Chapter 5 : Friends
Sasha's Point of view
"Urghhhhhhh!!!!kabago bago palang niya pero kung makaasta siya akala mo kung sinong may ari ng school!" Pagdadabog ko habang papasok ng Comfort room.
Naiinis ako sa kaniya dahil nakakainsulto siya. Akala ko mabait yun pala akala ko lang pala. Hays
"Girls,naririto naraw sa st.cathaline academy ang anak ng owner ng paaralang ito" Kahit na malayo ako sa kanila ng konti ay nadidinig ko ang kanilang pinag uusapan.
"Yeah,and the saddest fact is,he is in the section Matterix" nanlaki ang mata ko ng malaman ko kung sino ang tinutukoy nila. Isa lang naman ang napunta saaming bagong kaklase e. At yun ay ang kutong lupa na yon.
"Teka lang... Diba siya ang president ng section Matterix?" Napaurong ako ng kaunti mula sa kinatatayuan ko ng pagtinginan ako ng mga babae dito na panay ang retouch.
Lumapit ang isang babae saakin at nung maisip niyang sobrang lapit niya saakin ay umurong siya ng konti na akala mo nandidiri. What's up with her?
"You are the president of section matterix right?" Tanong nung babaeng lumapit saakin.
"Y-yes...." Maiksi kong tugon. Bigla silang natawa na nakakainsulto kung iyong maririnig.
Nagkatinginan muna sila bago pa ako lalong nilapitan at pinalibutan. "How about.....tulungan mo kaming makalapit sa bag-"
Mabilis kong inagaw ang kamay ko at tumakbo papalayo. Crap! Sa lalaking yon? Asa sila. Mas gugustuhin ko pang maglingkod sa mga kaklase ko kesa makausap ang kutong lupa na yon.
Pagkatapos kong magtungo kanina sa comfort room ay minabuti kong pumunta muna sa roof top kung saan yun ang pinaka paborito kong lugar dito sa school.
I remember how the first time na aksidenteng na punta ako dito. Iyon yung araw na nabully agad ako kahit na first day palang ng school.
Dito sa taas ay malaya akong nakakapag isip. Bukod sa tahimik ay napaka sarap ng hangin na siyang dumadampi sa aking balat.
"Ow. Andito pala ang presidente namin." Nilingon kong mabilis ang nagsalita na sa pagkakatanda ko ay si akeisha iyon at hindi nga nagkamali.
Nahihiya akong tumingin saglit sa kaniya pero ibinaling ko rin ang tingin ko sa kabuuan ng st. Cathaline academy.
"Snobbing from you." nabago ang tinig ng kaniyang boses na animoy nagtatampo.
Hindi ko parin siya pinapansin dahil hindi naman ako sanay na kinakausap nila ako. "Wala kaba talagang balak na pansin ako?"
Napabuntong hininga nalamang ako. Alam ko naman na may side talaga siya na madaldal but I'm just not comfortable.
"Okay fine aalis na lang ako" Salita ulit niya at nag umpisa ng tumalikod saakin.
May kung anong pakiramdam akong naramdaman nung nagpaalam siya. Like nakakaguilt lang kasi isang akeisha samantha zelleon na ang siyang kumakausap sakin.
"Sandali...." I shouted to her kasi medyo malayo na siya.
Agad siyang lumingon sa tayo ko at tinapunan ako ng pagkasigla siglang ngiti.
Nagtatakbo siya papalapit saakin at nahihiya akong tumingin sa kaniya.
"Akala ko hahayaan mo na talaga akong makaalis e. uh teka may dala pala akong pagkain share tayo" nakatingin lang ako sa ginagawa niya,nakakapanibago. Para saan ba ang ginagawa niya.
"Here. Maupo muna tayo. Alam mo madaldal talaga ako kaya kung mananahimik ka lamang jan ay pag tiisan mo ang ingay ko" I simply smile to her. Bagay na bagay sa kaniyang kadaldalan ang kaniyang aura. I mean isa siya sa maituturing na Goddess ng school namin. kaya naman hindi ko lubos na mapagtanto na kakausapin niya pala ako ng ganito.
Dumaan pa ang isang oras ng pagiging madaldal niya at mukhang nasanay na agad ako.
"So ano? Friends?" She asked nung makatayo na kami
"P-pero hindi ba n-nakakahiy-"
"Shut up. I already told you,wala akong pakialam sa iisipin nilang lahat saakin kung kakaibiganin kita. I am very proud na kaibigan ko na ngayon ang presidente ng section namin."
Wala sa sarili ko siyang nayakap. First time kong magkaroon ng kaibigan kaya naman sobrang natutuwa ako. Mula ng pumasok ako dito,wala ni isang nagtangka na kaibiganin ako. At kung ako man ang gumawa ng first move para maging kaibigan sila,hindi sila pumapayag.
Magkasabay kami ni akeisha na pumasok sa room namin. Kwento parin siya ng kwento hanggang pag pasok namin sa room. and what i expected,nagulat silang lahat sa kanilang nakita.
Napayuko ako sa hiya. Hindi ba talaga kami bagay ni akeisha maging mag kaibigan? "Akeisha!" Tawag ni Aevy kay akeisha.
Natigilan si akeisha sa kakakwento sa akin at katatawa sa sarili niyang kwento ng mapagtanto niyang tinawag siya ni Aevy.
Pumunta saaming kinatatayuan si Aevy. Nagtataka siyang umikot saaming dalawa ni Akeisha.
"What's going on? Are you two friends now?" And then suddenly,my shyness is on my nerves now.
I expected that akeisha would deny me but I'm wrong. "Yes! Me and Sasha are friends now." Proud na sabi ni Akeisha at pagkatapos ay hinigit niya na ako papunta sa katabi niyang upuan. Dahil wala don na nakaupo ay pumayag na lang ako na sa tabi ako ni akeisha. Tutal nakita ko nanamang nakaupo sa upuan kong iyon ang kutong lupa na yon.
Akala ko tapos na si Aevy magtanong pero hindi pa pala. Hinabol kami niya sa kinauupuan namin ni akeisha. Sakto namang dumating na ang subject teacher namin kaya dina nagawang mambulabog ni aevy. Nakasimangot na lamang siyang umupo sa upuan kalapit ni akeisha.
"Mag kaibigan na pala kayo. Hindi niyo manlang ako ininform." she mumbled at nakita kong napatawa na lang si akeisha.
The time's passed by. Natapos ang maghapong mapayapa ang lahat. Pati uwian ay kasabay ko si akeisha na nag presenta na siya na ang maghahatid sakin sa inuupahan kong bahay since may sarili siyang sasakyan.
"Akeisha! Sasha!" Sabay naming nilingon ang tumatawag.
Hingal na hingal siya ng makaabot sa pwesto namin. "Bagay talaga kayong maginv mag kaibigan. You're both stupid!" Inis na sabi ni aevy.
"Yeah,we're stupid but we are unique. Right sasha?" Akeisha
Tumango na lamang ako. "hays. Don't you see? Gusto ko ring maging kaibigan si Sasha!" Natulala ako sa sinabing iyon ni aevy. Iniisip ko na kanina lang si akeisha ang gustong maging kaibigan ko and then now si aevy naman?
"Hahaahhahahahahaha" tawa ni akeisha
Sinamaan siya ng tingin ni Aevy. "mukha bang nakakatawa yung sinabi ko? Seryoso naman ako ah!"
Pinagmamasdan ko lamang silang dalwa. Msg best friend kasi sila sa pagkakaalam ko. Pero ang hindi ko lubos na maisip ay gusto nila parehas na maging kaibigan ang isang Sasha na kagaya ko.
"Wag ka sakin magpaalam aevy,kay sasha ka magpaalam" akeisha
Lumapit saakin si aevy at hinawakan ang kamay ko. "S-sasha..... C-can we be f-friends.........?"
