Chapter 28
Akeisha's Pov
Matapos kong isuot kay Sasha ang kwintas na ipinabigay sa akin ng isang lalaking dahilan kung bakit ako umiiyak ay nagpaalam na muna ako kay Sasha na aasikasuhin ko yung isusuot niyang gown.
Habang naglalakad ako papunta sa studio kung saan nandun ang mga gown at ibang candidates ay iniisip ko si Neiel. Iniisip ko kung paano niya yon naiihandle kung gayong alam niyang may gusto si Zach kay Sasha. At unti unti ng nahuhulog si Sasha...?
Para sa akin,ako ang nasasaktan para kay Neiel. Gusto niya si Sasha at hindi ako tanga para hindi yon malaman. Pero how about me? Gusto ko parin hanggang ngayon si Neiel...mahal ko parin hanggang ngayon si Neiel...
"Aray" daing ko ng maramdaman kong napabangga ako sa isang lalaki.
"Akeisha?"
"Neiel?"
Myghaddd! Pag ba naman sinuswerte talaga ako ngayon oh!
"I-i'm s-sorry.. Hindi ko s-sinasadya.." paghingi ko ng permiso pero natawa lang siya.
"B-bakit?" i asked him
"Wala,parang kakaiba ka ngayon. Okay ka lang ba?"
Damn! I hate this concept! Gusto niya si Sasha pero ako ang tinatanong niya kung okay lang ako? Oh baka naman namimiss interpret ko lang? Urghhh
"Oo. O-okay lang naman a-ako"
"But you look paled."
Haa? Namumutla ba ako? Bakit? Myghadddd. Akeisha anong nangyayari sayo?
"Mauna na ako Neiel aasikasuhin ko ka mga isusuot ni Sasha" paalam ko sa kaniya.
Akala ko ay pumayag na siyang umalis ako pero nung nakatalikod na ako sa kaniya ay hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan niya ako.
Napatingin ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. I miss him so much,ganito siya saakin nung mga panahon na binibitawan ko na siya....
"Naibigay mo ba?"
Sa tanong niyang iyon at alam ko na kung sinong tinutukoy niya ay mabilis kong binawi ang kamay ko sa kaniya at napayuko bago sumagot. "Oo. mauna na ako"
Tuluyan ko na siyang tinalikuran. At kahit paulit ulit ko siyang talikuran iisa parin yung nararamdaman ko... Mahal parin kita hanggang ngayon Neiel..... hindi ko parin nakakalimutan kung paano tayo nagsimula at kung paano tayo natapos....
Flashback
"I love you Akeisha...please stay with me no matter what happens...." sambit ni Neiel habang nakahiga sa hita ko at sinusubukang laruin ang buhok niya.
"I will Neiel...."
Ang healthy noon ng relationship natin. Kaya nga tayo inabot ng 2years diba? Palagi mo akong pinoprotektahan,kahit na miyembro ka ng Treskelion Group at mahirap para sayo na nasa iisa tayong grupo ay kinaya mo,kinaya nating dalawa. Protektado mo ako sa lahat ng oras.
Pero lahat ng oras limitado...hanggang sa natapos na ang dating tayo...
"Ayoko na Akeisha... Itigil na natin toh" Umiiyak na ako nung bitawan ni Neiel ang katagang iyon. Hindi ko alam kung bakit siya nakipag hiwalay saakin. Masaya naman kami dati at walang dahilan para iwan niya ako.
"Looked,hindi na kita mahal akeisha...hindi na ako masaya...ikaw nalang ang masaya saating dalawa at hindi yon mag wowork"
That time i became speachless. I didn't know that the person i love is the person who broke my heart into million pieces.
Hanggang sa wala na tayong connection nun sa isa't isa. Hindi na ako miyembro ng Treskelion Group. Masakit para sa akin pero kinaya ko. Dahil i remember the last word you said to me. "No matter what happens,i will come back...."
End of flashback
Babalik kapa ba talaga Neiel? Posible pa ba talagang bumalik yung dating tayo kung may mahal kanang iba?
"Akeisha! Nasunog mo na yung gown ni Sasha...halahhhh" mabilis kong ibinaba ang plantsa na hawak ko at inihiga ang gown na dapat ay isusuot ni Sasha mamaya sa pageant.
"Halah...anong gagawin natin? Wala ng ibang design na available..." pag aalalang sambit ni Aevy sa akin.
Napatuktok ako sa ulo ko sa sobrang inis sa sarili ko. Hindi ko napansin na nagpaplantsa na ako ng isusuot na how ni Sasha. I'm sorry Sasha....
"Wag kang kakabahan Sasha! Andito lang kame!" Tumpukang tao ang iniluwal ng pintuan dito sa studio at isa nanga roon ay si Sasha kasama sila Caile at Neiel.
"Lagot...andito na sila...." nahihiyang sabi ni Aevy.
"Hi Aevy! Hi Akeisha! Tapos ko na yung inihanda kong talent! Vinedeo nila Alexine kaya mapapanood niyo rin yon mamaya." Masiglang sabi ni Sasha. Hindi ko tuloy mapigilang hindi maguilty sa nangyari. Hays. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila.
"Huyy! Hindi ba kayo masaya para sa akin? Natapos ko na ang talen-"
"I'm sorry sasha... Nasunog ko yung g-gown mo...." Napayuko na lamang ako sa hiya. at siguradong lahat sila nakatingin sa akin....
"Don't apologized to her ate Akeisha. Thank you sinunod mo yung gusto kong mangyari. HAHAHA"
Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nagsalitang iyon. Si Geneva....
"Akeisha?anong ibig sabihin ng kapatid mo?" nagtatakang tanong ni Jhajha. Fvcked! Anong ginagawa ni Geneva!
"T-teka... H-hin"
"Ate naman... Hindi mo pa sa kanila sasabihin na napagkasunduan na natin toh?"
Naghalo halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Para bang gusto ko na lang maglaho ngayon din. Bakit mo toh ginagawa sa akin Geneva....?
"Totoo ba Akeisha..."
At narinig ko nanaman ang boses ni Neiel na kalma lang pero alam kong galit. Ibig bang sabihin naniniwala sila sa kapatid ko.... Pano ko ba ipapaliwanag sa kanila?
"A-aksidente lang ang nangyar-"
"Just get out Akeisha...." malamig na boses ni Zach ang namayani sa silid na kinalalagyan namin.
"Teka lang naman Zach hayaan mo munang magpaliwanag si Akeisha"
Pagpipigil ni Sasha kay Zach na nasa silid narin pala."Alam mo na Akeisha na pag sinabi ko kailangan sundin agad diba?" Zach
"Get out!" sigaw ulit ni Zach.
Sa sobrang hiya ko sa kanilang lahat lalo na kay Sasha ay naiyak na lamang ako. Pakiramdam ko sinaksak ako ng higit pa sa sampung kutsilyo. Lalo na ang kapatid kong si Geneva. Sumusobra na siya.....
Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Nasasaktan ako sa nangyayari.....bakit sa daming pwedeng mangyari sa akin bakit ngayon pa? Paano ko susuportahan ang kaibigan ko kung ang tingin nila sa akin sinabotahe ko silang lahat.
How can i ease this kind of pain....ang sakit sakit.... Hindi ko naman sinasadya pero bakit naakusahan ako ng ganito?
Iiyak nalang ba ako ngayon? Hays... Siguro mas mabuti pang magpakalasing na lamang sa alak para kahit saglit mawala ang sakit na nararamdaman ko.....
