Chapter 20

28 0 0
                                    

Chapter 20

Sasha's Pov

*Kringggg.kringgg.kringgggg.

Tamad kong kinapkap ang cellphone kong pinanggagalingan ng tunog dahil sa pakiramdam ko ay kulang pa ang tulog ko at the same time ay feeling ko masakit ang kanan kong braso.

*kringgg.kringgg.kringggg

"Urgh! Bwesit! Istorbo sa tulog ko." pag sasalita ko ng ako lang.

Ibinangon ko na ang katawan ko kahit mumukat-mukat pa ako. Nang unti-unti kong binukas ang aking mga mata with matching pag unat ko ng dalwa kong kamay ay kasabay ng pag kagulat ko ay ang pagsigaw ko dahil sa sakit ng kanan kong braso.

"Waahhhhhhhh-rayyyyy!!!!"

Hirit ko ulit na sigaw ng makita kong iba na ang suot kong damit,at iba rin ang kwartong natulugan ko. Myghaddddd? Asan ako? Teka?!!!!

Sandali kong ikinalma ang aking sarili,pilit na inaalala ko kung pano ako napunta rito. Pagkatapos kong mag isip ay napatingin ako sa pintuan na may iniluwal na tao.

"Ikaw?!" pagsasalita ko sa taong dumating. Isang lalaki at hindi babae kaya gulat na gulat ako at siya pa talaha. What the hell? Anong ginagagawa niya rito?

"You already awaken." Sabi niya habang papalapit sa kama kung saan nakaupo ako.

"Stop!"

Napatigil siya ng isigaw ko yon. Ngunit naglakad parin siya at di alintana ang pagpigil ko sa kaniya na wag siyang lalapit.

"Hanggang diyan ka lang!" sigaw ko ulit pero di niya ako pinakinggan.

Tumakbo ako pababa ng kama at pumunta sa sulok. "Teka lang Sasha,yun-"

"Wahhhhh! Help me! baka marape ako! Huhu! May pangarap pa ako! God!!! Mag t-tourism pako plea-"

"Huy! Wag kang O.a! Hindi ka katangka tangka!"

Amba't- inayos ko ang pagkakatayo ko dahil nagmumukha nakong tanga dito dahil hawak ko ang kumot na nakataklob sa katawan ko. Hays Sashaaaaaa.

"Bakit ba nandito ka?!" Pag iiba ko ng usapan. akala ko ay lalapit ulit siya saakin ngunit prenteng umupo siya sa sofa na nandito sa kwarto.

"Well,i brought you here in my house last night."

Sabi niya na kala mo proud pa. Pero bakit? Sa pagkakatanda ko naman hindi ako lasing kaya bakit niya ako kailangan dalhin sa baha-BAHAY niya??????

"Bahay mo?Nagugulahan ako!" inis kong sabi sa kaniya na para bang wala lang sa kaniya dahil naka dekwatro pa siya at easy'ng easy sa pagkakaupo.

"Nalasing ka kagabi kaya dito na kita dinala"

Nanlaki ang mata ko sa sinabing yon ni Zach kaya mabilis ko siyang nilapitan. "Pero may usapan tayo bago tayo pumunta sa part---galing tayo kagabi sa party?oonga!"

Nagkaidea ako ng malaman ko sa kaniyang nalasing ako,but in what way? Napag usapan naman namin yon bago kami tumuloy sa party na allery ako sa alak. Pinainom niya ako?

Akmang hahampasin ko na sana siya dahil hindi siya tumapad sa usapan ng sumakit nanaman ang kanan kong balikat.

"Aray"

Tinignan ko ang braso kong sumasakit,at ngayon ko lang napansin na may nakatapal pala. Nagtataka akong tumingin kay Zach na nakatayo na pala sa harapan ko.

"May nangyari ba saakin kagabi?! Haa Zachary Frisco?!"

Nanggigigil talaga ako sa lalaking toh eh. para bang konti na lang at masasaktan ko na siya.

Searching For The Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon