Chapter 31

16 1 0
                                    

Chapter 31

Sasha's Pov

"Kailangan kong makausap si Mr. Frisco,Zach. Hindi lang basta paglabag sa rules ang ginawa mo,kundi nambastos kapa ng isang kilala at respetadong tao" Sabi ng Principal kay Zach.

"But Maam...urghh.... Alam niyo naman na busy'ng tao si Dad dib-"

"Kahit na anong mangyari,kailangan kong makausap ang dad mo bukas na bukas rin."

Hindi rin nagtagal ang pag uusap na yon ng principal namin at ni Zach. Pinauwi narin kami ng Principal dahil malalim na ang gabi. Hindi na itinuloy ang coronation dahil sa wala naring mga manonood dahil pinauwi na matapos ang insidenteng nangyari kanina. Tahimik lang kami sa paglalakad ni Zach habang malalim ang iniisip niya. Naisipan ko namang mag open ng topic para mabasag ang katahimikan na siyang nananaig sa aming dalawa. "Dapat pati parents ko pinatawag rin" I mumbled but he heard it.

Natigilan siya pagkatapos ay napatigil rin ako at nilingon siya. "Alam mong wala kang kasalanan diba? Kaya hindi mon-"

"I have,meron din akong kasalanan."

"Pero major offense lang naman."

Naisip ko na tama si Zach,major offense lang naman at base sa sinabi ng principal ay mas malaki parin ang kasalanan ni Zach. "Halika na nga ihahatid na kita sainyo"

Nag lakad na muli si Zach at hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay dire-diretsong naglakad. Habang naglalakad kami ay diko maiwasang di mapatingin sa kamay ko na hawak niya habang siya ay nasa unahan ko. Sinisikap kong isipin kung paanong naging ibang Zach ngayon ang dating Zach na nakilala ko. I didn't know na kaya niyang magbago. Although he had many secrets,like yung group nila treskelion group,nakakagulat parin na pakiramdam ko ay mas malapit na kami sa isa't-isa di kagaya nung una na bangayng bangayan kami.

"Aray" daing ko ng maumpog ako sa likod niya dahil huminto siya pansamantala. I felt some strange from him pagka ganitong tahimik siya. Nakakailang din masyado ang pagiging walang imik niya kung kaya't sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa kaniya. Ang akala kong mababawi ko na ay hindi parin pala,mas lalong humigpit ang kapit ni Zach sa kamay ko,at tila ba may dumadaloy dong kuryente na patungo sa puso ko.

"After this,hindi ko alam kung mapoprotektahan pa kita....pero lahat gagawin ko wag ka lang masaktan o wag lang may mangyaring masama sayo Sasha..."

I don't know why but he is serious. "A-ah ano kaba Z-zach. I can h-handle my self..."

Mas nakakagulat pa ang ginawa ni Zach ng mabilis siyang humarap sa akin. And then mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sobrang lapit niya sa akin at tanging matangos na ilong na lang niya ang nakakapag bigay hati saaming dalawa. Damn,i hate this feeling.... Nakakailang Zach!

"Promise me that whenever im not with you,you'll be safe...."

Hindi ko mawari kung bakit niya yon sinasabi dahil masyado siyang seryoso. Kaya ba ganito siya magsalita ngayon kasi Mafia yung nakalaban namin? The hell zach...

"Y-yung m-mafia ba?"

Hindi niya ako sinagot bagkus ay dumistansya siya sa akin ng kauntian. "Ang ganda mo padin kahit madilim na at kahit wala kang suot na heels at nakaapak ka lang..."

Taranta kong tinignan ang paa ko,kanina ka kaming naglalakad ni zach pero diko alintana na tapak pala akong lumabas ng campus. Inismidan ko na lang siya dahil kasi sa kaniya kung bakit nalimutan kong isuot yun paglabas namin ng heads office.

"Halika na nga!" aya niya na nauna na palang pumunta sa kinalalagyan ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan ng sasakyan niya kaya naisip ko na unti unti na niyang binabago ang unang zach na nakilala ko. At isa pa,kahit na minsan naiinis ako sa kaniya,hindi ko mapigilang isiping nagiging malapit na kami sa isa't isa. Na nagiging komportable na ako sa kaniya....


Tahimik lang ang buong biyahe at since malapit lang ang bahay ko sa school namin ay mabilis rin kaming nakarating. Pagod na pagod ako ngayon at gusto ko na talagang matulog. Hihikab hikab akong bumaba ng sasakyan ni Zach at animoy lantang gulay na lumabas.

"Thank you sa paghatid.." Sabi ko na parang walang gana. Nag lakad nako papasok pero napansin kong walang imik si Zach. "Bakit?" i asked

Imbis na sagutin niya yung tanong ko ay nginitian niya lang ako. Ano ba Zach?!anlalim na ng gabi tapos dadaanin mo ako sa ganyan mong ngiti?!

"Wala. Sige na pumasok kana sa bahay niyo at magpahinga"

Tumango na lang ako dahan dahan at naglakad na ulit papasok ng bahay namin. Nang makapasok ako ay sinara ko agad ang gate at ni-lock. Saka palang tuluyang umalis si Zach nung nakita niya na akong nakapasok ng pinto. Kahit diyes oras na ng gabi ay nagmamadali akong umakyat ng kwarto ko. Kahit na naka gown pa ako buhat kanina ay tumalon ako sa kama ko sa saya at kilig... Buti na lang at tulog na tulog na sa kabilang kama
si  jhajha kung hindi lagot ako nito sa kaniya at paniguradong tutuksuhin ka niya ako.

Habang naka dapa ako sa kama ko,lahat ng nangyari kanina ay nagflashback sa akin. Kahit na nung unang araw palang ng event na nakita ko sila zach sa booth. Yung abs.... Diko napigilan ang sarili ko at napatili ako

"Baka gusto mo munang magbihis bago ka jan kiligin." Natigilan ako sa pagpalirit at naistuck sa ginagawa ko. Nagising ko na pala si Jhajha. Hihi

"Sorry naman. Matulog kana ulit"

Imbis na natulog si Jhajha ay bumangon siya saglit at may kinuha saglit. "B-bat nasayo yan?" tanong ko ng makitang dala dala nya ang crown ng Jr's Queen. "Malamang nanalo ka,alangan naman ako. Diba ikaw ang sumali hindi ako?"

Nabato ko ng unan si Jhajha sa kapilosopohan niya. But this time hindi nag sisink in sa akin na ako ang nanalo? pumikit muna ako saglit saka nagsalita ng nagsalita. "Gisingin niyo ako,baka nananaginip ako. Gis-"

"Itigil mo nga yan sasha. Tumayo kana jan at isuot mo na tong korona para may remembrance kang naka gown at suot mo pa ito.Saka may pagsesend-an ako. Kaya bilisan mo"

Hindi na ako nagtanong pa sa kaniya at kinuha ko na ang crown sa kaniya. Ipinatong ko sa ulo ko at mabilis na nagpose ng nakangiti. Bale apat na flash lang naman ng camera ang bumulagta sa akin. Siyempre si sya nagpatalo,nakiselfie pa siya sakin.

"Oh siya magbihis kana at matulog na tayo"

Nagpunta akong cr matapos noon at nagpalit din agad ng damit. Tinagtag ko ang mga make up at kolorete ko sa mukha. Ngunit ang kwintas na suot ko ay nanatili paring nakasuot sa akin. Sa ngayon ay kailangan ko muna ng pahinga dahil pagod talaga ako maghapon. Weekends naman namin kaya makakabawi ako ng tulog.

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon