Chapter 33

16 1 0
                                    

Chapter 33

Zach's POV

"Guys. Listen okay,hindi talaga yon ginusto ni Akeisha. Wala siyang planong isabotahe yung gown ko. Kaya wag na kayong magalit sa kaniya."

Kahit na nasa kusina ako at nasa salas sila Sasha at iba pa naming kaklase ay rinig na rinig ko ang pinag uusapan nila Sasha at nang iba pa. Maybe Sasha is right and I'm wrong because i believed to Geneva. Hays. Yung babae talagang yon!

"S-sorry a-akeisha...." Sabay sabay na sabi ng mga kaklase namin.

"N-no. It's o-okay. S-Sorry too"

"Yown! Ayos na it means group hug!" Sigaw ni Sasha.

Ipinagpatuloy ko na lang pag luluto na hindi ko kariniwang ginagawa sa bahay namin dahil bukod sa wala namang mag aabalang kumain non ay may tagapag luto kami sadya sa bahay. Sayang nga lang dahil hindi pa nila dad natitikman ang luto ko.

"Nasabi mo na ba Zach kay tito?" Serysong tanong ni Caile na nasa gilid ko ay kinakagat ang apple na dinampot niya sa ref nila Sasha.

As of now i didn't tell him. I know that he wouldn't come coz he is busy. All the time and always so why should he come diba? Wala nanga siya halos pakealam sakin eh.

"Wala namang mangyayari kung sasabihin ko..."

Sasha's kitchen becomes silent. Wala ng nag abala pang umimik saamin ng sabihin ko yon. Dahil alam rin nila Caile at Neiel ang nangyayari saakin at sa buhay ko. Mayaman nga kami pero hindi naman masaya ang pamilya namin. Kayanga mas pinili ni kuya na umalis ng bahay dahil ayaw niya sa mga pinagagawa sa kaniya ni dad.

Nang matapos ko na ang niluluto ko ay pumasok na rin sa kusina sila Sasha at inahanda na ang mga pinggan at kung ano ano pa. Nagdala rin ng alak sila Caile. Mas pinili kong lumabas ng bahay nila Sasha para magpahangin ng konti. Tinapos ko lang talaga ang pagluluto para sa kanila.

Masasabi kong masaya sa bahay ni sasha kahit sila lang ng kaibigan niyang si Jhajha. Alam ko na noon nung makilala ko si Sasha nung mga bata pa kami ay nagkaroon ng kumplikasyon ang pamilya nila. Hindi nga lang siguro ako maalala ni Sasha pero okay lang naman yon ang mahalaga ay malapit na ako sa kaniya.

Pagkalabas ko sa bahay nila Sasha upang magpahangin ay naagaw agad ng aking pansin ang isang babaeng nakatayo sa may malaking puno malapit lamang sa kinatatayuan ko. Naka malong siyang black at shade na black. Nakatitig lamang siya sa bahay ni Sasha na para bang may inaantay na lumabas. Isa ko pang napansin ay nung alisin niya ang kaniyang salamin at punasan ang luha sa kaniyang mata. Pamilyar saakin ang babaeng yon....Nasambit ko saaking  sarili ng makita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. Napansin niya siguro akong nakatingin sa kaniya kaya naman nataranta siya at isinuot ng mabilis ang suot niyang shades. Akmang hahabulin ko na siya kaso tinawag ako ni Sasha. "Zach! Anjan ka lang pala. Halika na kakain na!"Diparin naaalis tingin ko sa babae hanggang sa maka alis na siya.

"Huy! Kanina pa kita tinatawag..sino bang tinitignan mo ja-ouch!"

Sinubukang tignan ni Sasha kung ano ang tinitignan ko pero gumawa ako ng paraan para hindi niya na tignan pa. Pinisil ko nalamang ang ilong niya na ikina daing naman niya. Natigilan siya matapos niyang damdamin ang sakit sa pagpisil ko dahil parang may sumagi sa isip niya.

"Bakit mo ginawa yon?" Taka niyang sabi na parang nagtataka talaga siya.

Hindi kaya may naalala siya?

"Wala namang masama na pisilin ko yang ilong mo." Inosente kong sagot sa kaniya. Nag iisip parin talaga siya at inaalala siguro kung sino yung gumagawa nun sa kaniya dati which is ako yon nubg mga bata pa kami.

"P-para ka k-kasing si a-achie..."

Bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin niya ang pangalang yon. Yun ang pangalan na pinili niyang itawag saakin nung bata pa kami. Ang saya ng nararamdam ko ngayon na para bang gusto ko siyang yakapin dahil naalala niya pa ako kahit papaano.

"Huy! Tara na nga. gutom na ako" pag aaya niya at hinatak na ako papasok ng bahay niya. Wala na akong ibang nagawa kundi ang magpahatak sa kaniya at mapangiti ng palihim.

Naabutan namin ni sasha na nagsasaya na sila sa loob. "Okay guys,let's play a game okay..?" Suhestiyon ni Jhajha Kahit wala kaming ideya sa naisip niya.

"Ano bang game yan jhajha?" Tanong ni Alexine.

Ngumisi lamang si Jhajha na para bang may binabalak na kakaiba. "Maupo muna kayo. Pabilog haaa!" Nung una ay hindi muna kami kumibo lahat ngunit isa isa kaming itinulak ni Jhajha at pinilit paupuin. Nasa tabi ko si sasha at napapagitnaan namin siya ni Neiel. Hindi ko man alam kung anong pakulo ito ni Jhajha pero kinakabahan ako.

"Yan! Susunod din naman pala eh. Bawal dito ang kj ha!"

Paalala ni Jhajha at saka kinuha ang plastic bottle at saka naupo. Nagkatinginan naman sila sasha at akeisha maging ang iba pa na para bang alam na nila ang naiisip na laro ni Jhajha.

"Truth or dare lang tayo kaya wag masyadong kj" At sinimulan na ni Jhajha na paikutin ang plastic bottle. Napatapat iyon kay Alexine kaya siya ang unang tinanong.

"Truth or Dare?" Akeisha asked

"Truth..." Napakagat pa sa labi si Alexine. Medyo nakokornihan ako sa nilalaro nila pero diko magawang makatayo dahil katabi ko si Sasha.

"Crush mo sa room?" Sabay sabay nilang tanong.

"Si M-mark.."

"ayieeeee."

" Sayang hindi nakasama si mark!" Kantyaw ng mga kasama namin.

Muling pinaikot ni Jhajha at sa pagkakataon na ito si Akeisha ang natapatan ng plastic bottle.

"Truth....." Sabi ni akeisha na parang nahihiya pa.

Sumensyas si Caile na siya na ang mag uutos kay Akeisha kaya pumayag narin sila jhajha at iba pa. Nakakainis lang sa part ko na diman lang nila ako tinatanong.

"Mahal mo pa ba si Ne...."

Naputol ang tinatanong ni Caile ng tumayo si Neiel at pumunta sa labas.

"W-wait teka... Anong mahal mo pa ba si N-neiel? Naging sila ba?" Nagtatakang tanong ng iba naming kaklase. They didn't know kasi. Hindi nila alam na may past sila Neiel at akeisha nung nasa Treskelion group palang kami.

Napansin ko ang reaksyon ni Sasha na parang hindi mapakali at parang naguguluhan.

"Y-yes. We have. Pero n-noon pa yon"
Paliwanag ni Akeisha. Napakamot na lamang ako sa buhok dahil naiinip na ako.

"Wag niyo na nga munang pansinin si Neiel." suhestyon ni Jhajha.

"Teka nga,alexine alam mo?" Tanong ni Sasha. Marahang tumango si Alexine.

"Ikaw Aevy?" Tumango rin si aevy sa tanong ni Sasha.

"Alam niyo na naging si N-neiel at Akeisha pero hindi ko manlang alam?"

Sa tonong iyon ni Sasha ay diko mapigilang di mag isip ng kung a no sa kaniya. "Teka nga sasha,bakit ba parang ang big deal sayo nung past ni Neiel at Akeisha?" Tanong ko sa kaniya pero nag iba ang awra niya.

"Stop it Zach!" Sita ni Akeisha saakin.

"Ikaw Zach...Alam mo rin?" 

Natigilan ako sa tanong na yon ni sasha. Gusto kong sabihin sa kaniya na alam ko,pero bakit ganun na lamang ang reaksyon niya? Bat nag aalala siya na hindi ko maintindihan?

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon