Chapter 12

29 0 0
                                    

Chapter 12 Akeisha,Aevy,meets Jaja

Sasha's Point of view

"Oh sasha! Anong nangyari sayo?" Salubong na tanong ni Jaja saakin nang marating ko ang bahay ko.

Hindi ko siya pinansin at gusto ko nang pumunta sa kwarto ko. "Sashaaa...." Huli niyang tawag ngunit diko na pinansin pa.

Sa banyo na ako dumiretso at mabilis na nagbuhos. Sobrang lagkit ng katawan ko maging ang buhok ko. Naluluha pa ako habang tinatanggal ang mga duming yon sa katawan at buhok ko.

"Bakit dika lumaban sasha?!Bakit ang hina hina mo!?" I asked to my self Bakit ba di ako lumaban? Bakit naging tahimik nanaman ako at mahina?? Bakit nga ba ako nahihirapan ng ganito? Dikorin naman ginustong maging presidente ng section namin. Ang lahat ng yon ay kagustuhan ni Neiel. At ngayon nahihirapan ako dahil sa ginawang yon ni Caile. Kahihiyan ang siyang bumalot sa katawan ko maliban sa duming natamo ko kanina.

Nang makuntento na ako sa paglilinis ng katawan ko ay lumabas narin ako. Laking gulat ko ng makitang nasa labas ng pinto si Jaja habang nakapamewang pa at yung isang kamay ay kinukot-kot pa ang kung ano sa kuko. "Hindi ko alam na baliw kana pala ngayon-i mean kinausap mo na pala ang sarili mo ng mag isa?"

Diretso nalang akong pumunta sa harapan ng salamin namin at pinatutuyo ang buhok ko. Habang siya ay sumunod saakin at sa kama ko umupo. "Magsabi ka sakin ng totoo sasha,binully kaba sa school niy-"

"Hindi!" Mabilis kong sagot. Alam ko naman na tatawanan niya lang ako kasi mahina parin ako hanggang ngayon,pero anong magagawa ko?

Itinuloy ko ang pagpapatuyo sa buhok ko habang diko mapigilan ang pag tulo ng luha ko. Isang yakap mula sa likod ang naramdaman ko dahilan para maiyak ako lalo. "Shhhh. It's okay to be not okay sasha. I'm here,you can share me what's happened to you."

Hindi ko alam kung bakit umuwi si Jaja galing states,at mas lalong hindi ko rin alam na dito siya tutuloy saamin at diko rin alam na bibisitahin niya ako sa school mismo.

Nagpunta kami sa salas at doon nag usap ng maayos. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan about sa nangyari sa kaniya sa states and may isang nakapag pasaya saakin. Sobra pa sa sobra.

"Yes! So it's mean,dito kana ulit titira?" I asked to her kasi natutuwa talaga ako. "Oo. Pumayag si daddy e kasi hindi raw ako makapag focus don kasi nga alam niyang di kita kasama"

Ang akala kong kasiyahan ko ay mapapalitan pala ng lungkot. Parang kailan lang ay nag away kami nung bago siya pumunta sa states. Actually,siya talaga ang first bestfriend ko sa lahat. But when she said that she'll go to the states at doon na mag aaral ay ikinonsidira kong hindi ko na siya kaibigan. Dahil galit ako nung panon nayon sa kanya dahil siya nalang ang meron ako dito tapos umalis pa.

Hinampas ko si Jaja kaya naman mabilis siyang nakareact. "Ganti ko yan sayo!"

Imbis na magalit siya ay lalo lang siyang natawa kaya sinabayan ko na laang din yon. Madadagdagan na ulit ang kaibigan ko dahil andito na si Jaja. Ipapakilala ko na lamang siya kina Aevy at Akeisha bukas kung sakaling pupunta si Jaja sa school para sa mga requirements.

"Jaja! Tara na sa taas? Gabi na rin at maaga pa ako bukas."

Ngumiti naman si jaja at tumango pa sa akin. Nauna akong tumayo saka palang siya. "Uhmmm sasha.....?" Nagtataka ako kay Jaja na lumingon nang tawagin niya ako at parang may balak na sabihin. "Bakit?"

