Chapter 25

27 0 0
                                    

Chapter 25

Sasha's Pov

Umuwi ako saamin na inis na inis. Inilubog ko ang mukha ko sa unan ko at don sumigaw ng sumigaw.

"Humanda ka saking kupal ka!!!!" i shouted with an angry tone

Naiinis talaga ako kay Zach! Tapos nadagdagan pag ng mga kaibigan ko. What a happy life!

Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang listahan ng mga participants. May dalawang minuto na ata akong naghahanap pero hindi ko makita.

Inisip kong mabuti kung saan ko nilagay yon dahil baka naiwan ko yon sa school. Mas malaking problema yon pagnagkataon....

Dinampot ko na lamang ang cellphone ko at tinawagan sila Jhajha at Akeisha ngunit walang sumasagot sa kanila at puro out of coverage.

Tinignan ko sa mga contacts kung sino ang pwede kong tawagan sa school at pangalan lang ni Neiel ang nakita ko.

I immidiately dialed his number,pero hindi niya rin sinasagot. Haysss.

Sa dami kong isipin ay napahiga na lamang ako at napatitig sa kisame. Iniisip ko na hindi ako mahihirapan ng ganito at mag iisip ng ganito kung hindi ako aksidenteng naging president. Hindi sana magiging magulo ang buhay ko kung hindi ako napalapit sa mga kaklase ko....pero aaminin ko,minsan mang sakit sila ng ulo. Sila lang ang nagiging happy pill ko........

Nag vibrate ang phone ko kaya mabilis ko yung kinuha. Text lang pala ni Sir Tod ang laman nung text at akala ko'y sina Akeisha na.

'Sasha! Thank you! Lahat may sasalihan na.... Goodluck sa pageant'

I replied sir and asking him what is the meaning of his text. But he didn't reply. Ano bang ibig sabihin don ni Sir? Bakit alam niya ng lahat may sasalihan eh tatlo pa kaming wala? Saka yung sa pageant....ibig bang sabihin may participants na kami don? Pero wala panaman sa kaniya yung listahan ng participants diba?

-


Pumasok ako sa school na stressed na stressed. Pakiramdam ko pasan ko ang mundo sa dami rami ng iniisip ko.

Habang naglalakad ako sa campus na parang lantang gulay at iniisip kung saan ko hahanapin ang listahang yon ay tila ba may naaaninag akong taong hindi ko gustong makita ngayong araw na ito at ngayong umaga. Please Lord,wag muna siya masyado pang maaga para sirain niya ang sira ko na talagang araw....

Nakita kong papalapit sa direksyon ko sila Zach,Caile at Neiel kaya tumalikod na ako sa kanila at maglalakad pabalik. Dun na lang siguro ako dadaan sa kabilang hallway....

"Ops! Oww. Look who's here girls?"

Maarteng salita ng babaeng nasa harapan ko na muntik ko ng mabunggo. Para bang galit sa akin ang mundo dahil sa ang mga nakikita ko ngayong araw ay yung mga taong ayokong makita.

"Excuse me,may pasok pa ako"

Matapos ko yung sabihin ay tumuloy nako sa paglalakad pero hinarangan ako ni Geneva at ng mga kaibigan niya. Saka nagtawanan nung makita nila ang itsura ko.

"Sigurado ba talaga ang section niyo na ikaw ang rarampa para sa Jr's Queen?"

Nagtataka akong tumingin kay Geneva. Ang tinutukoy niya ba ang ay pageant na magaganap sa darating na party? Ako?

"Hindi ako ang raram-"

"Hindi naman na niya kailangan rumampa dahil para sa akin panalo na siya.."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng hindi ko alam dahil sa gulat ng biglaang pagsulpot ni Zach. Ni hindi ko na namalayang nasa tabi ko na silang tatlo nila Caile at Neiel.

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon