Chapter 16

26 0 0
                                    

Chapter 16  Zach and Sasha

Sasha's Point of view

"Woahhhh. Pre chix oh!"

"Shet! Transferee ba siya?"

"Mukhang bago lang siya dito sa school ah?"

"Dude! Tignan mo oh,may bagong Mukha sa St. Cathaline Academy"

Habang naglalakad kami ay naiilang ako sa suot kong mini skirt. Ang iksi kasi niya-malamang mini nga eh! Commonsense self!

"Tigil-tigilan mo nga yan sasha! Ako ang nahihirapan sayo eh!"

Saway ni Jaja saakin dahil maya't maya ko na ay hinigit pababa ang suot kong skirt. "Hayaan mo yan Jaja,mahuhubadan din yan sa gianagawa niya." Dagdag pa ni Akeisha.

Nakakapanibago lang dahil sa atensyon na ibinibigay ng lahat saakin. Kahit na malayo ako sa kanila,twing titignan ko sila ay alam kong ako ang pinag uusapan nila.

We're going to our room ng makasalubong namin ang grupo nila Zach kasama si Neiel. Iniintay kong tingnan ako ni Neiel o sulyapan man lang ngunit walang naganap na sulyapan,at tanging ang mga kasama niya lang ang nakapansin saakin.

"Arayyy!"

Sa isang iglap lang ay nagkabanggaan kami. Pano ba naman,ako nakatingin kay neiel tapos siya tinging tingin saakin.

"Maganda na sana,duling nga lang" Zach

"Hindi nanga pogi,mayabang pa!" Bawi ko sa kaniya.

Nainis lalo siya saakin kaya naglakad na siya papalayo. Haha siya itong pikon at kalahati eh! Bwahahahaha! Nice one Sasha!

Maglalakad na sana ako muli dahil nauna na sila Akeisha at Jaja ng matigilan ako. Napansin ko lang na umalis na si Zach,na hindi manlang gumanti saakin. Hindi kaya hindi niya ako nakilala? No! Hindi maaari! Nagawa pa nga niya akong asarin diba??

"Wag mong kaisipin si Zach,makakasama mo rin naman siya bukas..." Imik ni Akeisha na naging dahilan para maibalik ko ang wisyu ko. Ngunit ng sabihin yon ni Akeisha ay parang nag pintig ang puso ko,este ang tainga ko! Harot mo kasi Sasha!

"Che! As if namang iniisip ko ang kupal nayon!"pagmamaktol ko at nauna ng pumasok sa room namin.

At ang tingin ng mga kaklase ko ay katulad din ng tingin ng iba. Marahil ay hindi nga agad ako nila nakilala.

"Akeisha? May bago tayong kaklase? Wait?where is Sasha?" Bungad na tanong ni Aevy ng makalapit kay akeisha at jaja. "Teka?Jaja? Dito kana rin sa section Matterix?"dagdag na tanong ni Aevy.

Dumiretso na lamang ako sa upuan ko at agad na kinuha ang notes ko sa bag. Kailangan ko panga palang icheck yung mga formulas kung tama nga ba dahil malaking kawalan toh kung magkakaroon ako ng mali kahit isa.

"Si Sasha ba yon?" Boses ni Alexine.

"Ha? Paanong...parang si Presi nga" boses ng kausap ni Alexine.

"Okay class,go back to your proper seat now" dirediretsong bigkas ni Sir Tod ng makapasok sa pintuan ng room namin. Kasabay noon sila Zach at Neiel na pumasok rin at dumeretso na agad sa upuan nila.

"Before i start my lesson for today...where is Sasha?" sir Today asked

I raised my hand proven that I'm present. I expect that,Sir Tod wouldn't know me but I guess I'm wrong. He gave me a smile and he continue what he's talking about.

Akala ko ligtas na ako sa mga tanong ngunit hindi pa rin pala.

"Si Sasha nga pala talaga yan."

"Oonga! Ang ganda na niya ngayon. Ibang iba na siya sa dating siya"

"Quiet!" Saway no Sir sa nag uusap na kaklase ko. Ewan ko banaman sa kanila kung bakit big deal sa kanila ang transformation ko.

Nilingon ko na lamang si Akeisha at binigyan niya lang ako ng ngiti,habang si Aevy naman ay seryosong nakikinig kay Sir Tod at maging si Jaja. ammm,by the way si Jaja ay officially section Matterix na. Naayos na ang schedule niya at mga other documents at itinalaga siya sa section namin. Kaya naman masaya kami dahil magkakasama kaming apat!

-

Nang matapos ang klase namin ay napagdesisyunan naming apat na pumunta sa rooftop at doon magpahangin. Ngunit hindi ko matiis ang palda ko na maiksi kaya nagpaalam ako sa kanilang pupunta saglit sa locker at mag iiwan ng ilang notebook doon kahit na ang motibo ko naman talaga ay magpalit ng suot na palda.

Wala akong sinayang na oras at dumiretso agad ako sa locker room at binuksan yon. Gulat akong napahawak pa sa bibig ng mapansing may isang paper bag doon na katamtaman ang laki para magkasya sa locker ko,dinampot ko yon at tinignan kung ano.

Black cocktail dress?

Nagpalinga linga ako dahil baka nandito pa ang nagdala neto ngunit mukhang nakaalis na. Nakakapagtaka lang kung paano niya na buksan yung locker ko gayung ang susi neto ay isa saakin at isa sa school.

Napansin kong may sticky note na nakakapit sa may paper bag kaya kinuha ko yon at binasa.

'I'll pick up you in your house tomorrow at 7pm so wear this.

-Zach'

Zach? B-bakit? Kaya ko naman bumili ng isusuot para sa party ah? Tsaka bakit black? Baliw ba siya? andami daming kulay na maayos e...

Nagvibrate ang phone ko kaya kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang phone ko. 35 missed calls and 20 messages from unknown number.

Sa pagkakatanda ko ay ang number na yon ang siyang nagtext saakin kagabi. Chineck ko ang wrist watch ko at doon ko nakitang 9am na sakto. At ang sabi sa text saakin ng di kilalang number ay 8am sharp ay kailangan namin magkita sa roof top.

I immediately checked the messages and the missed calls,and i knew it! Si Zach yon! Urghhhhh! That boyyyy! He's so annoying! Saan niya nakuha ang number ko?! Humanda siya saakin!

Nag ring muli ang phone ko hudyat na may tumatawag saakin,number ni Zach ang bumungad sa screen ko."nat-"

"You! To whom you picked up my number?! Atsaka hindi pa ako naghihirap para lang gastusan ako ng iba!Kaya ko pang bumili ng mamahalin-"

"Cut that words Gaga! Ano ka ba?! Bakit ba sumisigaw ka jan ha?! I bought that for you,to make you more elegant for tomorrow."

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. He wants me to became more elegant for tomorrow?For what? Teka...bakit parang kinabahan ako about sa party na yon? Bigatin ba ang bisita?

"Listen Sasha,i know that in the first place,hindi tayo close...kaya malamang magkakailangan tayo bukas...pero....urghhhhh! Ang hirap sabihin-pero sana naman umakto ka bukas na Girlfriend kit-"

Enend ko yung call,dahil nagulat ako bigla sa sinabing iyon ni Zach,he wanted me to act like we're couple?that I'm her girlfriend? Crapppp! Oh holy crapppp! Baliw nanga talaga siya!!! Urghhhhh! Makapunta nanga lang kina Akeisha.

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon