Chapter 14 I'm Coming
Sasha's Point of View
Diyes oras na ng gabi ngunit mulat pa ang aking mata gayundin ang aking kaisipan. Maraming tanong ang bumabalot sa isipan ko at hindi ko malaman laman ang sagot. Nung isang araw lang ay para bang nahipan ng hangin si Caile at humingi ng tawad saakin. Tapos ngayon ay naimbitahan ako ng grupo ni Zach sa magaganap raw na party sa isang kilalang lugar.
'9am bukas! Kailangan ko ang sagot mo! Okay?'
Twing naiisip ko yang palugit ni Akeisha saakin ay para akong mababaliw sa kakaisip kung sasama nga ba ako o hindi. Parang shunga lang kasi si Zach dahil ipinadaan pa niya kay Akeisha gayung alam ko na takot si Akeisha kay Zach.
"Ano ba sasha....anlikot mo naman" napatingin ako sa babaeng katabi ko sa kama. Lihim akong napangiti at mas lalo pa siyang iniswaran dahilan para mahulog siya sa kama.
"Arayyyy!" Daing ni Jaja at napahawak na lang sa kaniyang pwetan na siyang tumama sa sahig. Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa ko. Nakakatuwa kasi siyang masdan dahil mukhang antok na antok nga siya.
Ang akala kong babawian niya ako ay hindi pala. Bumalik ulit siya sa higa niya at saka nagtalukbong ng kumot. "Wag mo na akong tangkaing iswaran ng pwet mo ha. Bibigwasan kita" banta ni jaja na nakapag patawa pa lalo sa akin.
Maya maya lang ay nakatulog nanga ata si Jaja,dahil naririnig ko nanaman ang malakas niyang harok.
Saktong elevenpm na ngunit wala parin ang antok na kanina ko pang inaantay. Napagpasiyahan kong bumangon at kuhanin ang cellphone ko na nasa study table ko lamang. Magbabakasali lang ako na nagtext na si mama o kaya nag online na.
'mahal na mahal kita anak,kahit na anong mangyari'
Text ni mama saakin. Tanging yun lamang ang iniwan niyang message sa loob ng isang linggo. Icheneck ko pa ang account ko dahil baka doon ay nag iwan si mama ng message,ng un it wala parin talaga.
Bumalik na lamang ako sa pagkakahiga at inisip mabuti ang usapan namin ni akeisha. Hanggang sa maramdaman ko na ang antok at tuluyan na nitong kagatin ang buo kong katawan.
-
"Good morning St. Cathaline Academy! Good morning Philippines!" Ganado at masiglang salubong ni Jaja ng marating namin ang school. Suot niya ang uniporme namin dahil dito na siya mag aaral.
"Good morning manong Guard." Pahabol pa niyang bati sa Guard kahit na nakalampas na kami sa gate.
Bawat makakasalubong namin ay binabati ni Jaja kahit hindi naman niya kilala. Ito namang mga binabati niya,binabati narin siya kahit di nila kilala. Takaw pansin rin siya sa gmga boys sa school dahil bagay sa kaniya ang uniform namin lalo na at maiksi ang kaniyabg skirt kumpara sa suot kong naging palda na talaga.
Habang pinapanood ko si Jaja na kinakausap ang iba at binabati ay isang kamay ang humablot saakin at dinala ako sa gilid. "arayy ano ba! Bitawan mo nga ak-Neiel?"
Gulat na gulat ako ng makita si Neiel sa harapan ko. Hindi ko alam ang motibo niya ngunit parang seryoso siya.
Matagal pa kami sa ganung posisyon. Hawak niya parin ang kamay ko. Nang mapagtanto ko na masyado na yong matagal ay nailang ako kaya inagaw ko sa kaniya yon.
Dahil narin ang titig niya ay nakakailang,binaling ko sa kamay ko ang atensyon ko at nagkunwaring nasaktan sa pagkakahawak niya.
"Nakapag pasya kana ba sa nasabi sayo ni Akeisha?"
Kahit na sa kamay ko ako naka tingin ay kita ko parin ang mga mata niyang nakatingin rin saakin. Nanatili lamang akong tahimik dahil naiilang talaga ako. "Kailangan na namin ang sagot mo sasha."
Inihinto ko na ang ginagawa ko at sinalubong sita ng tingin. Naguguluhan kasi ako sa kanila. Una,bakit kay Akeisha pa nila ipinaabot ang gusto nilang sabihin,pangalawa,bakit ako pa? at pangatlo,para san ba talaga yung party?
"Teka lang ha,hindi ko kasi maintindihan e,bakit ba ako ang isasama niyo sa party na yon? E wala naman ako dong alam,saka isa pa,hindi ako sanay umattend sa mga party na yon"
Ngumisi lamang si Neiel at isinuksok ang kamay sa bulsahan ng kaniyang jeans. "don't worry,kasama naman si Akeisha,she'll guide you..but from now on,pumunta kana sa klase mo. Iniintay kana nila"
Pinasadahan ko ng tingin ang relo ko,at iniwan ko si Neiel ng makitang time na para sa first period namin.
Lakad takbo ang naganap dahil sa layo ng room namin. Buti nalang at wala pa si sir Tod kaya nakaligtas ako dahil 15 minutes late na ako.
Hindi namin naging kaklase si Jaja dahil inaayos pa ang schedule niya. Kaya naman nakakapanibago na walang madaldal at hypher akong kasama.
Habang nag aantay kami kay Sir Tod ay diko mapigilang hindi tingnan si Akeisha. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil tulala lang ito sa kawalan. Pag mula pa kanina ay tahimik lang siya at hindi makausap ng ayos.
"Puro na kayo tulala..." Bulong ni Aevy at dumiretso na sa upuan niya.
"Hindi ako tulala,yung isa lang jan." Nginuso ko pa kay Aevy ang nakatulala paring si akeisha. Kaya naman lumapit si Aevy sa harapan ni Akeisha at wari'y pumipitik pitik sa hangin. Ngunit walang epekto dahil tulala parin si Akeisha.
Kala ko ay titigilan na ni Aevy si akeisha ngunit hindi parin pala. Nagulat kaming lahat ng biglang hampasin ni aevy ang arm chair ni Akeisha at saka lang nakabalik sa wisyu si Akeisha.
Pinagmamasdan ko lang ang gagawin ni Aevy na maski yung iba ganun din ang ginagawa. "Kung nakakalunod lang ang pag iisip baka kanina kapang lunod"
Sinusubukan kong isipin kung ano ba ang posibleng iniisip ni akeisha,at kung meron man akong naisip ay yon ay yung alok niya saakin.
Walang sabi-sabing hinigit ko si Akeisha papalabas. Gulat na gulat naman siya sa ginawa ko pero kailangan kong gawin yon para mapantag na siya sa iniisip niya. Dahil thursday na ngayon at sa Saturday gaganapin ang nasabing party.
"I'm coming...." sabi ko sa kaniya na ikinagulat niya. Natahimik kasi siya saglit tapos saka lang nag sink in sa kaniya ang sinabi ko.
Ginawaran niya ako ng mahigpit na yakap. Tuwa ang nanaig saaming dalawa. "It's good to know na you'll come up with me. Thank you Sasha!"
I hugged her tight like she used to do. Bigla kong nakitang nabuhayan siya ngayon hindi kagaya na isip na isip siya.
"Tutal wala naman sila sir and the other teacher's,sumama ka muna saakin" Magko-complain pa sana ako ng bigla niya akong hatakin.
Diko man alam kung saan niya ako dadalhin ay still pumayag parin ako. I know naman na pag siya ang kasama ko,safe ako at maayos ako. Because Akeisha is Akeisha. The brave girl that i used to know.
