Chapter 34
Zach's POV
"Sir zach darating po ngayon ang da-"
Sambit ng isa sa mga katulong namin sa bahay ngunit pinutol ko na agad ang sasabihin niya ng tumingin ako sa kaniya ng masama. Kararating ko lang kasi at paakyat ako ng hagdan para magpalit sa kwarto ko.
"Aalis rin ako mamaya pag dumating siya. Pag tinanong niya sainyo kung saan ako pupunta,told him na pupunta ako kina kuy-"
"WALANG AALIS"
Boses ng isang pamilyar na boses saakin. Malaki yon at kahit diko pa siya kita ay alam kong magilas ang pagkakasabi niya. I know who is he.
I stared him na para bang hinahamon siya. Bakit pa niya ako pagbabawalan na umalis eh wala naman siyang pakialam saakin dahil puro business nalang ang inaatupag niya.
"Kasasabi ko lang hindi ba? Walang aalis dahil kailangan pa nating mag usap"
Maybe he knew it. Malamang naman na malaman agad niya ang kaso ko sa school dahil sa mga tauhan niya ron na binayaran niya para bantayan ako. Pera nalang ang mahalaga sa kaniya...
Itinuloy ko na ang paglalakad sa hagdan patungo sa kwarto ko because i don't want to hear his voice. Nakakapanibago lang kung tutuusin. Sa sobrang busy niya sa business niya wala na siyang alam saamin ni kuya at mas lalo ng isang beses lang siya sa isang taon kung magpakita saakin.
"Zachary bumaba ka agad ng makapag usap tayo" salita pa niya ngunit diko na siya pinansin pa at dumiretso nako sa taas.
Habang tumatagal lalo kong di na kilala si dad. Dahil habang tumatagal lalo siyang nagiging iba lalo na when it comes to business.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko habang diretsong nakatingin sa taas. Kung buhay kaya si mom mangyayari kaya toh saamin? Siguro hindi kasi noon naman alagang alaga niya kami,lalo na kami ni kuya. But now hindi na eh. wala naman na si mom.
Habang tumatagal ako sa pagkakahiga ko ay ramdam na ramdam ko ang antok na unti unting sumasakop saakin. Ang mga mata ko ay kusa ng pumipikit ngunit habang kumakagat ang mata ko ay mukha ni sasha ang nakikita ko. Nakangiti niyang mukha ang siyang naaaninag ko. Imbis na imulat ko ang mata ko ay hinayaan ko lang na makita ang mga nakangiting mukha ni Sasha. Pero sa ayaw at sa gusto ko ay kusa ng bumukas ang mga mata ko ng maaalala ang kanina lamang na pangyayari,and my heart suddenly broke.
'Oo!gusto ko si n-neiel...n-noon pa..'
Nasasaktan ako,hindi dahil sa sinabi niyang iyon kundi sa pakiramdam ko talo na agad ako sa kaniya kahit dipa ako umaamin sa kaniya. Talo na agad ako dahil mahal ko siya pero may gusto siyang iba at ang masakit pa don kaibigan ko pa...
Napabalikwas na lamang ako at mas piniling pumunta sa may bintana ng kwarto ko para doon ay magpahangin. I suddenly think of it,bakit kaya hindi ako natatandaan ni Sasha. Bakit kaya hindi niya nararamdaman na mahal ko siya?hays. susuko na ba ako? O aamin sa totoong nararamdaman ko? Urghhhh!fvcked this feeling. I think I'm so inlove to her....
Habang nagpapahangin ako ay nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa lang ng pants ko. Agad ko yung kinapa at tinignan kung sinong nagmessage. Si kuya archie lang pala.
'do you have free time tonight?' text niya and i reply him immediately.
'Okay. Just text me pag nasa gate kana.'
Nagmamadali akong nagpalit ng damit at kinuha ang jacket ko. Dun nalang ako magpapalipas ng gabi dahil ayokong nandito si dad.
Sinuguro ko munang wala ng tao sa baba saka ako tuluyang bumaba ng hagdan. I was on the door ng biglang nagsalita si dad. "kailangan mo pa nilabag ang sinabi ko?"
Nahinto ako saglit and i looked at him na parang naiirita. "Wala ka namang pakialam saakin kay-"
"and why do you think I'm here?" Seryoso niya paring salita saakin na sandali kong ikinatahimik.
"Kasi may kasalanan ako kaya ka nandito? HAHA! You're just kidding me, kung dahil lang jan kaya ka umuwi bumalik kana sa business mo!" Sarkastisko kong sagot sa kaniya ngunit nananatili parin ang tindig niyang magilas.
"Kailangan ka pa natutong maging basto-"
"Siguro nung mawala si mom at malugmok kayo sa putang inang business na yan!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Para saakin yung business ni dad ang tuluyang nakasira ng pamilya namin.
"Wala kang utang na loob!" Alam kong galit na si dad dahil sa tono ng boses niya. Napangiti ako sa kaniya ng nakakasura kumbaga. Dahil unang una,hindi naman kami tunay na anak ni kuya argie eh. Anak kami sa ibang lalaki ni mom. Remember? Arnaldo Cervantes ang real name ni dad. And my surname is Frisco. Anak kami ni mom kay Anthony Frisco. At business partner niya lang noon ang dad ko ngayon. Pero sabi nila mom noon at kuya,namatay si ang real dad ko mung baby paako,and that time kuya is 4years old. Nung namatay ang tunay kong dad ay pinilit ng dad ko ngayon na pakasalan siya ni mom. Ayaw ni mom ngunit ginipit ni dad si mom. Until pumayag si mom sa isang kasunduan. Hindi niya pwedeng paltan ang surname namin ni kuya argie.
"Kung hindi mo pinilit si mom na makasal sayo,baka buhay pa ngayon si mom" i said it and he punched me. hindi a ko natumba pero ramdam ko na may tumulo na kung ano sa gilid ng labi ko.
"Sa ayaw at sa gusto mo,sa london kana mag aaral at titira." I'm not shocked on what he says. Dahil alam ko naman na didiktahan niya nanaman ako ng kagustuhan niya.
"You can't do that to me. Hindi mo akp tunay na anak kaya hindi mo ako madidiktahan ng gusto mo!" I shouted to him ng mapunasan ko na ang dugo sa gilid ng labi ko.
Isang nakakakilabot na ngiti ang itinapon ni dad sa akin. "Of course i can...." Tuluyan na niya akong tinalikuran kaya naman inis akong lumabas ng bahay.
Nilakad takbo ko ang kinalalagyan ng sasakyan ko. Mabilis akong pumasok sa loob at pinaharurot ang sasakyan ko. Galit at poot lamang ang nararamdaman ko ngayon. Wala ng iba pa.
My phone is ringing but i didn't picked it up. Pinatay ko na ang phone ko at ibinato sa likod ng sasakyan. Napahinto ako saglit at napahampas sa maneho. Hindi ko maiwasang di isipin na kaya nga yon ni dad gawin. Damn!
Binuhay ko na uli ang sasakyan ko at pinaharurot yon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking sasakyan ngunit wala akong pakialam.
Panay ang overtake ko sa lahat ng sasakyan sa unahan ko. Diko alintana ang panganib na maaari kong maranasan. Basta gusto ko lang makalayo kay dad.
Sa kamamaneho ko,saglit akong huminto at diko na namalayang nasa tapat ako ng bahay nila Sasha. Ang tahimik lang sa kanila,patay ang mga ilaw maging sa kwarto nila. I stayed a long minutes. Iniimagine ko na sana sumilip manlang siya sa bintana. But it doesn't seem to happen.
Muli ko ng binuhay ang sasakyan ko at sinimulang umalis. Ngunit ng saglitin kong sulyapan muli ang bintana ay nagbukas ang ilaw ng kwarto ni Sasha. Binuksan niya ang bintana at saka nagtali ng buhok. I really love this kind of view. She looks so innocent. But i realized,what if i moved to london? What will happen now between me and sasha?
I can see her,enjoying the wind that she felt. Naisip ko tuloy kung bakit gising pa siya sa mga oras na toh gayung mag aalas dose na.
Nang balakin niyang tumingin sa baba ay nagmamadaling inistart ko ang makina at umalis na. Hindi niya pwedeng makita na nandito pa ako kaya umalis narin agad ako. And now,i don't know kung saan muna ako mag istay. I think it's better kung kina kuya argie muna ako.

BINABASA MO ANG
Searching For The Class President
Подростковая литератураSearching for The Class President