Chapter 3

36 3 0
                                    

Chapter 3: Miss President

Sasha's Point of View

"I'm Sasha Beneath Gonzales Portuguez,your new class president. Thank you"  sabay baba ko ng kana ng kamay ko at pagtatapos ng panunumpa ko sa harapan ng principal kasama ang mga kaklase ko.

Nagsipalakpakan ang lahat ng taong nakikita ko.  Samantalang hindi nako magkanda palagay sa tayo ko. Ramdam ko ang pawis na siyang tumatagaktak sa katawan ko.Tension kung baga.

Tulala lang ako maghapon. Hindi makapaniwalang President na ako ng classroom namin. Napaka laking responsibilidad kung tutuusin. Ngunit wala na akong magagawa dahil ito na ako ngayon,nakapirma na at nakapag panata na.

"Yesssss! Wala na si Mam daphne! Let's party party!!!" Sigaw ni Aevy dahilan para mag ingay nanaman ang mga kaklase ko.

Natulala lang ako sa mga pinaggagawa ng mga kaklase ko,si Aevy na kadaldalan si alexine,ceejoy at gracei. Samantalang sila neiel naman ay dirin nag papatalo dahil kaniya kaniya din silang kwentuhan nila Rendel,at joel kasama si kairo.

"Bakit dimo sila sawayin?" Salita ng katabi kong si Geenie Saavedra.

Hindi ko siya kaclose at alam kong nilalayuan niya ako noon pa,pero laking gulat ko nung bigla siyang lumapit saakin at kausapin ako.

"Hindi naman sila makikinig sakin eh...." Mapakla kong sagot sa kaniya.

Napangisi nalang siya saakin. Sabay tumayo siya sa kinauupuan niya. "Cutting" saad niya.

Napahawak nalamang ako sa aking sintido dahil unang una ko palang sa termino,ay ganito na agad. What more sa mga susunod na buwan kasama sila.

Hindi ko napigilang hindi maimagine ang kahihinatnan ko sa mga susunod na araw. Iniimagine ko ang sarili ko sa unahan na nagsasaway sa kanila ngunig hindi naman nila ako pinakikinggan.

I imagine my self na nasa unahan at imbis na pinakikinggan nila ay binabato pa nila ng papel. Tapos ako? Iiyak sa unahan tapos magwowalk out. Haysss. Tatagal pa kaya talaga ako kung mangyari yon?

-

Mag isa akong nagtungo sa canteen para sana kumain dahil nga sa pagmamadali ko kanina ay hindi na ako nag atubiling kumain pa.

Mula sa paglalakad ko galing sa room namin hanggang dito sa canteen ay ramdam ko ang malalagkit na tingin ng mga nakakasalubong ko. Madalas nakikita ko silang umiiwas saakin at nagbubulangan pa.

Hindi ko na yon pinansin at umorder na agad ako ng pagkain. Pagkakuha ko sa inorder kong carbonara at pizza ay lumingon muna ako sa paligid. Naghanap ako ng mapupwestuhang table ngunit mukhang napuno na sa dami ng estudyanteng kumakain.

Nagbaka sakali akong may makikita pang bakanteng mesa kaya naghanap parin ako. Ngunit wala talaga...wala akong mapupwestuhan.

Patalikod na sana ako para ipatake out nalang yung pagkain at inuming dala ko nang biglang may humigit ng bag ko at diretso akong pinaupo sa upuan.

"Seat beside me." Lumingon ako sa nagsalita at halos manindig ang balahibo ko dahil kilala ko ang malamig na boses na yon kung kanino.

"P-pero...t-table toh sadya ng mga k-kaibigan mo.." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na di mautal satwing kausap siya,dahil hindi ako sanay na kinakausap ng isang Neiel Gallarda.

Hindi siya nagsalita at patuloy lang siya sa pagkain ng inorder niya habang ginulo naman ni Kairo ang buhok ko. "Behave Ms. President" mapagbantang boses ang ginamit ni Kairo na nasa katapat ko lang.

Hindi ko na sila pinansin pa dahil gutom na talaga ako. Kaya naman kahit na nakakahiya dahil katabi ko lang si neiel ay kumain na ako at daig ko pa ang kabayo sa bilis kumain.

Hindi ko napansin na naagaw ko pala ang atensyon nila at maging ang mga tao sa canteen. Kaya naman dahan dahan kong iniangat ang ulo ko habang nasa labi ko pa yung hibla ng carbonara.

"Hindi kanaman siguro pasal noh?" Diretsang salita ni Neiel na ikinalingon ko sa kaniya.

At sa tinagal tagal ng oras ngayon ko lang naramdaman ang hiya. Lalo pat katabi konga siya. "Hey neiel! hayaan mo na si Ms. President,mukhang gutom na gutom siya e. Ammm wait,iorder pa kita ng carbonara Ms. Presi"

Nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ni Rendel,dahil pabigla bigla siya at hindi manlang ako tinanong kung gusto ko ba. "Kain lang ng kain ms. President" imik ni Joel sakin.

"Neiel!Kairo!sundan ko lang si rendel ha" pagpapaalam ni Joel. Naiwan lang kaming tatlo dito ni Neiel at Kairo. Halatang tapos ng kumain si Neiel dahil nakapalsak sa kaniyang tainga ang puti niyang headset.

Titingnan ko sana ang oras dahil mukhang time na ng mapansin kong nakatitig saakin si Kairo. "May dumi ka,wait lang alisin ko" at lumapat ng di inaasahan ang kamay ni Kairo sa gilid ng labi ko habang seryosong nakatingin sa labi ko. Nakatingin lang ako sa kaniya ng matagal. Tiningnan ang ginagawa niya.

"Ahmmm. Ahmmm" Pang babasag ni Neiel ng pagtingin ko kay Kairo ng natagal dahil sa ginawa niya.

Nakaramdam naman ako ng pagka awkward kaya minabuti ko nalang na magpaalam sa kanila tutal ubos narin naman ang pagkain sa plato ko. Isa pa,ayokong tumanggap ng pagkain mula sa kanila. Magmukukha lang lalo akong mahirap kaya ayoko ng ganon.

Inayos ko ang sarili ko at walang paalam na tumayo. Pero nung maisip ko na isiniksik lang nila ako sa table nila ay nagsalita padin ako kahit na nauutal ako. "T-thank you" i said na dimanlang pinagtuunan ng pansin ni Neiel at tanging ngiti lang ni Kairo ang nakita ko.

Umalis nalang ako at dali daling nagpunta sa room dahil baka mamaya nalate na pala ako diko pa alam.

Malayo palang ako dinig na dinig ko na ang mga ibat ibang boses na alam ko kung saan galing yon. Nagmadali ako sa paglalakad at halos takbuhin ko na yon.

Nang makarating ako sa pintuan ng room namin ay natulala lamang ako habang ang nakikita ko ay makalat na classroom at mga naghahabulang lalaki. Mga babaeng nagtatawanan at may mga nagbabatuhan pa. At ang pinaka malalang nakita ko ay ang paghahalikan mismo sa harap ko at sa unahan pa talaga sa may board ginagawa.

"Si President anjan na!!!!" Sigaw ng isa naming kaklase na ikinatingin saakin ng lahat.

Wala akong naging reaksyon kundi pagkagulat lang. Habang sila natigilan sa mga pinagagagawa nila. Nabalik sila sa realidad at animoy mga maamong tupa dahil mabilis silang bumalik sa kani kanilang upuan.

Nakatingin lang ako sa kanila. Hindi na sila maingay at magulo ngunit nabigla padin ako.

Naglakad na ako papunta sa divan para kunin ang walis tambo don at magwalis ng kalat. At nang makuha ko yon ay nilapitan ako ni Charles at kinuha ang tambo sakin. "Ako na Ms. President"presenta niya.

Walang ano-ano ay nagwalis siya at naglinis ng mga kalat nila. Dumako ako sa black board dahil sa sulat doon na di binubura. Hinagip ko ang eraser at akmang buburahin na ang nakasulat sa board ng hablutin yon ni Richard. "I'll assist" umisod ako ng konti at tila ba naninibago sa kanila.

Maya maya pa ay malinis na ang classroom namin at tahimik nadin sila. Nang makasiguro akong ayos na nga talaga ang room at mga kaklase ko ay bumalik na ako sa upuan ko.

Isang ngiting matamis ang kusang nagform sa aking labi. Iniisip na sana ganito nalang lagi. Sana hindi kami magugulo,at sana lahat nakikinig.  Kaya kahit nabibigla ako sa mga pinagagagawa nila ay happy padin ako kasi kaya nilang kumilos sa room namin.





( AN : Hey guys! Shanamistrong is hereee <3 you enjoyed my story? Just click the star button which means that you voted my story. A super duper thank you to you readers. Samahan niyo padin ako hanggang last chapter ha! And syempre suportahan niyo rin ang gawa ko gamit ang pagvote dito :) Mag uupdate po ako lagi para mabasa niyo. Yon lggg Godbless )

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon