Chapter 23
Sasha's Point of view
"Class listen okay i have an announcement." Kanina pa si Sir Tod na nagsasalita sa unahan but still hindi parin ako nakikinig at lutang parin ang isip sa galit.
"The president will assist you by that time. Ibibigay ko nalang ang listahan ng mga activities at event na magaganap okay."
"Huyy! Sasha!Baka gusto mo ng makinig. May mahalagang sinasabi si Sir!"
Nagulat ako sa biglaang pagsundot ni Jhajha sa tagiliran ko kaya saka palang ako nabalik sa reyalidad. Nagtataka si Jhajha,Aevy at Akeisha na tumingin sakin. "What?" i asked
Animo'y nag usap ang tatlo dahil sabay sabay silang umiling sa akin na para bang naiirita sa akin. "President ikaw na bahala. Maiwan ko na kayo,Goodbye class!"
"Goodbye Sir!" sabay sabay nilang sigaw maliban sa akin.
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at ako na lamang ang nanatiling nakaupo. Sa inis ko sa sobra kong pag iisip na yun kay Zach ay napa sabunot na lamang ako sa buhok ko. Damn! I'm so frustrated.
Dahil hindi ko naintindihan ang sinabing iyon ni sir dahil sa hindi ko pakikinig ay kinailangan ko pang maghanap ng taong matatanong ng sinabi ni sir kanina at pinaliwanag sa unahan. Wala narin sila Jhajha at Aevy dahil may dadaanan pa raw sila sa Library. So ang naiwan na lang ay ako at si Akeisha.
Speaking of her....nitong mga nakaraang araw ay hindi ko siya mahagilap kaya mas mabuti narin sigurong kausapin ko siya at magtanong. "Akeisha?"
"Hmmmm?" busy man si Akeisha sa paglalagay ng gamit niya sa loob ng kaniyang bag ay sumagot parin siya.
"May lakad kaba? Pupuntahan or gagawin? Kasi aayain sana kitang lumab-"
"Sige. Tara na!" Masiglang sabi ni Akeisha na ikinagulat ko. Akala ko kasi ay tatanggihan niya ang alok ko dahil ilang araw narin siyang mailap sa akin at diko makita kita.
Hinigit na ako ni Akeisha dahil ambagal ko raw. Sa sasakyan niya nalang kami sumakay dahil sinundo siya ng kanilang driver.
"Coffee shop?" She asked so i smiled at her knowing that i'm fine in the coffee shop because we are coffee lovers.
Tahimik lang buong biyahe na para bang lahat takot magsalita. Wala akong maisip na pambasag ng katahimikan dahil sa hindi ko alam kung anong unang itatanong ko kay Akeisha.
"Sasha...just be safe always...."
"Haa? May sinasabi ka Akeisha?" tanong ko sa kaniya dahil parang umimik siya at diko lang narinig.
"Nothing...we're already here. Let's go?" Mabilis ko tuloy nailibot ang paningin ko at don ko nanga napansin na nandito na nga kami sa paborito naming coffee shop.
Walang alinlangan na pumasok kami ni Akeisha sa loob ng coffee shop. She insisted na siya na raw ang oorder para saaming dalawa so i decided to find the available table dahil masyadong maraming tao.
Gotcha! Wala pang isang minuto ay nakakita na ako sa may parteng gilid. Bago ako tuluyang pumunta sa gilid ay tumingin ako kay Akeisha at isinenyas na papunta ako sa gilid at don ang pwesto namin.
Habang naglalakad ako ay kinakapa ko ang cellphone ko gamit ang kanan kong kamay at sa kaliwa ay ang hawak kong libro. Sa pagmamadali ay may nakabangga sa akin na lalaking maskulado at nakaitim na hood na jacket at naka saklob din ng black. Nalaglag ang libro kong hawak kaya pinulot ko na lamang.
"N-naku s-sorry sir" sabi ko habang pinupulot ang libro pero nilagpasan niya lang ako.
"Ayy. Suplado. Bahala nga siya" Sabi ko sa mahinang boses at tumayo na. Napatitig uli ako sa baba ng mapansing may picture ako na nalaglag siguro. Pero nakakapagtaka lang dahil sa pagkakaalala ko ay hindi ako nagpadevelop o anuman para magkaroon ng ganung picture. Tinignan ko ang likod ng picture at may nakasulat na pangalan ko.
"Sasha ano yan?" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Akeisha dala ang order namin.
Itinago ko na yon ng mabilis at lumakad na papunta sa table namin. "Wala naman. Tara na kapeng kape nako eh."
She smiles at me kaya naman naglakad na akong tuluyan hanggang makarating sa table naming dalawa.
Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan at inis na inis siya sa akin dahil hindi ako nakikinig kay Sir Tod kanina kaya diko alam na may may event na magaganap next week.
"Oo! Kaya kailangan mo ng asikasuhin yung mga sasali sa events at syempre yung representative natin sa darating na pageant"
Oonga pala! Kasama pa don yung pageant. Myghadddd! Sobrang busy namin next week.
"Basta we will help you. Hindi ka namin iiwan noh. HAHA!"
Sinimsim ko narin yung kape ko at nagsisimula na ulit na mapaisip sa lalaking nakabangga ko kanina. Kung tutuusin kasi tanda ko ang mukha niya. Maputi siya na matangos ang ilong. Ang mata niya ay namimilog.
"Para saan tong picture na toh Sasha?may pangalan ka sa likod?"
Hindi ko na napansing nakuha na pala ni Akeisha yung litratong iyon na isinipit ko sa libro. "Hindi sakin yan..."
"Oh alangan namang sakin nakita mo ng mukha mo yan diba?" pag bibiro ni Akeisha na siya lang ang natawa.
"Okay waley so shut up nalang me"
"eh kung hindi sayo yan kanino?" Tanong niya.
Nagkibit balikat ako dahil hindi ko talaga alam kung saan yon galing. "Basta kanina habang naghahanap ako ng mapupwestuhan natin may nakabangga akong lalaking naka black na hood at cap...."
Nanahimik bigla si Akeisha kaya diko na lang ulit sinundan ng salita pa. Masyado na nga akong maraming isipin tapos dinagdagan pa ng lalaking nakabangga sa akin kanina. Pero imposible nga kayang sa kaniya galing yon? Pero bakit meron siya nung picture ko?
Hindi narin kami nagtagal ni Akeisha sa Coffee Shop na yun at umalis na kami. Inihatid pa niya ako saamin kahit na tumanggi na ako dahil medyo madilim na.
"Basta itext mo ko agad ha!" salita ni akeisha bago umalis. Tumango na lang ako dahil mula pa kanina ay yan na ang bilin niya.
"Oo na! sige na papasok na ako sa loob mag iingat ka."
Pumasok na ako sa loob ngunit pakiramdam ko ay nakatingin parin sa akin si Akeisha hanggang sa loob. Saka ko lang naalala na may itatanong nga pala ako sa kaniya tungkol don sa nangyari nung party ngunit nakasakay na siya at paalis na ang sasakyan niya. Bumalik na lang ako sa gate para ikandado yon.
Hindi narin naman ako nagtagal at umalis na rin ako at pumasok sa loob dahil nagbabadya pa ang ulan. Nadatnan ko na lang sa loob na si Jhajha ay nanonood sa salas.
"Hays. dumating din..." she mumbled
Dumiretso nalang ako sa kusina at tiningnan kung anong nakahain. "Nagluto ka? Himala ah" pagbibiro ko
"Kumain kana lang jan bibigwasan kita makita mo" kahit na nakaupo pa rin siya sa sofa at nanonood ay nasabi parin niya yon at ikinatawa ko. Kahit na busog ako ay syempre gusto kong matikman ang luto ng bruhildang jhajha na yon. HAHA. Minsan lang kasi yun magluto at halos ako ang nagluluto dito o madalas ay padeliver pa. kaya nakakapagtaka lang na nagluto siya at paborito ko pa ang ulam.... Adobong manok....
