Chapter 24
Sasha's Pov
Hindi mapagsidlan ang saya at pagka excited ng mga tao sa paligid ko. Ilang araw nalang kasi ay gaganapin na ang event sa aming school.
"Kami na magdedecorate nung booth ng section natin" pagpepresenta nila jhajha kasama sila alexine
"Okay. Sige"
"Kami naman na nila Neiel at Caile ang gagawa ng costume nung mga kasali natin sa sayaw at kanta"pagpepresenta rin ng ibang kaklase ko kasama si Akeisha.
Tumingin ako kay Aevy na abala sa pagsusulat sa pisara. Wala pa kasi siyang sasalihang event at isang slot nalang ang maaari niyang salihan. Ang pageant...
"May balak kabang magkagrades Aevy?" i said it in sarcastic way. Alam ko kasing hindi siya sasang-ayon dito pero para sa grades baka pumayag siya.
"Of course yes!" masiglang sabi niya at itinigil ang pagsusulat sa pisara saka ako hinarap.
"Pero isa nalang ang available na slot eh,pageant na lang..."
"Pageant? No way! Iwww just iwww!" nagmala nandidiri pa siya at nakakatawang tunay ang kaniyang mukha. Hindi kasi siya mahilig sumali sa ganito pero kailangan niya rin ito para hindi siya mawalan ng extra points. isa pa maganda naman siya kaya may pag asa siyang manalo.
"Ikaw rin kung ayaw mo wala kang extra points...."
"Kahit na anong gawin mo hindi ako papayag sa pageant na yan noh!"
Tinaasan ko siya ng kilay habang nakapamewang. "Talaga lang ha...sige bye!bye! Ibibigay ko na lang sa iba yung available slo-"
"Don't!W-what i m-mean....pag iisipan ko pa okay!"
Sa tuwa ko ay napayakap ako at napatalon sa harapan niya. Ewan ko ba naman,excited rin kasi akong makitang rumampa si Aevy.
"Ano ba Sasha! Wag kangang O.a pag iisipan ko pa nga diba?!"
Natatawa akong lumayo kay Aevy. Pero gagawin ko ang lahat para lang pumayag siya. "Iintayin ko ang sagot mo ha ngayong araw rin na toh"
"Ngayong araw?! Grabe naman pwede bang hanggang bukas?"
Inilingan ko lang siya dahil hindi pwede ang gusto niyang mangyari kasi kailangan ko ng isubmitt ang mga listahan ng mga participants at kanilang events na sasalihan.
Ine-rechecked ko ang listahan at isang slot pa pala ang naiwan para sa lalaki. Kapartner ni Aevy sa pageant ang kulang pag kaya maghahanap pag ulit ako. Napakamot na lang ako sa batok ko dahil akala ko ay tapos na ako at makakapagpahinga na. Nilibot ko pag ang paningin ko sa paligid pero wala na ako ng ibang maisip na pwedeng ilaban sa pageant. Lahat kasi ng boys ay meron ng sasalihan.
"Huy sasha! Kunot nanaman yang noo mo. Anong problema ha?" Tanong ni Jhajha sa akin na diko na namalayang nakalapit na pala.
Ipinakita ko kay Jhajha na isang slot pa ang kailangan kong hanapin na pwedeng maging partner ni Aevy sa pageant. "Male participant for the pageant? Still wala parin tayong representative?"
I just nodded to her. Binigyan ko rin siya ng mapait na ngiti. "Wait..lahat ba may sasalihan na?"
"oo" walang gana at tipid kong sagot at pagkatapos mala lantang gulay na umupo sa upuan ko. Iniubob ko na rin ang ulo ko sa aking arm chair dahil sa pagod.
"My ghaddd.... Speaking of the male participant for the pageant....i finally found him!"
Mabilis kong itinunghay ang aking ulo sa direksyon na tinitignan ni Jhajha. "Si Caile?" i asked her and she just nodded.
