Chapter 11 Last Consequences
Sasha's Point of view
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng malaman ko ang pangalan ng grupo nila Zach,at isang linggo na rin nila akong di tinatantanan.
"Ts. Buti nga sa kaniya,masyado kasi siyang inutil" i heard someone murmuring.
Kasalukuyan kong tinatahak ang patungo sa locker ko. Iiwanan ko kasi muna ang mga notes ko dahil wala kami ngayong masyadong klase.
"Sasha!" Tawag sa pangalan ko ng sinuman. Nilingon ko agad yon at hinanap kung tumatawag saakin.
Lumawak ang ngiti sa labi ko ng makita kong sino yon. Naka suot siya ng dress na yellow na binagayan ng makinis niyang kutis at maputi niyang balat. Nakasuot rin siya ng pointed hills kaya nagmukha siyang matangkad dahil ang tunay ay pambata ang height niya. Charot lang. Haha
"Jaja? Ikaw ba yan? T-teka nga,paanong..."
Imbis na magsalita siya ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Gaga! Ako nga,ano ka ba."
Pinisil pisil ko siya dahil akala ko ay nananaginip lang ako,but I'm wrong. This is true,Jaja is already here.
Ipinagpaliban ko na muna ang pag punta ko sa locker at dumiretso sa cafeteria ng school namin kasama si Jaja.
"How's your schooling here at St. Cathaline Academy?" Tanong ni jaja saakin pagkatapos niyang sumimsim ng kaniyang inorder na coffee.
Suminghap lang ako ng konti saka binigyan siya ng sagot. "Not good...nor bad?"
Hindi ko din naman kasi talaga alam. Hindi ko alam kung masaya ba ako ngayon sa nangyayari sa buhay ko. Pero dati naman ay masaya eh,dumating lang yung lalaking yon!
"Haha. Ano ka ba naman Sasha Beneath Portuguez! Look at yourself,hindi ka parin nagbabago. Matigas parin yang buhok mong malaalambre tapos yang suot mong-ay basta..." Sinulyapan ko ang aking suot,sa palagay ko ay ayos lang naman ah. Wala namang problema dahil naka proper uniform naman ako?
"Ano namang problema sa suot ko iha? Sa pagkakaalam ko nakasuot naman ako ng proper uniform?"
Jaja laughs so loudly like she is the only one who here in this cafeteria. Sometimes,i wonder how is she crazy. Hayyyy... Diko tuloy alam kung paanong nakilala ko ang babaeng ito.
"I know naman na nakasuot ka ng proper uniform sasha,but.... Alam mong ang tamang uniform niyo ay kagaya non?" And then she pointed her hands to the students that wearing a skirt and the plain white checkered with the color red necktied.
"Mangyan kasi yan." Sa dinaasahang pagkakataon ay nagpantig ang tainga ko lalo na ng malaman ko kung kaninong boses yon.
"Ikaw?!"
"Opsss sasha wait! Who is he? Isn't it your boyfie-ouch!" Mabilis ko si Jaja'ng hinampas kahit na medyo malayo siya ng konti.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at galit na hinarap si Zach at ang grupo niya kasama si Neiel.
"Ano bang problema mo ha?! Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?!" I shouted out to him but he seems like he doesn't care on what I'm saying about.
"Naks,may chics ka palang kasama. Hi miss,would you mind if I'll join you?" Akmang lalapit na ang ang isa sa mga kasamahan ni Zach nang makapunta ako sa harap ni Jaja at hinarangan ang lalaki.
"Wag! Wag kang lalapit sa k-kaibigan ko!"
Ang akala kong susundin niya ay hindi pala dahil lalo pa siyang lumapit sa amin. Tapos si jaja naman mukhang natutuwa pa sa nangyayari. What a stupid girl!
