Chapter 26

26 1 0
                                    

Chapter 26

Sasha's Pov

Tomorrow will be the Jr's Day. Walang pasok ngayong araw kaya napagkasunduan naming magkakaibigan na practice-in ang gagawin ko para sa pageant. Dahil hindi ako pala sali sa mga pageant na ganito ay kailangan kong mag ensayo. Malas ko nga lang dahil isang araw lang ang available day ko.

"In pageant...always remember that you need to chin up" pagtuturo ni Akeisha sa akin.

"Samahan mo na rin ng matamis mong ngiti Sasha" dagdag ni Aevy habang ngumunguya ng Gummy bears na paborito niya.

"Syempre wag mo rin kakalimutan na mas maganda kung natural lang lahat diba. Although we need to practice,pero mas better kung natural lang yung datingan mo" pagdadagdag rin ni Jhajha.

Tinignan ko silang tatlo. Mula pa kasi kanina ay pagod na sila sa kakaturo sa akin. Mula sa talent portion hanggang dito sa paglalakad. Ilang inches din ng heels ang ipinasuot sa akin at halos mamaga na ang paa ko. Pinatungan rin nila ako ng libro habang naglalakad at kung ano ano pang pinagawa sa akin. Sa sobrang busy namin ay dina namin namalayan na hapon na pala.

"Finally...natapos rin tayo..." sabay sabay naming sabi nung sabay sabay rin kaming humilata sa sahig.

"Picture tayo then upload ko sa instagram"

Sumang ayon kami kay Jhajha at lahat kami na nakahilata ay nakangiti.

"Okay! Post ko na toh agad with the caption of 'haggard a sainyong paningin atleast maganda parin'

Nagtawanan kaming apat sa sinabing iyon ni Jhajha. Kung tutuusin mas excited pa silang tatlo kesa sa akin. Habang ako kabadong kabado dahil frist time kong sasabak sa ganito.

Basta matalo o manalo ang mahalaga nag enjoy ako....

Palubog na ang araw at hindi na piniling umuwi nila Aevy at Akeisha. Mag oovernight na lang daw silang dalawa dito sa bahay ko para mas malapit sa school.

Tumambay kami sa labas ng bahay kung saan maraming bermudas. Ako at si Akeisha ay nakahiga sa madamong bahagi ng labas namin habang sa tabi ko ay nandon ang dalawa ni Aevy at Jhajha na nagpapatugtog ng gitara.

"Akeisha? Why did you do that?" naisipan kong itanong kay Akeisha dahil kami ang tahimik tapos yung dalawa sa tabi namin ang ingay.

Napatawa naman si Akeisha sa tanong kong yon pero nananatili parin siyang nakatingin sa mga bituin. "Because I want it too,at kahit na hindi ako sumang-ayon kung ikakasaya niya doon narin ako."

Tinignan ko siya kahit siya ay naka-side view sa akin. Diko tuloy maiwasang di mamangha sa pointed nose niya at mahahabang pilik na lalong nagbibigay sa kaniya ng ganda kahit na medyo madilim na.

"You want it too? Ibig sabihin meron pang tao na gustong ako yung rumampa?"

This time she looked at me and she gave the sweetest smile to me. "Meron....? But hindi ko sasabihin..."

Nacurios ako don sa sagot niya. It means meron nga and sino siya? Bakit ako pa yung gusto niyang rumampa?

"Don't ask me who is it.
Hindi ko rin naman sasabihin kung sino. HAHA..."  tumayo na si Akeisha at pumunta sa kinatatayuan nila Aevy at Jhajha. Ako naman ay sumunod narin sa kanila at nakatingin parin kay Akeisha.

Kung sino man yun,siguro naman anlaki ng tiwala niya sa akin. Hayss... Sana makilala ko rin siya para matanong ko siya kung bakit ako pa...

Hind rin kami nagtagal sa labas at pumasok narin kami sa loob. Masyado na kasing malamig kaya pinili na naming pumasok sa loob.

Nahuli na akong umakyat sa taas dahil ini-lock ko pa ang pintuan at bintana.

Nang makaakyat na ako ay rinig ko na agad kahit nasa hagdan palang ako ang maiingay nilang boses na para bang may kausap sila.

"Oo! Nakakatawa nga nung part na pinapractice namin si Sasha eh,don sa talent portion niya. Halos maiyak na siya dahil hindi raw siya talaga kumakanta.HAHA" dinig kong boses yon ni Aevy

Hanggang sa makapasok ako sa kwarto at don ko nakitang ka video call pala nila Aevy sila Caile at Neiel.

"Eh si Zach nga basic sa kaniya lahat eh" Pagyayabang ni Caile mula sa kabilang linya.

"Kahambugan" Mahina kong sabi pero diko akalain na maririnig niya.

"oyy! Narinig ko yon!" sigaw niya sa kabilang linya

"I don't care..." diko na sila nagawang sulyapan pa at umupo na ako sa upuan ko sadya sa kwarto ko.

Rinig ko pa ang iba nilang pag uusap pero mas pinili ko na lang na wag makigulo dahil medyo pagod narin ako. Di rin naman nagtagal at natulog na kami dahil maaga pa kami bukas.





Third person's Pov)

"Yvette! Gawan mo yan ng paraan okay! Ako lang dapat ang pwedeng manalo sa pageant! Ako lang!" Sigaw ni Geneva sa babaeng nagngangalang Yvette.

"Pwede ba Geneva wag kangang maingay! Iniisip ko panga kung anong planong gagawin ko sa babaeng yon eh!"

Naupo sa swivel chair si Yvette habang nakatayo si Geneva. Isang tao naman ang kumatok sa pintuan at sinabihan ni Yvette na pumasok.

"Maam Yvette,nandito na lahat nung pinapahanap niyong judges para bukas. Isa sa judges bukas ay ang daddy niyo"

Inabot ni Yvette ang envelope at pumunta naman si Geneva kung nasaan si Yvette.

Nagkatinginan silang dalawa na tila ba alam na kung anong plano ang naisip nila.

"This time i'm pretty sure na I will be the one who can get the title and the crown.HAHAHA!"

Namayani sa loob ng silid ang nakakatakot na tawa. Tawa na para bang may kalakip na masama.

Kinuha ni Geneva ang bote na may laman na wine at saka iniabot kay Yvette."let's tose,para sa maaga mong pagka panalo" Nagtaasan sila ng kilay at saka itinaas ang ang basong may laman ng alak pagkatapos ay ininom.

Tumayo si Yvette at pumunta sa may bintana nila. "sasample-an lang kita bukas Sasha... Pagkatapos ay ipapatikim ko sayo ng triple ang sakit na ipinaranas ni Zach sa akin..." pabulong niyang salita na sapat na para sila lang ni Geneva ang makarinig.

"Isama mo na ang pang aagaw niya sa akin kay Zach,Yvette.." dagdag ka ni Geneva.

"Of course,basta para sayo mahal kong kaibigan..." nagtawanan muli sila at saka tumungga ulit ng alak at sabay ininom.

Lingid sa kaalaman ni Sasha na sila Yvette at Geneva ay matalik na magkaibigan. At si Geneva ang nag utos kay Yvette na saktan noong gabi na nagkaroon ng Party ang ibat ibang grupo kasama na ang grupo nila Zach.

Sa ngayon ay may masamang binabalak sila Geneva at Yvette......

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon