Chapter 18 Untitled
Sasha's Pov
Tinatahak namin ni Zach ang daan patungo sa loob ng mansyong itim. Marami kaming nakakasalubong na tao na nakasuot ng itim rin kaya naisip ko na baka ang motif talaga ng party ay itim. Ngunit ang nakakapagtaka ay ang mga tingin ng mga nakakasalubong namin. Tila ba iwas na iwas silang tumingin sa amin at napapahinto at yumuyuko pa sa twing dumadaan kami ni Zach.
Sandali kaming tumigil ni Zach at nilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng paligid. Marahil ay may hinahanap siyang mga tao kaya siya ay balisa.
"Zach!"
Sabay kaming napalingon ni Zach sa tinig na pinanggalingan nung tumawag na iyon. Nakita namin na si Caile ang tumawag na nasa kanang table at may hawak ng wine glass.
Malayo kami sa kanila ngunit natatanaw ko na ang mga tao na nandun kasama nila. Sila Neiel at ang grupo nga ni Zach. Pagtingin ko sa babaeng kalapit ni Neiel ay halos magulat ako. Well,dinaman kagulat gulat ang kagandahan ng isang Akeisha Samantha Zelleon. Ngunit diko lang lubos na maisip na kasama pala siya at nandito nga siya kasama namin.
"Ahmmmm.ahmmmm!" Nagmistulang inuubo si Caile nung makalapit saamin,sabay iminustra niya ang kamay kong nakakapit sa braso ni Zach.
Mabilis akong dumistansya kay Zach at inalis ang pagkakahawak ko don. Nagsitawanan lamang sila Caile pati si Akeisha.
Nilapitan ako ni Akeisha at inabutan ng Drinks. "You're so elegant tonight sasha" puri ni Akeisha saakin habang nakatingin lang saakin.
Napansin ko rin naman siya. Naka black dress rin siya at bagay na bagay rin sa kaniya ang kaniyang suot dahil lalo pang napansin ang kurba ng kanyang katawan.
Hindi ko mapigilan ang pasimpleng pag sulyap sa paligid. Maraming tao,pero parang mga seryoso sila at para bang palagi silang sumasabak sa gulo dahil sa mga katawan ng mga lalaking malalaki. Tapos ang mga babae naman,may mga hikaw na hindi lamang isa kundi halos punuin na yung gilid ng tenga.
"Sasha! Come here,i will introduce you to my friends"
Lumingon ako sa paligid at animo'y naguguluhan kay Zach. Ako ba talaga ang niyayaya niya? ipakikilala sa mga kaibigan niya? Teka naman?!
"Ako ba talaga?bakit ako?" Paninigurado ko ngunit tinawanan lang ako nila.
"Stupid girl"
He whispered,Kaya naman inirapan ko na lamang siya kasi nagtatanong ako ng maayos.
Naramdaman ko na lamang na gumagalaw ako at nang makita ko ang dahilan ay wala na akong magawa. Hinila na pala ako ni Zach patungo sa sinasabi niyang kaibigan niya.
Huminto kami ni zach sa kaliwang table na maraming lalaki at puro mga babae sa katabi. Ang iba ay panay pa ang lampungan sa harapan namin. Juicecoloreddddd masyadong spg toh
"Zach! Owww! Is she is your girlfriend?" Tanong ng isang lalaking may tattoo ng krus at parang may karugtong pa na puso. Kung ako ang tatanungin ay nakita ko na ang ganung tattoo,hindi ko nga lang matandaan kung saan ko iyon nakita.
Inabutan ako ni Zach ng Wine ngunit konti lang ang nilagay niya ron dahil bago kami pumasok dito sa mansyon na toh ay napag kasunduan naming hindi ako pwede ng mga inumin dito dahil sa allergy ko sa inuming ganto.
"Girlfriend nga ba yan ni Zach? Wait? Parang palengkera lang ah? Zach naman?isa kang kilalang leader ng Treskelion Group tapos...ayyyys!"
Sa init ng ulo ko ay halos pigilan ko na ang namumula kong galit. Sobrang judgemental nila! Mga panget din naman! Keep calm sasha! Be patience
Mariin naman ni Zach hinawakan ang aking balikat upang lalo pang lumapit sa kaniya. Kasama noon ang ngiti sa kaniyang labi. Sa oras na ito ay hindi ko makita ang bad side ni Zach at puro good side ang nakikita ko.
"Yes! she is my girlfriend."
Muntik ko ng maitapon ang iniinom kong wine kaya naman siniko ko si Zach. Pangiti ngiti pa tong lalaking toh na akala mo ay proud na proud.
Nakikipag usap parin si Zach sa mga kaibigan niya at ako naman ay walang ibang ginawa kundi ilibot ang paningin sa paligid.
Kung papansinin ko ang mga taong nandito ay parang ang wewirdo nila. Hindi ko nga minsan maisip kung party nga ba talaga ang nagaganap eh.
"Zach?Cr lang ako ha"
Paalam ko kay Zach ngunit ang totoo ay hahanapin ko si Akeisha dahil naiinip ako rito at na oop na rin. Bwesit kasing kupal yon! Hindi manlang ako kausapin at parang wala lang ako sa tabi niya.
Kanina pako naghahanap ngunit diko si Akeisha makita. Tanging sila Neiel lang ang nakita ko kaya minabuti kong sa kanila lumapit at tanungin kung asan si Akeisha.
"N-neiel....? N-nakita mo ba si Akeisha?" What's wrong with me? Bakit ako nauutal sa taong nasa harapan ko? Sa lalaking diretso ang tindig na may hawak na wine at nakalagay ang kamay sa bulsahan?
Inginuso niya lang ang labas at ipinahahayag na andun si Akeisha. Wala pang ilang segundo ay tumalikod na ako sa kaniya at lumayo.
Isang kamay naman sa batok ko ang naramdaman ko. Sa sobrang gulat ay hindi ko magawang makakilos dahil pakiramdam ko ay nakatapat sa aking tenga ang kaniyang labi dahil sa mainit na hiningang lumalabas doon.
"Sasha...mag iingat ka. Hindi lahat ng makakasalubong nakangiti ay totoo."
Hindi ko alam kung tinatakot ba ako ni Neiel o inaabisuhan,pero hindi maganda ang kutob ko. Hays! Bahala nanga! Asan na ba kasi si Akeisha?
Naglakad ako papuntang labas at hinanap si akeisha. Napangiti na lamang ako ng matanaw ko na si Akeisha na may mga kausap na nababae.
"Akeisha!" Tawag ko sa kaniya ngunit hindi niya rinig.
Inumpisahan ko na lamang na maglakad papunta sa kinatatayuan ni Akeisha at ng mga kausap niya. Sa kamamadali ko ay hindi ko napansin ang mga kasalubong ko kaya naman aksidenteng nakabangga ako at may hawak pang wine ang nabangga ko kaya natapon yon sa suot niya.
"What the fuck!" singhal ng babaeng nakabangga ko.
"S-sorry. Lilinisin ko nalang teka." natataranta akong kumuha ng tissue sa kalapit na table pagkatapos ay ipinunas yon sa babae. But she refused it. Imbis na alisin niya ang kamay ko ay kinuha niya yon at halos pilipitin na.
"Aray! Bitawan moko,nasasaktan ako" daing ko sa kaniya ngunit parang wala siyang naririnig dahil mas lalo niya pa yong hinigpitan. Habang ang mga nakakakita saamin ay nakatingin lang. Ano bang meron? Bakit dinila awatin tong babaeng ito?!
Lumapit sa babaeng pumipilipit saakin ang isa pang babaeng kasamahan niya at nagmistulang bumubulong.
"So....ikaw pala ang Treskelion Queen? Pero mukhang mahina at ordinaryo ka lang"
Treskelion Queen? Pag mula ng pumasok ako dito sa mansyong ito ay puro Treskelion na lang ang naririnig ko.
"W-wala akong a-alam dyan-aray"
Pahigpit ng pahigpit ang hawak niya saakin at halos bumaon na ang kuko niya sa balat ko. Inagaw ko na yon sa kaniya dahil sobrang sakit na talaga.
Pinagmasdan ko ang braso ko at don ko nakitang dumadugo ito dahil sa talas ng kuko ng babaeng halos balian ako.
Ang bilis ng oras,pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko ay ilang saglit pa ay matutumba na ako. Hindi kaya....dahil don sa tumusok na bagay sa balat ko? No! Baka mamatay ako. Lalo pat diko na kaya. Parang pinipigilan ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko....
Zach! Asan ka na? Hindi ko na kaya.......ilang segundo pa at diko na talaga kakayanin pa.....
"Sasha!"
