Chapter 30

18 1 0
                                    

Chapter 30

Zach's Pov

"Zach wait!"

Kahit na malayo na ako sa kaniya at bilisan ko ang lakad ko ay disidido parin si Sasha na sumunod sa akin patungo sa Heads office. Alam ko naman na may mali akong nagawa dahil medyo nakakabastos yung nangyari kanina,pero wala akong pakialam kahit na patalsikin ako sa school na toh basta wag lang nilang gagalawin o sasaktan si Sasha dahil ako ang makakalaban nila.

"Ano ba Zach! Sabi ko intay eh!" Galit na sabi ni Sasha sa akin ng makasunod na ito.

Tinignan ko ang kamay niyang may hawak na heels. Iisa lang ang hawak niya kaya napatingin ako sa isang paa niyang nakasuot pa ang isang heels Dahil sa maputi niyang kutis ay  mapapansin mo agad ang pamumula dahil na rin siguro sa paglakad takbo niya na kakasunod sa akin.

"I told you to stop but you didn't listened to me. Look! Ansakit ng paa ko kakalakad takbo para lang maabutan ka"

Seryoso lang ako sa kaniyang nakatingin. "Bakit,sino ba kasing may sabing habulin mo'ko?" maangas kong tanong

Nanggigigil siyang lumapit sa akin at pinaghahampas ako. "Arayy! Ano ba Sasha masakit!"

Ang akala kong hampas ay nadagdagan pa ng kurot. Damn! This is my one of my weakness. "Dapat lang sayo yan! Pinagod mo ako eh!"

Inabot pa ng tatlong minuto ang panghahampas niya sa akin at pangungurot,kahit na medyo masakit natutuwa parin ako sa nangyayari ngayon. Nakita ko ang makulit niyang side ngayon,hindi yung fierce na Sasha kundi makulit na Sasha ang nasa harapan ko ngayon.

I remember the time that i grabbed her waist. Nakakatuwang isipin na ilang na ilang siya sa akin at iwas na iwas. Kaya napapangiti na lamang ako pag naiisip kong kahit na sandali ko siyang nakulong sa mga bisig ko ay sobrang saya ko na.

"What?" she asked to me nung matigil na siya sa pangungulit sa akin.

I smiled at her knowing that i'm happy tonight. "Pangiti-ngiti kapa,diretso heads office ka naman!" pabiro niyang sabi

"I have to smile because you made me smile...." I mumbled but I know that she heard it.

"Dami mong alam noh? At marami karing dapat ipaliwanag sa akin"

Ngayon lang nag sink in sa utak ko na dapat ko nga pala talagang ipaliwanag sa kaniya ang pangyayari kanina,na inabangan ko talaga mula pa kagabi matapos kong makuha ang impormasyon kina Neiel at Caile.

"Listened Sasha,naalala mo ba yung party na ininvite kita at ipinakilalang girlfri-"

"Hindi mo'ko girlfriend" iritang niyang sabat sa akin.

"Patapusin mo muna kasi ako okay...."

Tumango-tango naman siya sa akin at saka nakapamewang na nag aantay ng sunod kong sasabihin.

"That night,hinahanap mo si Akeisha sa labas,pero aksidente mong nabangga si Yvette Acosta,yung babae kanina na dumating at pumunta sa tabi ni Mr. Acosta. Kilala mo rin si Geneva diba? Yung kapatid ni Akeisha... Magkaibigan silang dalawa,at nalaman ko na aksidente mo ding nakabangga si Geneva noon pa. Dahil kapatid ni Geneva si Akeisha ay nakasagap agad siya ng balita na ikaw ang ininvite ko para sa party na yon.... Mas lalo pa si Geneva na nagalit nung malaman niyang ipinakilala kita bilang girlfri---basta yon!Kaya nagpatulong si Geneva kay Yvette na ilagay ka sa piligro nung gabing yon."

I saw her reactions after I explained to her. Para siyang hindi makapaniwala at nag iisip ng malalim. "Pero ano bang nangyari....bakit hindi ko nagawang maalala----at nagising nalang ako sa kwarto mo non?"

"Yvette is very popular and coming from well-known family,but his father is Mafia,kaya mahirap man para sa akin ang kumalaban ng mafia,wala na akong pakialam sa kanila"

"Mafia?!?"

"Oo. At isang utos lang ni Yvette sa kaniyang Daddy ay nasusunod na. Kaya nga kinontrata pa nila at binantaan ang dapat ay uupo sa judges seat para sa pageant."

"Pero,teka nga lang Zach! Ano bang ginawa sakin ni Yvette ba yun? Bakit Hindi ko maalala noon? At paano niyo nalaman na ganun ang mangyayari ngayon??" ramdam ko ang pananabik ni Sasha sa mga kasagutan sa lahat ng katanungan niya kaya kahit gabi na at malang iniintay na kami ng principal ay mas mabuting maipaliwanag ko na yon sa kaniya tutal nalaman ko narin naman ang motibo ni Yvette. Ang hindi palang pwedeng malaman ni Sasha ay ang tungkol sa Treskelion Group.....

"Ginamitan ka niya ng isang ring,na may sekretong patalim. May chemical yon na kahalo na siyang naging dahilan ng panandalian mong pagkawala ng ala-ala---a-aray!" Hinampas niya akong muli ngunit sa pagkakataon na toh ay heels niya ang ginamit niyang pang hampas sa akin.

"Baliw kaba ha!? Pano nalang kung ikinamatay ko yon ha!"

"Alam mo namang hindi ako papayag na mapahamak ka diba?!"

Sa isang saglit ay natigilan siya at unti unting tumigil sa ginagawa niyang panghahampas sa akin. Totoo kasi yon,hindi ko hahayaang mapahamak siya at malagay sa alanganin. Mas gugustuhin ko na ako na lang at wag na si Sasha...

Inayos niya ang sarili niya na para bang pinapakalma ang inis niyang itsura. "So tell me,how did you find out na mangyayari toh?"

I sighed heavily,bago ko simulan ang aking pagpapaliwanag ay nag umpisa na akong maglakad at sumunod naman siya.

"Netong mga nagdaang araw ay sinikap nila Caile at Neiel na manmanan at sundan ang imbestigador na hinired ni Yvette,habang ako naman ay palihim na binabantayan ka dahil sa bukod sa imbestigador ay naghired pa si Yvette ng taong papatay sayo,Sasha..."

Natigilan si Sasha na para bang may naaalala. "You mean....sobrang galit ba talaga sakin ng Yvette na yon para ipapatay ako?"

Nanatili parin akong nakatalikod sa kaniya dahil ako ang nauunang maglakad sa aming dalawa. "Just because of her bestfriend,Geneva...."

"Dahil ganun na lamang kalaki ang pagkagusto niya sayo kaya siya humingi ng tulong kay Yvette Acosta....Ambabaw naman nila..Tara na nga!"

Sabi niya at nagsimula na ulit maglakad. habang ilang araw ko si Sasha na binabantayan ng palihim ay nakita ko kung paano siya ilang beses na muntikang atakihin ng isang lalaking naka black na cap and hood. Pero bago pa niya atakihin si Sasha ay naunahan ko na siya kaya nalaman ko ang ibang impormasyon tungkol kay Yvette Acosta.

No matter what happens,I will choose to protect Sasha,I will choose to love her even if she doesn't feel the same. Alam kong mahirap para sa kaniya na paniwalaan na gusto ko siya--ay hindi na mahal ko pala siya pero darating ang oras na maaamin ko yon sa kaniya. But for now,kailangan ko munang harapin ang principal namin,siguradong makakarating agad ito kay Dad,dahil si Kuya alam na ang nangyaring ito.....

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon