Chapter 4

40 3 0
                                    

Chapter  4 :  Transferee

Sasha's Point of View

Lumipas ang isang linggo,at unti-unting nababago ang classroom naming dati ay napaka ingay at magugulo.

Alas siyete na ngunit wala pa si Sir Tod. Ilang araw naring late si sir kung pumasok at minsan ay hindi na siya nakakapasok pa.

"Attention...to all President's,kindly go to the principal's office now" salita mula sa speaker na nakakabit sa unahan namin.

Cheneck ko ang time at halos 7:45 na.  Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko. Tahimik naman sila at siguro naman walang mangyayaring kaguluhan kung aalis muna ako saglit.

Sinugurado ko munang malinis ang room namin bago ako umalis at ng masigurado ko ay saka ako umalis.

Although hindi ko alam kung anong pagmemeetingan dahil first time ko sa ganitong sitwasyon ay pumunta parin ako.

Mula sa labas ay katahimikan lang ang siyang nananaig hanggang sa makapasok ako sa principals office.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Saka ko pinihit ang door knob nung ayos na ako sa paghinga kong iyon.

"Where is the president of the section Matterix?" Dinig kong tanong ng isang malaking boses.

halos matumba ako ng makita kung gaano kadami ang tao sa principals office. Ngunit hindi naman nakakapagtaka na nagkasya kaming lahat dito dahil sobrang lawak nito at sobra pa sa lahat ng naririto.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod para sana don nalang pumwesto ngunit napahinto rin ako ng marinig kong nagbubulungan ang mga nasa gilid ko.

"What? Siya ang president ng section ng Matterix?! What a hell!?" Girl 1

"Yes she is. Hindi konga alam king bakit pumayag si Sir Tod na maging Class president yan ng section nila e. Mukha namang paa. Hahahaha!" Nayukom ko ang kamao ko sa sobrang inis. Dahil first of all,hindi ko naman toh ginusto. Hindi ko pinili na maging presidente ng section namin.

"Hey! Are you Ms. Sasha Portuguez?" Tinig ng malaking boses kanina na naghahanap saakin

Humarap ako sa kaniya at marahang tumango. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit lahat ng titig ng mga taong naririto sa loob ay nakapukol lahat sa akin.

Iniisip ko na baka madumi ang mukha ko kaya sila nakatingin lahat saakin. Ngunit parang mali,parang hindi.

"Okay. Sit down ms. Portuguez and we will start the meeting"

Umupo nalang ako kahit nakakairita na ang mga titig nila saakin. Para silang nandidiri na makita ako dito sa loob ng principals office.

"So that's all for today. I'll hope na maireready niyo ang inyong section para sa magaganap na intrams. God bless you all."

Sabay sabay kaming tumayo at nagpaalam nadin kay Sir Argie na kaninang malaki ang boses.

"Ms. Portuguez? Pwede ba kitang makausap?" Walang ano-anong lumingon ako sa kaliwat kanan ko. Iniisip ko na ako ba?o baka mali lang ang pandinig ko?

Napatawa siya saakin dahil mukhang ako nga talaga ang tinawag niya dahil kami nalang naman ang tao sa loob. What a stupid girl sasha.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang siya ay pumunta sa table niya at ako naman ay dumiretso na sa upuan.

"How's your day?I know na first time mong umattend ng meeting na ganito? Naintindihan mo ba nam-"

"Yes i already get it s-sir." Pagpuputol ko sa sinasabi niya. Alam kong nakakabastos pero naiilang lang ako na kausap ang isa sa pinaka mataas at kilala ng lahat. So sir argie.

"Don't pressure yourself sasha. Haha" nanlaki ang mata ko. Para bang nagulat ako dahil kanina lang ay tinatawag niya ako sa surname ko at ngayon ay pangalan ko na?

"By the way,kaya kita kinakausap ngayon is for you to informed na may bago kayong kaklase...."

Iniintay ko pa ang mga salita na lalabas sa bibig ni sir argie dahil masyado siyang pasuspensed.

"And then,i wouldike you to know na he's not just an ordinary person. Kaya be careful...."

-

Tinatahak ko ang daan patungo sa room namin habang lutang na lutang ang isip. Hindi ko lubos na magets si sir argie dahil parang pinagbabantaan niya ako pinapayuhan.

Malapit na ako sa room namin ng marinig ko ang pagsisigawan sa loob noon. Minadali ko na ang paglalakad at para bang may hindi magandang nangyayari sa loob.

"Fuck! Kabago bago mo lang dito akala mo kung sino ka umasta!!" Boses ni Kairo na galit na galit.

Nag tutumpukan sila sa gitna at ang iba ko pang mga kaklase ay nasa tabi na halos at tanging grupo nila kairo ang naroroon sa gitna.

"Si President!" Sigaw ni Ceejoy na hindi kinaabalahang lingunin ako ng mga lalaki.

Masyado akong kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dahil maaari akong madamay at masaktan sa kanila.

Hindi ko na namamalayan na lumapit na pala saakin si aevy. "Baka gusto mong pigilan sila."

Diretso lang ang tingin ko sa mga nagkumpol kumpol na lalaki na para bang may pinalilibutan sila.

"Ano ba!?!! Lumayas ka jang gago ka! Upuan ko yan!!!!!!!" Aambahan na sana ng suntok nila kairo ng hindi ko mamalayang sumigaw na pala ako.

"Tigilllllllll!!!!!!!!!!!

I caught their attention especially ang nag aalab na mata ni Kairo. Sa pagkakataong ito gusto ko nalang na kainin ako ng lupa agad agad.

Papalapit na si kairo saakin na namumuyos ang kamay sa galit. Habang ako ay diko alam ang gagawin ko sa takot na tumama saakin ang kaniyang kamao.

Kaya nung papalapit na siya saakin ay diko na halos namalayan na papalapit na ang kamao niya sa mukha ko.

Sa sobrang takot ko ay napapikit nalamang ako. Sandali pa at parang tumigil ang lahat. Nanaig ang katahimikan at para bang ang lahat ay nakatingin lang saakin.

Minulat ko na ang mata ko at tama ang hinala ko. Nasaaming tatlo ang attention ng lahat. Ang akala kong tatama saaking kamao ni Cairo ay hindi natuloy dahil pinigilan siya ng isang lalaki na hindi ko kilala pero naka suot siya ng uniform ng St. cathaline academy.

Halos mapaatras ako ng maisip ko kung sino siya. "Sa susunod,saakin ka papatol hindi sa panget na kagaya niya" malamig niyang salita at wari'y itinapon ang kamay ni Kairo.

Samantalang hindi ko naman maalis sa isip ko ang sinabi niyang panget ako. Bwesit lang?! Hindi konga siya kilala tapos sasabihan niya pa akong panget? Nakakainsulto siya aahhhhh!

"Guys paparating na si Mr. Park."

Pambabasag ni Akeisha ng katahimikan. Kaya ang iba ay nag si balikan na sa kani-kanilang pwesto habang kaming tatlo ay nananatiling nakatayo parin.

Namumuyos naman sa galit si Kairo at ang walang hiyang lalaki ay nauna ng umalis sa harapan ko.

"Okay class sit down and be ready for the test" Diretsong salita ni Mr. Park.

Sabay lang kami ni Kairo na umalis at dahil galit na galit si kairo ay sinipa niya ang table sa harapan namin at diretsong umupo sa kaniyang upuan.

Gulat na gulat na tumingin si sir ngunit dikalaunan ay dina niya pinansin dahil siguro ay sanay na siya kay Kairo.

Bumalik narin ako sa upuan ko. Ngunit pag kalapit ko ay wala na akong mauupuan dahil lahat ay occupied space na.

Tinitigan ko ng masama ang lalaking diko kilala na umupo nalang basta basta sa upuan ko.

Nakatayo lang ako sa harap niya ngunit para bang hangin lang ako at wala lang sa kaniya.

"Sasha Benitez why are you standing?" Mr. Park

"Sorry sir." I said.

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon