya na ang kamay ko at sabay kaming tumatakbo.
Wala na,nag slow motion na ang paligid. Ano ba toh? Diko naman toh pinangarap eh. Hindi ko naman pinangarap na hawakan ng isang Neiel Gallarda ang kamay ko.
Hinihingal kaming tumigil sa pintuan ng Principal's office. Tinignan ko naman siya ng para bang naguguluhan.
"A-anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.
"Kailangan mong makumbinsi si sir na ikaw na ang pumapalit na bagong presidente namin."
Halos manlaki ang mata ko sa narinig ko. Seryoso ba talaga sila sa mga gusto nilang mangyari?! Eh kung yung mga nauna ngang mayayaman at sikat na naging presidente sa room namin e dinila pinakinggan ay ako pa kaya na isa lang simpleng tao.
I was about to walk out ng biglang nagbukas ang pinto ng Principal's office. "Oh Mr. Gallarda anong ginagawa niyo dito ni Ms. Portuguez?"
Nagkatinginan naman kami ng masama ni Neiel. Ayoko naman kasi talagang maging president ng room namin e. Baka lalo lang magkagulo sa room namin,at baka atakihin ako sa puso sa kasasaway sa kanila.
"Mr. Gallrda and Ms. Portuguez...?" Salita ulit ni Sir Tod.
"K-kasi s-sir.....nandito po kami p-para sabihin na s-si Sasha po ang napili naming P-president...."
Napatingin saakin ng seryoso si sir na para bang Hindi naniniwala sa gustong mangyari ni Neiel at ng mga kaklase ko.
Senenyasan ako ni Neiel na sumagot at umuo. Malamang iniintay nalang ni sir ang sagot ko. "A-ah kasi p-po......o-opo pinili po nila a-ako" halos gusto ko ng saktan ang sarili ko.
No! Wag kang pumayag Sasha! Haysss
"It's already 7:35...... But,I'm glad to know na nag effort pa kayo na pumunta dito sa principal's office. Sige,halikayo sa loob para pirmahan ang kasulatan."
Napapikit na ako ng makatalikod si sir at magsimulang pumasok sa loob. Nahuli na akong pumasok at ramdam na ramdam ko ang tensyon.
"So,your name is Sasha Beneath Portuguez right?" Paunang salita ng principal namin.
Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong ng principal namin. Iniabot ni sir Tod ang isang paper. Kung saan nakasulat don ang pagpayag kong maging presidente ng section matterix.....
