( An : Hi to those readers out there! Sorry dahil matagal mag update akes! Haha. Busy ng busy kasi ako sa school at dahil malapit na ang sembreak magkakaroon na ako ng time para tapusin ang relasyon namin---charot lang HAHA. I'll try my best para matapos ang storyang ito ngayong sembreak. Don't forget to vote my story. Godbless :)
-@shanamistrong )
Chapter 19
Akeisha's Pov
"Sasha!" Nagulantang ako ng makita kong halos matumba na sa kinatatayuan si Sasha,mabuti na lamang at dumating si Zach at agad na nasalo si Sasha.
Walang ano-ano ay lumapit ako sa direksyon nila. Si Zach.....ang tindig niya,ang mga tingin niyang iyon. Eto nanaman siya,madilim na paligid ang bumabalot sa kaniya,ito ang ayaw namin sa kaniya makita....
"How dare you to used that fvcking ring to my girl."
His voice,makes me frightened again. Last time i heard that voice is nung inuutusan niya si Caile na humingi ng sorry sa nagawa niya kay Sasha.
Nananatili lang akong nasa panig nila Zach dahil medyo kumplikado ang pangyayaring ito dahil si Yvette pala ang siyang gumawa nun kay Sasha.
"But Zac-"
"I dont fvcking care!"
Halos lahat ng tao ay napatingin sa kinalalagyan namin. Mas nakakagulantang pa ng higitin ni Zach si Yvette.
"Ouch! Z-zack....n-nasaktan a-ako" daing ni Yvette na tinititigan lang ni Zach ng masama.
Di alintana ni Zach na hawak niya sa kaliwang braso si Sasha habang si Yvette ay hawak niya rin sa kanan.
Akmang kukunin ko na si Sasha ng makarinig at makaramdam ako ng lumagapak na Kung ano.
Natumba si Yvette dahil sa malakas na sampal ni Zach kaya naman napahawak na lamang siya sa kaniyang pisngi. Kaming mga nandirito sa kinatatayuan nila ay nagulat ng makitang isang mahabang guhit sa pisngi na dumudugo ang natanggap ni Yvette sa pagkakasampal ni Zach. Idinako ko ang tingin sa kamay ni Zach na ginamit niya sa pagsampal kay Yvette,nanlaki ang mata ko ng makitang suot niya ang kaniyang death ring kung tawagin ng mga treskelion group. Kung saan ang death ring ang siyang ginagamit ni Zach satwing may labanan ang magkabilang grupo.
Itatayo na sana si Yvette ng mga kaibigan niya ng biglang magsalita si Zach.
"All of you...get lost." mahina man yon at sapat na para marinig naming lahat ngunit alam namin na kapag nagsalita na si Zach ng ganun ay hindi na siya pwedeng labagin.
"Zach?what's wrong with he-"
"I said all of you,get lost!"
Kahit sila Caile na kaibigan ni Zach at kagrupo na huli ng dumating ay natarantang naglakad pabalik sa loob ng mansyon. Habang ang iba ay nagsi takbo na papalabas ng gate.
Wala akong ibang magawa kundi ang umalis na rin. Hindi ko kasi maaaring labagin si Zach. Kahit hindi na ako literal na miyembro ng Treskelion Group ay alam ko parin na isang utos niya lamang ay dapat masunod na ng lahat,or else makakapatay siya ng tao.
Yes. Zach is zach,the one and only leader of Treskelion group which is more powerful rather than any group. Kinatatakutan na siya noon pa man,at bihira na lamang siyang umattend o dumalo sa mga ganitong pagpupulong ng mga grupo kung saan pansamantalang magkakasundo sila. At ang nangyari ngayon ay maaaring maging usapin sa Grupo nila Yvette at pagsimulan nanaman ng bagong away ng magkabilang grupo.
Sa pag alis ko sa kinalalagyan namin kanina ay hindi ko na alam kung san at anong gagawin ni Zach kay Sasha. Pero alam ko namang magiging ayos si Sasha kay Zach. Minor lang naman ang natamong tusok ni Sasha na may halong Chemical na siyang ginagamit rin nila Yvette satwing may labanan o proteksyon nila. Pero mali na ginamit niya yon sa walang kamalay malay na si Sasha. Lalo pa't si Zach ang nag invite kay Sasha at pinakilala bilang girlfriend niya kahit hindi naman talaga. Hindi ko man alam ang nais sabihin ni Zach don sa pag papanggap nilang sila,pero may tiwala ako sa kaniya.
Exactly 1am na akong nakarating sa bahay namin. Dahil hindi na ako naihatid nila Neiel ay nag Taxi na lang ako at hindi ko rin dala ang sasakyan ko. Pagkapasok ko pa lamang sa gate ay isang kotseng itim na agad ang bumungad saakin na sa pagkakatanda ko ay kotse ng dad ni Caile yon. Ngunit anong ginagawa ng kotse ng Dad ni Caile saamin sa ganitong oras?
Saktong pagkapasok ko sa bahay namin ay nakasalubong ko na si Dad at ang Dad ni Caile na papalabas na ng bahay. Imbis na ngumiti o batiin man lang ako ay wala akong nakuhang salita sa kanila na busy parin sa pinag uusapan nila na malamang ay about sa business.
Haysss. Si dad talaga,pag usapang business,ang seryoso niya. Halos di na nga siya magka time saakin e,dahil puro business na lang.
Sana andito na lang si mom,para sana masaya ako lalo ngayon......
Dumiretso naako sa taas dahil sa pagod ko at antok. Tamad kong ibinagsak ang aking katawan sa aking higaan. Dinig ko namang unti-unting nagbubukas ang pintuan kaya napatingin ako roon. "Hey sweetie....are you tired?" Si dad lang pala.
Kahit nakadapa ako sa kama ay tumango nalang ako sa kaniya. Nakaakyat na pala agad siya sa kwarto ko,kala ko kasi dinya ako nakita na dumating e.
"Magpalit ka muna ng suot,pagkatapos magpahinga kana. Take some rest sweetie. Good night" he said,nang maisara niya na ang pinto ay unti unti akong bumangon. Kumuha ako ng damit para makapag palit na nga at makatulog na.
Nang matapos ako ay nagtungo muna ako sa baba para kumuha ng gatas,na nakasanayan ko ng gawin.
Nang makuha ko na ang gatas ay Cellphone ko naman ang hinawakan ko. I texted sasha and i asked her kung nakauwi na siya,after few minutes wala parin naman siyang reply kaya medyo nag aalala naako.
Bago ako umakyat ng kwarto ko ay itenext ko ulit siya at saka itinago ang cellphone ko.
Nadaanan ko pa na bukas ang kwarto ni Dad kaya minabuti kong sumilip muna saglit. Habang papasok ako sa kwarto ni Dad ay iba ang pakiramdam ko,feeling ko ang bigat ng hangin na bumabalot sa loob. Tumama sa paningin ko ang kama niya,wala siya don. Dahan dahan paakong lumakad dahil baka mamaya ay nandon lanv siya sa work room niya na kadugtong pa ng kwarto niya at hindi ako nagkamali,andun nga siya. But when i saw his position while sleeping,i felt pity for him. Nakasubsob ang mukha sa mga paperworks at andon pa ang salamin niya. Naghihilik na siya at suot pa ang work attire niya.
Dahan dahan akong lumapit at iniisip na kung pagod ako,mas pagod siya. Nakaramdam ako ng pagkaawa kay Dad,feeling ko simula nung mawala si Mom nasubsob na siya sa work at business namin.
Nalalag na pala ang luha ko ng dina mamalayan. Naalala ko parin ang pagkawalang iyon ni mama nung 7 years old ako. At nasasaktan parin talaga ako pag naalala ko yon,ang pagkakasakit ni mama ng liver cancer.
inalis ko ng dahan dahan ang salamin ni Dad,at kumuha ng unan sa para kahit papaano ay malambot ang sumasapo sa kaniyang ulo. Kinumutan ko rin siya dahil medyo malamig sa kwarto niya. Saka lang ako umalis nung masiguro ko ng ayos si Dad.
Marahil ay pagod na pagod siya dahil sa work and business namin,at alam kong lahat ng yon ay para sa future ko,para sa ipinangako niya kay mom bago si mom mamatay. And i'm happy dahil tinutupad yon ni dad kahit alam kong nahihirapan siya minsan.
All i can do is to make him proud....maybe not now,but i will make him proud to me. Someday dad!