"Ah wala wala. Haha inaantok na ako eh. Tara na"

Nauna na si Jaja na maglakad saakin at akala mo kanya tong bahay dahil kung makapag bukas siya ng pinto ay akala niya kwarto niya. Haha! Pero ayos nadin yon,atlis may makakasama na ako kahit papaano.....

-

"Ano kaba naman jaja! Ngayon kapa ba mahihiya,Eh nakapunta kana nga dito kahapon diba?"

Nagmistulang nahihiyang bata si Jaja dahil sa nasa likod ko lamang siya. Medyo nahihiya raw kasi siya dahil kahapon ay madaming nakatingin sa kaniya. Well,maganda kasi si Jaja,nabagayan pa ng kulot niyang buhok.

"Sasha!" Tawag sa pangalan ko ng pamilyar na boses saakin.

Nilibot ko ang paningin ko at sa may bulletin board tumama ang aking tingin. Nandun si Akeisha kasama si Aevy. Ayos na sana dahil kumaway pa si Aevy,ngunit kumunoot ang noo ni akeisha na para bang tinatanong nito kung sino ang kasama ko?

Lumapit sa pwesto namin sila Akeisha at Aevy at hinigit ako ni Akeisha at dinala sa gilid. "Siya na ba yon? Yung nabalitaan kong kasama mo kahapon?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Hindi na ako nagulat kung napabalita na agad si Jaja kahit na kararating pa lang niya. Ganon kasi rito sa St. Cathaline Academy,pag may latest issue updated ang lahat,kaya nga yung nangyari sakin kahapon,alam kong alam narin yun ng lahat.

"Okay. But,nabalitaan ko rin ang nangyari sayo between Caile. Okay ka lang ba?"

Napayuko na lang ako sa hiya sa tuwing maaalala ko yon. Naaalala ko rin na naging mahina ako kahapon. But depsite of all,nginitian ko si Akeisha bilang pagsasabing okay lang talaga ako kahit hindi.

"ummm,by the way,akeisha,aevy,si Jaja nga pala,best friend ko. Jaja so aevy,at akeisha nga pala,best friend ko"

Iniaro ni Jaja ang kamay niya,ngunit tinignan lang yon ng dalawa. Nangangamba akong baka tarayan ni Akeisha lalo na ni Aevy si Jaja at magkagulo dito sa buong campus kaya magsasalita sana ako ngunit naantala. "Hi Jaja! I'm Aevy Sophia Lee" Sabay abot din ng kamay ni Aevy kay Jaja. Pagkatapos nun ay si Akeisha naman. "Akeisha Samantha Zelleon."

Ang akala kong hindi sila magkakasundo sundo ay mali pala. Nagkasundo sundo sila higit pa sa inaasahan ko. "Ano kaba naman sasha,king sinabi mo saamin na may kaibigan kanaman pala di sana hindi kana namin kinaibigan!" Seryoso kong tinignan si Aevy,"joke lang. Seryoso ka kasi jan eh. Ano bang iniisip mo?"

Mabuti na lamang at nagbibiro lang si Aevy ron. Kung hindi baka namis interpret ko yon pero teka,ano nga bang iniisip ko? Since kanina pa nung nagkita kami hanggang dito sa canteen malalim na ang iniisip ko.

Nilibot ko ang paningin sa buong canteen,sa palagay koy hindi ko pa nakikita ang grupo nila Zach kanina pa,na usually ganitong oras ay nandito sila.

"Sorry sasha haa...wala kami kahapon para tulungan ka. But I'm sure tinulung-" hindi ko na narinig pa ang huling sinabi ni Aevy dahil tinakpan yon ni Akeisha.

"Ano ba akeisha! Bakit mo ba tinakpan ang bibig ko!"

"Ang dami mo naman kasing dada Aevy! Ayaw mo nalang kakain" Salita ni akeisha kay aevy.

"Sasha! Ang saya pala kasama nila Aevy at Akeisha. Haha" bulong ni Jaja saakin.

Sadya naman kasing masayang kasama sila Aevy at akeisha. Dahil bukod sa stress releiver mo sila,nakakatulong pa sila sayo kahit na ang ingay ingay nila lagi at nagtatalo parati.

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon