Chapter 21
Sasha's Pov
Naglalakad ako patungo sa aking silid aralan ngunit pakiramdam ko ay ang iilap ng tingin ng bawat isa saakin. Hindi ko kasabay si Jhajha ngayon dahil dumiretso siya sa library para magsearch ng kaniyang projects.
Hindi ko mawari kung ako ba ay may dumi sa mukha o ano ba dahil sa mga tingin nila saakin. Binilisan ko pa ng konti ang aking paglalakad at imbis na sa room ko tumuloy ay nagpunta ako sa locker ko at di pinansin ang tingin nila sakin.
"Have you heard the story about last night party in Eastern mansion?" girl 1
"Yeah,i already heard. Balita ko nga eh si Sasha na pala at si Zach eh. What a flirty girl!" girl 2
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napahinto ako at tahimik na nakikinig sa dalwang babaeng magkausap at kami ni Zach ang pinag uusapan. Ano bang sinasabi nilang kami na ni Zach? Bakit ba parang andaming nangyari kagabi at hindi ko maalala?
"Speaking of the flirty girl,she's here." salita muli nung babae nung mapansin na nakatayo ako malapit sa kanila.
I didn't know them but i guess they are my batchmates. "Anong ginawa mo para landiin ang isang Zachary Frisco?"
"Landiin?Wala akong alam sa sinasab-"
"Liar! Malandi kanaman talaga kahit nung una palang hindi ba?"
Sa inis ko ay nilampasan ko na lamang sila ngunit isang kamay ang humablot sa aking braso dahilan para mapangiwi ako dahil malapit yon sa may sugat ko.
"Sasha Beneath Benitez Portuguez. Maaaring pangalan lang niya ang alam niyo at hindi ang buo niyang pagkatao. Kaya wag niyo siyang husgahan ng hindi naman totoo."
Tiningnan kong mabuti ang lalaling nagsalita at lalaking pumigil sakin s paglampas sa dalwang babaeng pinag uusapan ako. Si neiel pala,pero bakit niya toh ginawa?bakit niya ako pinagtanggol sa mga babaeng inaakusahan ako?
"Pero maland-"
"Uulitin ko,pangalan lang ni Sasha ang nalalaman mo sa kaniya. Hindi ang buo niyang pagkatao. Umalis ka sa harapan namin ngayon na."
Malamig man na boses yon mula kay neiel pero alam kong nakakatakot yon.
Mabilis na umalis ang dalwang babae kaya nakahinga na ako ng maluwag. Bakit ba kasi ang gagaling mga taong manghusga kahit na pangalan lang naman ang alam nila sa isang tao?
"Are you okay?" neiel asked.
Tumango lamang ako sa kaniya at nag umpisa na ulit maglakad papuntang locker,sinabayan niya naman ako na marahil ay may kukunin rin sa locker niya.
Naging tahimik saglit hanggang sa makarating kami sa locker,pagkabukas ko palang ng locker ko ay nasip ko yubg party kagabi kaya pinili kong magtanong kay Neiel.
"Uhmmm,n-neiel? Can i ask a question?"
"Sige lang..."
Suminghap ako ng konti at hinarap siya habang siya ay seryosong nakikikinig at naglalagay ng notebook sa locker niya. "About sa party kagabi....ano ba talagang nangyari?"
Tila ba nag alinlangan pa si neiel nung matanong ko yon. Posible kayang alam niya? "Yung kagabi?Hindi ko rin alam eh,maaga kasi ako nung umalis dahil tumawag si mom."
Ang akala ko ay makakakuha na ako ng impormasyon mula sa kaniya ngunit hindi rin naman pala. Isa nalang ang pag-asa ko at yun ay si Akeisha. Siya lang ang maaaring may nalalaman tungkol sa nangyari kagabi.
"pero yung text ko kagab-"
"Sasha sorry,but i have to go. May usapan kami ngayon nila Zach at Caile na magkikita-kita sa canteen eh."