Chapter 32
Sasha's Pov
Masakit na sa balat ang init na tumatama sa balat ko dahil sa nakahiga parin ako kahit tanghali na pero hindi ko parin magawang bumangon at imulat ang mata ko dahil sa antok na antok pa talaga ako. But someone grabbed my sleepiness body.
"Sasha,wake up! I have something to tell you!" Her voice is excited and I know who was the owner of that voice. Kahit na panay parin ang yugyog niya saakin ay diko siya pinapakinggan bagkus ay nagtalukbong ako ng unan.
"Sasha... Nasa baba si Zach" Madali kong inalis ang talukbong na unan sa aking mukha at napatapon sa baba. Nakahiga parin naman ako pero mulat na at takang taka na lumingon kay Jhajha.
"Are you pranking me?"
Umiiling iling si Jhajha saakin so i thought that she is right. "Kasama niya ang mga kaibigan niya,and ilan sa mga kaklase natin"
Mas lalo pang nanlaki ang aking mata sa sinabing yon ni Jhajha. Kaya mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan. Ramdam kong sumunod saakin si Jhajha. At nang makababa ako ay isang hagdan na lang ang natutungtungan ko at dina nagbalak na bumaba pa ng tuluyan. I saw them,Masayang naghahampasan ngunit gamit ko ang gamit. Napansin ata nilang nasa baba ako at natigilan silang lahat at napatingin sa akin.
"Good afternoon Ms. Jr's Queen!"
animo'y nag usap usap pa sila bago ako batiin dahil sa iisa ang pagbati nila at talagang good afternoon pa talaga. "S-sasha? M-maghilamos ka muna" dali dali kong hinawakan ang mukha ko,shettt! Bat ba ako lumabas agad eh kagigising ko lang? Nakakahiya.....
"Maganda parin naman si Sasha kahit bagong gising." Sabi ng isang lalaki na naka apron nung lumabas at galing sa kusina.
"Ahm.ahm." Nagmistulang inuubo silang lahat.
"Kayo nanga ba talaga?" Pambabasag ni Aevy na nandito rin pala. nahihiya akong napatingin sa kaniya pagkatapoz ay kay Zach.
"Hindi!" Sabay naming sabi ni Zach kaya nag gulat kami pareho.
"Haynako guys...iakyat ko na muna tong si Sasha para makapag handa naman ng sarili." Muling sabat ni Jhajha at hinawakan ang magkabila kong balikat at nagsimulang itulak ako pataas.
Nang makarating kami sa kwarto ko ay dumiretso ako sa cr. "Ipaglalabas na kita ng damit" Sabi ni jaja at nagthank you naman ako.
Iniisip ko palang na andami namin sa bahay ay masaya na ako. Feeling ko kasi ang saya ng bahay pag maraming tao eh. Dati kasi kahit kami lang tatlo nila papa at mama masaya na,pero nung naiwan akong mag isa sa bahay tapos bihira na lang ang maraming tao ay nakakapanibago.
Speaking of mama at papa,Wala na akong naging balita sa kanila lalo na kay mama. Isang bwan na ata siyang dinag paparamdam sakin at wala ni isang tawag o chat manlang. Palagi ko nalang iniisip na busy lang si mama pero feeling ko hindi siya basta busy lang. Dahil kung busy kasi talaga siya,mag iiwan siya saakin ng message at sasabihing wag akong mag alala kasi busy lang siya. Ngayon kasi wala eh,ni isang chat o message manlang.
Hindi rin ako nagtagal sa cr at lumabas narin ako matapos kong maayos ang sarili ko. Ngumiti muna ako sa salamin bago tuluyang lumabas ng cr. Naka denim short lang ako at maroon na T-shirt. Wala na sa kwarto ko si Jhajha kaya malamang ay bumaba na yon. Unti unti ko namang naaamoy ang pagkaing niluluto nila Zach sa kusina. Hindi kona natiis at bumaba na ako matapos kong magsuklay. Nasa hagdan palang ako ay natigilan na ako ng marinig kong nagpapalitan na ang ilan sa kanila ng salita at narinig ko pa ang boses ni Akeisha.
"Pwede ba Akeisha?! Sa kapatid mo na mismo nanggaling na sinabotahe mo yung gown ni Sasha!" Galit na galit ang boses ni Alexine.
"Hindi yon totoo.." boses ni Akeisha na sobrang lungkot.
"Umalis kana Akeisha. Hindi kana nahiya?! Pumunta ka pa talaga dito,sa bahay mismo ng sinabotahe m-" pagtataboy ni Alexine kay Akeisha.
"Ilang beses ko ba sainyong lahat sasabihing hindi ko yon sinabotahe o ginusto na masunog yung gown ni Sasha ha?! Intindihin niyo muna ang side ko bago niyo ako sabihan ng kung ano ano lalo pa't hindi naman totoo"
Natahimik bigla ang lahat. Tila ba inaantay pa nila na isa sa kanila ang magsalita muli. Pero wala,kaya bumaba na ako ng tuluyan pero nag uumpisa na si akeisha na umalis so i stopped her.
"Sandali lang!" Natigilan si Akeisha ngunit saglit lang dahil nakita kong pinunas niya lang ang luha niya at umalis na ulit siya kaya hinabol ko siya hanggang sa labas.
"Akeisha!" I shouted her name kahit malapit naman siya saakin. Tuluyan na siyang huminto at don ko nakitang umiiyak na siya.
"You don't have to leave....just stay here"
"Para ano pa?! Para pagbintangan nila ako sa akusa ng kapatid k-"
"Alam ko ang totoo akeisha...." Pagpuputol ko sa sinasabi niya. Feeling ko nung sandaling sinabi yon ni Geneva ay kinukuha niya lang ang atensyon ng mga kaibigan ko para ang magmukhang masama ay si Akeisha. Alam ko rin na hindi yon magagawa saakin ni akeisha.
"Alam kong aksidente mong nasunog yung gown...kaya hindi ako naniniwala sa kapatid mo"
"Eh kung alam mo...bakit hindi mo sa kanila sinabi at inexplain? Bakit hindi moko sinundan para pabilikin?"
"Akeisha,susundan sana kita. Pero nag time naman na at ipinatawag na ang mga candidates. Sorry akeisha..." Napayuko na lang ako sa hiya. Siguro kung dipa noon kami tinawag na mga candidates sana nasundan ko si Akeisha. Sana hindi na kami nagkakaganito dahil magkakaibigan kami at para ng pamilya.
Nakaramdam na lamang ako ng yakap at saka tinignan siya sa mukha. "I'm sorry din Sasha...thank you for believing me... I'm so thankful to have a best friend like you...."
Napatawa kami sabay ni akeisha knowing that we are now okay. And it's time for me to explain to them na Mali ang iniisip na nila tungkol kay akeisha.
