Chapter 15 Transformation
Sasha's Point Of View
"Arayy! Dahan-dahan lang po"
Nakailang daing na ata ako,ngunit parang hindi nila ako pinapakinggan. Ang hapdi nanga ng buo kong mukha eh kaalis nila ng mabalbon kong parte ng mukha. Lintek na Akeisha ito!
Nasa parte na sila ng pag aayos sa buhok ko ng umiwas ako sa kanila at tumakbo papunta sa gilid. "Pati ba naman buhok ko?"
"Opo mam. Bilin po sa amin yan ni Ms. Zelleon."
Aba at ang bruhildang yon!!!!
Wala akong nagawa ng malapitan na ako ng dalwa nilang kasamahan at higitin ako para makaupo sa upuan. Wala silang sinayang na oras at inayos nanga nila ang buhok ko.
"Alambre ba buhok mo mam? ang hirap tuwidin eh"
I rolled my eyes to them. Makapagsabi nam an ng alambre yung buhok ko. Jumbagin ko sila eh!
After 6 hours,natapos din ang mga kaek-ekan nilang ginawa sakin. Ngunit bago yon,ramdam na ramdam ko pa ang hapdi saaking katawan dahil sa ginawa nilang pagbabawas at pagbubunot sa mga mababalbon na parte ng katawan ko.
Lumapit ako sa malaking salamin,hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Iniisip ko na,'is this is me for real?' Para kasing hindi ako at ibang tao ang gumagamit ng katawan ko.
Tuwid na tuwid ang buhok ko,habang namumula ang aking labi na sadyang binagayan ng kulay ng lipstick na ginamit saakin,pagkatapos ay ang pisngi kong animo'y kinikilig dahil sa parang nagbablush ito,kilay kong masasabi ng iba na kilay goals talaga at pilik kong pinalantik pa lalo nila.
Pinagmasdan ko rin ang suot kong uniform. Oo! Nakasuot parin ako ng uniform,dahil hindi na ako binigyan ng pagkakataon ni akeisha na makapag palit manlang.
Isang paper bag ang inabot ni Akeisha sa akin at dinampot ko iyon para tignan kung ano. "Here! From tomorrow,you were wear that uniforms are we clear?"
I just nodded,she really transformed me into someone I didn't used to be. But still,I'm thankful to her. "You're so much pretty unlike dati."
Napangiti na lamang ako sa kaniya. Panget ba talaga ako non? "Joke lang! Haha! Maganda ka parin naman dati kahit wala kang make up,hindi ka lang maalam mag ayos man lang"
Na speechless ako sa sinabing yon ni Akeisha kaya naging awkward ang ganap. Since gabi narin naman ay napagpasiyahan nanaming umuwi. Nag assist si Akeisha na ihahatid na ako at umuo na lamang din ako.
Habang nasa sasakyan kami ni Akeisha ay panay lang ang kwentuhan namin tungkol kay neiel. Andami niyang kwento about him na para talaga silang magkakilala na noon pa.
"Ammmm,akeisha? Matagal na ba kayong magkakilala ni Neiel?" I'm asking to her na ikinatahimik niya sagilit ngunit tunawa rin siya pagkatapos. "Of course not,hindi ko naman ganun kakilala si Neiel,kahit na magkakaklase na tayo noon pa."
Tumango na lamang ako sa kaniya. Nung maisip kong tahimik na kami parehas at wala kaming topic ay nag tanong ako sa kaniya. "Akeisha? Why are you nice to me? Why did you help me to transformed like this?"
Kahit na seryoso siya sa pagmamaneho,i saw her smile kahit na half lang yon. "Napag utusan lang......"
-
Nakarating kami sa bahay namin ng taimtim. Inihatid pa ako ni Akeisha sa loob kaya naman tinawag ko si Jaja para humingi sa kaniya ng maiinom ni Akeisha,ngunit tumanggi na si Akeisha dahil aalis din naman siya kasi gabi narin naman daw.
Dumating si Jaja na animoy nagtataka. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay humalakhak ng pagkala lakas. Teka? Anong problema nito? "Akeisha?! Haha! Nakakatawa naman ang kasama mo! Kaganda gandang babae sobrang haba ng suot na akala mo takot masilipan-parang si...si...."
"Sasha ba kamo?" Dugtong ni Akeisha habang nakatigin sa akin. Samantalang si Jaja ay gusto ko ng sapakin dahil mauutas siya katatawa saakin. "Sinabi mo pa! Hahahaha! By the way,where is Sasha? Gabi na kasi eh,wala pa siy-arayyyy!!!"
Sa panggigigil ko ay nasabunutan ko si Jaja. Parang tanga lang kasi na hindi niya ako na kilala. Nabago lang ng konti ang istura ko tapos di niya na ako kilala? Kung ipatokhang ko kaya siya!?
Walang pagsilan ang saya ni Akeisha dahil sa tawa na kanina niya pang pinipigilan sana. "Jaja,calm down,Sasha is here."
Inilibot ni Jaja ang tingin niya sa paligid. Animoy may hinahanap na kung ano. "Saan? Kagagaling ko lang sa kwarto niya wala siya?"
Sa sobrang inis,nagwalk out ako at dumiretso sa kwarto ko. Jaja is so annoying,baka kung anong magawa ko sa kaniyang lintek siya!
"Hoy! Outsider bawal kajan sa kwarto ng bestfriend ko!" Dinig kong sigaw ni Jaja habang natatawa pa siya at yung katabi niya ay utas narin kakatawa.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at pinagmasdan muli ang sarili sa salamin? "Am i really exchange?" I asked to myself na as if namang sasagot yung nasa kabilang tao sa salamin. Pero mukha ngang nagbago ang istura ko,sobrang laki ng pinagbago ng isang Sasha Beneath Portuguez na dati ay malaalambre ang buhok at mabalbong mukha.
Hinanap ko ang phone ko sa bag ko at tinignan kung nagmessage naba ulit si mama ngunit parang wala parin talaga. iniisip ko nalang ngayon na baka busy talaga si Mama,kaya dating gawi ay nag iwan ulit ako ng messages sa kaniya.
Ibabalik ko na sana ang Phone ko sa study table ko at para magpalit nanga,nang mapansin kong may message doon na nagmula pa sa unregistered number.
'Meet me at the roof top,8am sharp!'
Inisip ko kung sino ang nagtext at pano nakuha ang number ko dahil sa pagkakaaalala ko ay wala akong ibang binigyan ng number kundi ang mga kakilala ko lang.
Dahil sa hindi ko naman kilala ang nagtext sakin ay inignore ko nalang yon. Malay ko ba baka mamaya eh modus lang pala yon tapos mapahamak pa ako...
Ibinaba ko na ang phone ko at saka dumiretso sa comfort room para maligo at magpalit na.
Hindi rin naman ako nagtagal at bumalik rin agad ako. Nakita ko si Jaja na nakaupo sa kama at hawak ang phone niya na busy'ng busy sa pinapanood niya. Marahil ay nasabi na ni akeisha na ako nga toh.
Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay biglang nagsalita si jaja. "Sasha! Look,ang panget mo dito oh!" Pinakita pa niya ang picture namin sa phone niya at tinignan ko naman yon.
Nilait lait pa ako ni Jaja na oara bang walang katapusan hanggang sa napatigil na siya at tinitigan ako ng mabuti.
"Ikaw nanga talaga yan,bagong mukha ng isang Sasha Beneath Portuguez. Ano kayang iisipin ng mga makakakita sayo bukas?"
"I think the same reaction you did. Haha"
Matapos ang laitan ay papuri naniya ang narinig ko. At hanggang sa makatulog na siya at ako na lamang ang gising saaming dalwa. Iniisip ko rin ang sinasabi ni Jaja. Ano nga kayang reaction nila bukas? Haysssss
