Chapter 10 The mysterious Group
Sasha's point of view
'Treskelion Group?'
Mula pa kanina at kagabi ay iniisip ko ang salitang iyan. Yan nga pala ang nasabing grupo nila Zach at Neiel.
Doble doble na ang takot na nararamdaman ko. Una ay nang kalabanin ko si Zach at pangalawa ay nung magkasagutan kami kanina at ang pinaka malala sa lahat ay ang nalaman kong pangalan ng grupo nila.
Napag alaman ko rin na si Zach ay kilala talaga sa buong school at maging kahit saan. Hindi ko lang talaga siya kilala kasi ako na lang ang dinakakakilala sa kaniya.
Patungo ako sa roof top para magpahangin saglit pero may mga boses akong naririnig mula sa kabilang pinto kaya minabuti kong pakinggan yon.
"S-sorry Mr. Z-zachary..it was an accident,i didn't want to heard what are they talking about..." Isang tinig na puno ng takot mula sa kabilang pinto.
"Haha! Sorry? Hindi kami tanga para hindi malamang isa kang spiya mula sa kabilang grupo?"
Base sa boses niya at sa nabanggit nilang pangalan ay involved si Zach kaya malamang ay kasama niya ang nasabing Treskelion group. Peri bakit? Bakit may isang tinig na kakaiba?
Lumapit pa ako ng konti sa pinto para marinig ulit yon. "N-nagkakamali kayo! H-hindi ako isang spiy-"
"Fucked up! Fuck those words! bago ka pa makagawa ng paraan para tirahin kami patalikod,alam na namin kung sino ka. Zandrew Delfin..."
Since nakakawang ang pintuan at may butas yon na maliit ay sinubukan kong silipin ang mga naroroon at kung ano ang nagaganap.
Nakita ko ang paglapit ni Zach sa lalaking putok na ang nguso at mukhang napag sasaan na ng suntok. Nananatiling kalmado si zach at nakasuot pa sa ang kamay s bulsahan ng kaniyang suot na pantalon.
Napalunok ako ng malamlim ng tapunan ni Zach ng malakas na suntok ang lalaki na siguro ay si Zandrew. Nailagay ko pa ang kamay ko sa bibig ko dahil nakailang suntok si Zach kay zandrew.
"Gago ka pala eh! Hinding hindi mo ako malilinlang Zandrew! Kapatid ka ni Dale kaya alam kong pumunta ka lang dito para mag spiya o patayin ako" sigaw ni Zach sa pagod na pagod at mukhang nasasaktan na si Zandrew.
Ang akala kong mag mamakaawa na itigil na yon na si Zandrew ay gumawa pa ng paraan para mainsulto si zach. "Okay fine. Tutal alam niyo narin naman pala eh,so congrats! You're the winner,but... i don't think so. Isa lang namang pipitsuging grupo ang mer-"
Napaatras ako ng konti ng makita kong hambalusin ng tubo si Zandrew ng kasamahan nila Zach. Maigi na lamang at hindi ako nakalikha ng ingay para mapansin nila dahil nanatili parin sila sa kanilang pwesto.
"I wonder if our group is so cheap. Dahil parang nabaliktad ata ang sinasabi mo. Do you think na ang grupo niyo ng kuya niyo ang malakas? Then why you should do to spy to us?" maangas na saad ni Zach habang hawak hawak ang kwelyo ni zandrew.
Naglabas ng matulis na bagay si Zach kaya natakot ako sa maaaring gawin niya sa lalaki. "Treskelion group is not cheap,nor weak. Hindi mo lang taaga siguro alam na ang grupo niyo ang pinaka mahina sa lahat kaya kayo ang palaging talunan sa huli. Remember this,Hindi ko papangalan ang grupo namin ng TresKILeon kung wala pa akong napapatay na kalaban. You should remember that"
Ibig sabihin nakapatay na ng tao si Zach? Teka? Pero si neiel ay kagrupo nila pero bakit parang wala si neiel? Nakapatay narin ba si neiel?
"Urghhhhhhh" sa sigaw na iyon at daing ay natakot ako at hindi na alam ang gagawin. Maaaring napatay na ni Zach ang lalaking yon. At king mananatili pa ako rito ako naman ang susunod. Pero bakit di ako makaalis sa kinatatayuan ko?
'kring...kring....'
Nataranta kong hinanap ang phone ko. Bwesit hindi malayong marinig nila ang ringtone ng phone ko. Myghad help me! "Zach may tao ata!"
Mas lalo pa akong nataranta at dina alam ang gagawin pa. Hindi ko mahanap ang phone ko na nasa bag ko lang.
Naramdaman ko naring may palabas na sa pintuan,ngunit kasabay noon ang paghigit saakin ng isang kamay na diko kilala......
-
Nakakapagod buong maghapon. Nakakatuliro ang mga pangyayaring naganap at nasaksihan ko....
Pagkauwi na pagkauwi ko galing sa school ay sa bahay na ako dumiretso. Lutang na lutang ako at iniisip ang mga pangyayari kanina lang.
Dinampot ko ang laptop ko sa study table ko at binuksan iyon. Doon ko lang nakita ang mga message ni mama.
'Sasha anak...I miss you. I want to see you now. Kamusta kana jan? Video call naman tayo minsan'
I felt so bad for that. Kahapon pa pala ni mama yung chat at ngayon ko lang nakita.
Madali kong hinanap sa phone ko ang number ni mama at tinawagan ko siya. "The number you have dialed is now unattended. Please try again later"
Nakailang tawag naako ngunit paulit ulit lang din ang sinasabi ng operator kaya nag iwan nalang ako ng message kay mama. Mukhang may problema kasi si mama kaya siguro ganun siya......
Inaantay ko ang pag oonline ni mama ngunit wala pa din,so i decided to go on the kitchen para kumuha ng gatas na maiinom ko.
Nasa part na ako ng hagdan ng bigla kong maalala ang mga happy memories namin kasama si mama dito noon sa bahay.
"Ano ba Sasha,you're strong,wag kang iiyak okay. Okay lang ang mama mo kaya don't think to much" pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko.
Hindi rin naman nagtagal at umakyat rin ako. Pagkarating ko ay binuksan ko ulit ang laptop pero offline parin si mama.
Inalis ko nalang ang laptop at pinatong yon sa study table ko. Alas diyes narin ng gabi ngunit hindi pa ako dinadalaw ng antok.
Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko ngunit naaninag ko ang mukha ni neiel. Naaaninag ko ang ginawa niya kaninang pagsagip sa akin.....
Flashback
"Don't move or else malalaman nilang nandito tayo." Pabulong na sabi ni Neiel habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko at wariy nakayakap sakin.
"Zach,Wala na siya. Maaaring nakatakas na y-"
"No! Hindi pwede! Hanapin niyo siya at dalhin saakin!" Boses ni Zach na galit na galit.
Narinig ko na lamang ang mga yabag na papalayo na at siguroy ang naiwan nalang don ay si Zach at si Caile.
"What should we do if we didn't find who is it?"
Pagtatanong ni Caile.
Dinig ko naman ang pagsinghap ni Zach kahit na hindi ko siya kita. "Hindi pwedeng hindi natin siya mahanap. Alam kong narinig niya ang pinag usapan natin"
Oo. tama naman siya. Narinig ko hindi man lahat....
"Hayaan na lang muna natin sila Jeremy and maghanap. Tara na"
Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman kong papalayo na sila. Kasabay noon ang pag alis ng kamay ni Neiel sa bibig ko at pag layo ko sa kaniya dahil sa hiya.
"Umuwi kana sainyo. Dito ka dumaan sa kabila para dika mapansin nila zach. Susundan ko sila at susubukang aliwin." Neiel said
Tulala lang ako kay neiel. Why he is nice to me? Why is he saved me?
"Ano ba sasha,umuwi kana. Hindi ka ligtas dito ngayon." muli niyang salita.
Natameme na ako dahil na siguro sa kilig. Ay nako sasha naman,nagawa pang kumire sa gitna ng panganib.
Tumalikod na si Neiel sakin pero tinawag ko parin siya sa boses na kami lang ang makakarinig.
"Neiel...."
"T-thank you for s-saving me......."
