Chapter 29

16 3 0
                                    

Chapter 29

Sasha's Pov

Hindi ako naniniwalang nagawa no Akeisha na isabotahe ang gown na mismong sila ang pumili. Hindi ako naniniwala sa sinabi ng magaling niyang kapatid...

I felt really sad when Zach shouted her and says that she need to leave this room. Gusto ko man siyang habulin sa labas ngunit ang pageant ay magsisimula na.

"I think mas maganda kong punitin na natin tong part na nasunog and then lagyan na lang natin ng konting design para hindi halatang nasunog..." suhestiyon ni Jhajha habang ako ay tulala parin sa nangyari kay Akeisha.

Naramdaman ko na lang na unti unti nilang ginugupit ang suot ko at nang maramdaman kong medyo malamig na ang nasa part ng tagiliran ko ay napatingin ako sa kanilang ginagawa.

"Wag kang malikot Sasha..." Salita ni Aevy habang hawak ang nasa may part na tagiliran ko.

"Aalisin na lang namin tong sunog dito sa part na toh at lalagyan din namin sa kabila para bumagay." paliwanag ni Jhajha sa akin habang tuloy parin sa paggugupit.

6:30 pm na at exactly 7pm ay mag istart na ang pageant. Kaya doble doble ang galawa namin ngayon lalo pa't nasunog nga ang gown ko. Napili nila Akeisha at Aevy na kulay ng gown ko ay Red para raw mas bumagay sa maputi kong balat. Sila ang nag-design neto at ipinasadya lang namin sa kakilala naming mananahi. Kaya nga ako nagtataka sa kanila kung bakit sila naniwala kay Geneva na sinabotahe ng ate niya yung gown na mismong ate niya ang pumili.

"Yan! Okay na!"

"Wow! Kitang kita ang mala coca-cola mong katawan Sasha!"

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Parang ito lang ako nung unang sinamahan ako nila Akeisha at Aevy na ipaayos ang magulo kong buhok;magulo kong mukha. Ibang tao na nga ang nasa harapan ng salamin but still eto parin talaga ako. Nabago man ng pansamantala ang itsura ko,hindi ko babaguhin ang ugali ko. Dahil ako ay ako....

"Guys! Nagtatawagan na ng candidates! Sasha mag line up na kayo ni zach!" sigaw ni Alexine saamin.

Dahan dahan akong naglakad dahil medyo mahaba ang gown ko. Tapos ang hills ko mahaba rin. Takot ko nalamang pag natapilok ako.

Sa haba haba ng naganap kanina ay ngayon lang ako kinabahan. Pakiramdam ko ay maraming manonood. "Please welcome candidate number 5!" Salita sa stage ng announcer. Sunod na kami ng candidate number 5 kaya nag handa na ako kahit medyo malamig na ang kamay ko sa nerbyos.

Kamay naman ng isang tao ang naramdaman kong lumapat sa kanang kamay ko. And it gave me strength....

"And the next candidate...please welcome,Candidate number 6!

Huminga muna ako ng malalim at saka naglakad paakyat ng stage. Kahit na nerbyus na ang halos sumakop sa akin ay inaalala ko na lamang lahat ng itinuro sa akin nila Akeisha at ng iba kong kaibigan.

Syempre hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Zach sa akin bago ako tuluyang umalis. "You can do it Sasha!"

Maraming umaasa sa akin at maraming nakasalalay sa pageant na ito. Isa na nga don ay yung sakripisyo ng buong section namin. Puyat,pagod,kaya walang dahilan para umatras ako sa laban na ito.

Pagka akyat ko pa lamang ng stage ay bumulagta naagad sa akin ang napaka raming tao at halos mamayani sa paligid ang ingay. "Wow,napaka dami mo namang fans candidate number 6. So what are you waiting..."

Alam ko na ang sunod kong gagawin pagkatapos magsalita ng mcee namin. Suminghap muna ako saka nagsalita. nagsitahimik naman sila saglit at pinakinggan talaga akong mabuti.

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon